Buong oras ng byahe ay lalo kong naiisip ang nangyari kanina at sa ospital. Minsan, kapag nakatapak ang mga paa ko sa gusali ng pagmamayari ni Sir Vincent ay nakakalimutan kong may problema ako sa labas. Kapag papauwi naman ay nahahati ang naiisip ko at nang nasa loob na ng ospital ay nababalik na ako sa reyalidad.
"Ayos ka lang, anak?" isang tinig ang pumukaw sa malalim kong pag-iisip. Nilingon ko kung saan banda si Mama at nakita kong kuryoso ito.
"Opo naman."
Ngumiti ako rito at inayos ang mga nahugasang prutas na binili ko bago nagpunta rito sa ospital.
"May nangyari bang maganda sa trabaho mo at masaya yata ang anak ko?" tanong uli ni Mama na ikinailing ko at pilit pinipigilan ang maliit na ngiti.
"Hmm... Opo," natawa ako ng naging mas kuryuso pa ang itsura ni Mama. Umayos pa ito ng upo. "Kasi, pinayagan akong mag cash advance ng boss ko, Ma."
Nakita kong bahagya itong nasurprisa sa sinabi ko.
"Talaga? Paano mo nagawa e ang bigatin ng hotel na pinagtratrabahuan mo anak?"
"Ma naman. Wala po yata kayong bilib sa akin. Sympre po naging...uh...kaibigan ko na po 'yong boss ko at- 'yon po. Magkaibigan kami." saad ko at pilit pinagtutuonan ang mga prutas.
"Mabuti at may kaibigan kana anak. Siguro'y kasing ganda at bait mo iyon." masayang saad ni Mama. Hindi ko alam kong matatawa ako o ano. Hindi ko kasi pina-alam kay Mama lahat at baka magalit lang siya sa akin.
Alam ko naman ang mga limitasyon ko. Walang palya si Mama sa kakapangaral sa akin pero may kailangan lang talaga tayong tibagin hindi para sa sarili natin kun'di para sa taong mahal na mahal natin.
Kung tutuosin man gusto ko nang matapos ang lahat para gumaling na ang Mama ko. Tubuan man ako ng konsensiya at kahihiyan pero hindi maaalis sa akin ang pagiging makasarili at gumamit ng tao. Kasi...sa bawat araw na dumadaan. Nakikita ko ang pagbabago ng Mama dahil sa sakit nito. Bumagsak ang pangangatawan nito at tumatamlay.
Alam kong pinipilit lang ni Mama na maging masigla 'pag nakikita ako pero nang minsan ay nakita ko si Mama na nakaupo lang sa kama nito tinatanaw ang syudad sa bintana. Walang bakas na kahit anong saya sa mukha nito.
Masakit sa dibdib pero kakayanin. Alam ko namang hindi ako iiwan ni Mama.
"Opo, Ma. Maganda, mabait, at laging masiyahin." hindi ko maiwasang matawa sa huling sinabi.
"Mabuti naman. Kapag nakalabas na ako rito ay ipakilala mo naman ako, anak."
"Walang problema, Mama basta ba ay kumain ka ng marami." nakangiting saad ko na sinuklian naman ni Mama.
Natapos ko na ang paglalagay ng prutas kaya inabot ko ang stainless plate dome cover sa lamesa. Kakahatid lamang nito kanina ng dumating ako kaya mainit-init pa.
"Kakain ako ng marami pero sa isang kondisyon." saad nito kaya napatingin ako kay Mama at seryosong nakikinig sa karugtong.
"Basta ba ang anak ko ang magluluto." saad nito na ikinangiti ko.
Lumapit ako rito bitbit ang bed tray table at inilapag iyon sa harap ni Mama. Mabilis kong kinuha ang pagkain at inihain.
"Talaga, Ma? Miss mo na luto ko 'no?" nakangising tudyo ko kay Mama. Umiiling itong nakangisi at inabot ang kutsara at nagsimula nang kumain habang sinisimulan ko nang maghiwa ng mansanas.
"Oo, anak. Na-miss ko iyong mala-dagat mong nilagang baboy," saad ni Mama at natawa.
"Mama naman," hindi ko maiwasang mapakamot sa kilay na ikinatawa ni Mama.
Natapos ang hapunan at nakatulog na rin si Mama ilang minuto lang matapos uminom ng gamot. Nagpasyahan kong lumabas at lumanghap ng sariwang hangin. Bibili na rin ako ng napkin dahil hindi ko pala nadala ang akin at mas gagastos pa ako ng malaki kung uuwi pa sa bahay.
Sumakay ako ng elevator at bago iyon magsara ay may pumasok na babae. Maganda at sopistikada itong tingnan. Tumabi ako matapos mapindot ang ground floor.
"Excuse me, pakipindot nga ang botton 2," nilingon ko ito at nakitang may kausap iyon sa cellphone kaya hindi ko nalang iyon pinansin.
Nakatayo ako sa likod nito at itinuon nalang ang pansin sa itaas ang electronic LCD display at nakitang pababa palang kami sa ikatlong palapag.
"Hindi. Hindi pa kami nagkikita ilang araw na nong dumating ito galing canada. I don't have any idea kung saan ito nags-stay," saad nito na katawagan ng may halong iritasyon.
"I don't know! I think he's avoiding me or something. Ilang araw na siyang walang paramdam."
"What?" she exclaimed at natawa rin kalaunan. "Shut it! Of course, Vincent misses me."
Agad akong nagbaba ng tingin sa LCD papunta sa kanya.
"Yes, I'm still here. Tita went aboard kaya nagbabakasakaling nandito si Vincent or Von."
Kung kanina ay wala akong katiting na pakialam sa mga sinasabi niya ay kasing bilis din nitong naagaw ang pansin ko. Hindi ko ugaling makialam sa o makinig sa may upasan ng may usapan pero kung ang Vincent at Von nakakilala ko ang ibig sabihin nito ay talagang makikinig ako.
Pero narinig ko nalamang ang tunog ng elevator na nasa ground floor na kami ng ganoon kabilis. Kaya kahit interesado ako sa usapan ay dumaan ako sa tabi nito para makalabas. Ayokong magising si Mama na wala ako doon kaya kailangan kong mag-madali.
"The fuck?!" rinig kung saad nito ngunit hindi ko na nilingon pa. Mabilis kong nilakad ang exit at naglakad pakaliwa. Mas malapit ang mall dito kumpara sa convenient store na lagi kong nakikita.
"Hey!" isang kamay ang humawak sa siko ng mariin. Mabilis kong nilingon iyon dahil sa sakit ng dumiin ang koko nito sa balat ko.
"You bitch! Anong pinagmamalaki mo? Hindi ba sinabi kong pindutin mo ang botton 2? Ba't hindi ka nakinig?" pasigaw nitong sikmat.
"Pasensiya na. Akala ko kasi hindi ako ang kausap mo," mahinong saad ko sa kanya.
Ayokong patulan ang ganitong ugali. Medyo disappointed ako at ganda lang pala meron dito.
"Ang bobo naman! Ikaw nga lang 'yong kasabay ko sa elevator or maybe you're just a bitch na inggitera at hindi pinalaki ng maayos ng magulang mo-"
Buong lakas kong pinadapo ang palad ko sa pisngi nito. Call me names tatanggapin ko, pagtawanan mo 'ko, ayos lang. Saktan mo 'ko palalagpasin ko pero sa oras na kwestunin mo ang pagpapalaki ng magulang ko sa akin at insultuhin ito ay hindi kita tatalikuran.
"How dare you!" sigaw nito at akmang sasabunutan ako.
"Subukan mo at suntok naman ang ipadapo ko sa mukha mong peste ka!" galit ako. Galit na galit at kapag hindi pa ako nito tantanan ay baka isa-isahin kong bunutin ang pilik-mata nito.
"You! Palengkera! Sisiguraduhin kong lalapit ka sa akin at magmamakaawa. I'm going to pull some string at madali lang iyon dahil fiancé ko ang anak ng may-ari ng ospital na pinanggalingan mo." sikmat nito.
Napangisi ako sa sinabi nito na lalo yatang nagpa-inis dito.
"K." kiming saad ko at tinalikuran ito.
Hindi ko namalayang nanginginig yata ako sa galit. Alam kong dapat akong mangamba sa sinabi nito pero malaki ang tiwala ko kay Mrs. Laurier na hindi nito pababayaan ang Mama ko kaya inalis ko na lamang iyon sa isip ko.
Pero sinong anak ni Mrs. Laurier ang tinutukoy nito? May kapatid pa ba si Sir Vincent? Hindi naman pwedeng si Sir kasi...ano... may boyfriend na ito.
Napailing ako sa naisip.
BINABASA MO ANG
Art of Temptation Series: Touch You Deeper
Romance"The operation will be free. I will also give you ten million pesos kapalit ng ipapagawa ko sayo, hija," saad ng Doktora sa 'kin. "T-Talaga po? ano po 'yon, ma'am?" puno ng pag-asang tanong ko. "Gawin mo ang lahat maging lalaki lang ang anak ko. Mak...