Chapter 27

579 13 2
                                    

"Congratulations! You're two months pregnant. Since you are a first time mommy. Normal lamang ang morning sickness, frequent urination, mood swings, food craving, heartburn, conspitation, headache and dizziness." masayang saad ng isang babaeng doktor. Hindi talaga nagpapigil si Vincent at nag-request ito ng babaeng doktor.

Ngumiti at tumango ako ng naluluha. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngunit hindi ko maiwasang mapatunganga sa dami ng dadamdamin ko. Kaya pala kahit sa liit ng bagay ay iniiyakan ko at pagsusuka na rin na normal na mararamdaman ng nagdadalang-tao.

"W-what?" mahinang bulong ni Vincent na hindi ko masiyadong narinig.

Tatanungin ko sana ito kung ano ang sinabi nito ng pagtingin ko sa kanya ay nasalubong ko ang malalim nitong titig sa 'kin. He was looking at me with his teary eyes. His nose turned red as well as his cheeks. Namumula rin ang mata. Parang hinaplos ang puso ko at kusang inabot ang pisngi nito at pinahid ang luhang kumawala. I brushed his hair using my fingers dahil tumatabon ang iilang hibla ng buhok nito sa noo na umaabot sa mga mata nito.

"You're p-pregnant?" His voice cracked and then he swallowed hard.

Tumango ako at ngumiti rito. Hinaplos nito ang pisngi ko bago ako nito niyakap.

"Damn! I should've stayed. You were alone and p-pregnant, Xedusa. I'm sorry," he said as he pressed his face on my neck.

I apologitically looked at the doctor but she smiled and nodded. Tumayo ito at walang ingay itong lumabas para bigyan kami ng pribadong pagkakataon. Ramdam ko ang init ng singaw ng hininga nito and it somehow comforting me.

"Ayos lang. We both have our own mistakes. Masaya akong nandito ka," bulong ko at hinalikan ang tainga nito. It caught him off guard and then he slowly looked at me. Hindi ko alam na kaya ko pa palang umakto ng ganito. Hindi ko inakalang...hindi ko ito inaasahan. Siguro narinig Niya ang mga hiling kong nasa puso ko lang nakatago. Na kahit pilit kong binabaliwa dahil sa hangaring mabuhay na ng mapayapa ay walang boses ko ring hinihiling na mayakap at mahawakan ang taong nasa tabi ko ngayon. Na gusto ko mang umiwas sa lahat ay kay Vincent rin pala ang payapang hinahanap ko.

"I'm going to be a father," mahinag bulong nito. Tumango uli ako at ngumiti. Halos hindi makapaniwala. Bakas ang tuwa sa mga mata nito.

Natapos ang check-up ko na wala akong ni pisong nailabas. Wala akong nagawa nang pigilan ako nito at ito na mismo ang nagbayad at seryosong nakinig sa binigay na mga niresitang vitamins at gatas. Nang pumasok na kami sa loob ng sasakyan ay dumiritso kami agad sa isang drug store habang sakop nito ang isang kamay ko.

"Ako nalang at 'wag ka nang bumaba baka mapagod ka. May gusto ka bang kainin? Cravings?" Attentive ito at sobrang seryoso pero bakas naman sa mga mata nito ang excitement.

"Hindi naman ako mapapagod pero sige," tumango ako at napahaplos sa tiyan. " Parang gusto kong kumain ng burger na may mangga."

Natigilan ito at kumunot ang noo bago ito napatango. Alam kong gusto nitong magreklamo pero hindi naman umalma na ikinatuwa ko.

"Anything else? 'yong healthy foods naman?" Alanganin nitong suhesyon na nagpasalubong ng mga kilay ko. Oo nga. Unhealthy masiyado ang burger.

Habang napapa-isip ako ay bigla akong natigilan ng makita ang pamumutla ni Vincent.

"A-Alright...burger with mango. The yellow or the green one, love?" Bakas sa tuno nito ang pagka-aligaga.

"Ayos ka lang?"

"Yes. 'Wag ka ng magalit. I will always say 'yes' from now on."

"H-ha? Hindi naman ako galit at...uh..gusto ko ng champoradong may shredded mangoes. Iyong kulay green. Kung ayos lang sayo. Meron naman akong pera-"

Art of Temptation Series: Touch You DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon