Chapter 4

985 25 0
                                    

Nagising ako at biglang naupo nang makitang hindi ito ang kwarto ni Mama sa ospital. Bumundol ang dibdib ko kung anong oras na at hindi pa ko tapos sa trabaho.

"Rest more, Xedusa." nang marinig 'yon ay napabaling ako sa gilid ng higaan at nakitang nakaupo doon sa couch si Mr. Laurier at may tinitipa sa sariling laptop.

"Maayos na po ang pakiramdam ko Sir. Itutuloy ko na po ang paglilinis. Maraming salamat po,"saad ko at hinawi ang kumot. Sa pagkakatanda ko ay nasa gilid ako ng higaan at hindi maayos ang pagkakahiga pero ba't nasa gitna na ako ng king size bed nito at may kumot pa? Nag-init ang pisngi ko na baka gumapang ako at nagtalukbong ng kumot dahil sa lamig ng kwarto nito.

Ang kapal ng mukha ko!

"Your work is done. I already did it, so go back to bed and rest," saad nito at iniwas ang tingin sa akin. Naging seryodo ito sa ginawa at hindi na ako pinansin. Nang titigan ko ito ay hindi pa rin maayos ang buhok nito. Nakapambahay pa rin at nakapaa lamang. Suot nito ang maong na pantalon at isang long sleeve na hindi maayos ang pagkakabotones at rinulyo hanggang siko. Iba ito sa suot nito kanina na simpleng jogging pants at t-shirt lamang.

"Pero Sir, baka may...uh..hindi pa po kayo nalilinis," inangat nito ang tingin sa kin at umayos ng upo.

"Relax, I know how to clean," saad nito at tumayo. Lumakad ito papalapit sa 'kin. Napatingala ako ng kalahating dipa nalang ang layo namin sa isa't-isa.

"T-Trabaho ko po...'yon," mahinang saad ko dahil sa lapit nito sa 'kin.

"When I say rest, you rest. Maliwanag ba?" Yumuko ito upang ipantay ang mukha nito sa 'kin habang nakapamulsa.

"Yes Sir," mabilis at walang kaabog-bog kong saad dahil sa titig nitong nakakapanlambot ng mga tuhod.

Ito...pagkakataon ko na 'to. Nagkaroon ako ng ideya sa gagawin dahil sa kaibigan kong si Fiona. Kung hindi  lalaking puro ay mahihirapan ka daw kaya daanin na lang daw sa dahas na hindi ko masiyadong naintindihan. Pero ngayon, mukhang nakukuha ko na ang punta nito.

Nagrarambulan ang mga kalamnan ko dahil sa mapusok na ideyang naisip.

Hindi pa rin nito iniiwan ang titig sa 'kin. Sinisipat ang buong mukha ko at leeg na parang may hinahanap. Kaya lakas loob akong dumukwang at hinalikan ito sa labi ngunit dahil sa pagpikit ko ay sa ibang bahagi ng mukha nito napunta ang labi ko.

Natatarantang lumayo agad ako at nakitang nakapikit ang isang mata nito na kung saan lumapat ang labi ko.

"Sir! Sorry po," nanlalamig ang mga kamay ko dahil wala itong reaksyon ngunit minulat nito ang isang mata at umayos nang tayo.

Pisil-pisil ko ang mga daliri ko dahil sa tensyong nararamdam ko. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako naging padalos-dalos.

"Sir..." mahinang sambit ko at naramdaman ang pagiinit ng sulok ng mga mata, "Sorry na po. Parusahan niyo na lang po ako basta 'wag niyo lang po akong tanggalin sa trabaho."

Naglakas loob akong iangat ang tingin sa mga mata nito at halos bumigay ang mga tuhod ko dahil sa mga titig nito.

"I'll take this impulsive act as a warning to you, Ms. Montalvo," walang reaksyong saad nito bago umalis sa harap ko at naglakad papalabas ng kwarto.

Nanginginig ng husto ang tuhod ko dahil sa sinabi nito kaya napaupo ako pabalik sa higaan nito.

Ang luhang pinipigilan ay hindi ko na napigilan. Masagana itong tumulo kaya napahawak ako sa bibig ko upang pigilan ang hikbing kumakawala ngunit dahil sa emosyong umaalpas ay hindi ko napigilang ibaon ang mukha sa unan nitong walang kasinlambot.

Kung iisipin, walang-wala ito sa sakit na nararanasan ni Mama araw-araw. Kaya lulunukin ko lahat ng masasakit na salita at nararamdang kahihiyan para sa Mama ko. Pasasaan ba't lahat ng ito ay may magandang kalalabasan na hindi matatawaran.

Nang mahimasmasan ay inayos ko ang itsura saka pumasok sa banyo nitong mas malaki pa sa bahay namin. Nahahati ang banyo nito sa dalawa. Nasa babasaging pader ang pandalawahan o higit pa sa dalawa ang kasya sa bathtub na iyon habang isa naman ay may papasukan pang pinto bago mo makita ang pang banyo.

Pagpasok na pagpasok ko ay may malaking salamin ito bago mo marating ang sink saka bathtub. Kita ko ang kabuohan ko kung gaano ako kapangit kanina paggising.

Nakakahiya!

Magulo ang buhok ko habang namumula ang ilong pati ang dalawang pisngi. Namumutla at may pantal pa rin ako sa panga at leeg pero hindi na makati.

Napagdesisyon kong maghilamos at magmumog bago pinusod ang buhok na walang suklay at nagbihis.

Nasa kalagitnaan ako sa pagkukuha ng mga pillow case at comforter nang pumasok si Mr. Laurier.

"What are you doing?" takang tanong nito.

Akala ko ay umalis ito at hindi na babalik habang nasa loob pa ako ng unit nito.

"A-Ano po," napatingin ako pabalik sa nalikom ko ng pillow case. Ang comforter nalang ang pinagkakaabalahan kong tanggalin, "Papalitan ko po kasi nadumihan ko."

Nahihiyang saad ko. Bakas pa ang luha ko 'don at nadikit pa ang amoy ko sa comforter at kumot.

"No need. Put those down and let's eat. It's lunch time already," saad nito sa kalmadong tinig pero bakas naman ang iritasyon sa mukha.

"Pero Sir, trabaho ko pong linisin ang kahit anong dumi o kalat sa unit niyo. Sinuswelduhan po ako ng maayos-"

"Kakain ka o ikaw ang kakainin ko?" Iritang wala sa sariling saad nito na ikinalaki ng mata ko.

"Sir! Masama pong pumatay at kainin ang tao!" Naiiyak at kinakabahang saad ko.

"Damn! That's not what I meant, woman." iritang saad nito ngunit kita ko ang pag-angat ng gilid ng labi nito habang hawak ang sintindo.

"Opo, kakain na," mabilis kong bawi saka binitawan ang comforter at naglakad papalapit sa pinto kung nasaan ito.

Nang tumapat ako sa kanya ay tumagilid lang ito habang hawak ang doorknob upang makadaan ako.

Nasa likod ko ito habang naglalakad kami papuntang kusina. Nang makita ko ang hinanda nito ay parang tutulo ang laway ko.

Pinaghila ako nito ng upuan kaya nagpasalamat ako dito ng hindi niluluhayan ang titig sa mga pagkain.

"Eat whatever you want, these are safe for you to eat."

Doon ay kumuha ako ng kanin at tinikman lahat ng ulam na nasa lamesa. Hindi ko alam kung nakailang kuha ako at halos maubos ang lahat ng putahi habang patikim-tikim lang ang boss ko.

"Salamat, Sir."

Nakangiting saad ko at tipid lamang itong ngumiti. Nang tumayo na ito ay akmang ililigpit na nito ang pinagkainan nang pigilan ko ito.

"Ako na po, trabaho ko po ito," pinukol nito ang titig sa 'kin na kamuntikan ko ng ikaiwas ng tingin, "May trabaho pa po kayo kanina na hindi niyo pa po na tapos dahil sa 'kin."

Buong lakas kong tinitigan ang mga mata nito bago ito nagbitaw ng titig at tumango at umalis.

"Damn those eyes." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito na hindi ko nakuha.

Maingat kong iniligpit ang lahat nang pinagkainan at itinapon ang nagamit na tissue sa basuran nang may nakita akong maraming karton at maliliit na bote. Nang kuhain ko iyon ay puro ito mga cheese na iba't-iba ang varities. Nasapo ko ang noo sa nakita.

Bakit to nandito? Sayang!

Art of Temptation Series: Touch You DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon