Prologue

1.9K 41 1
                                    

Ako si Xedusa Montalvo, ang nag-iisang anak ni Thena na nabuntis sa nobyo nitong Danes na nangakong babalik, ngunit isinilang na lamang ako ay hindi na ito nagpakita pa. Hanggang sa lumaki ako at nagka-isip sa pamamagitan lamang nang pagtratrabaho ni Mama araw-araw.

Lumipas ang dalawampu't taon bago nalaman namin ni Mama na may sakit itong kinakailangang operahan kaya buong puso akong huminto sa ikatlong taon sa kolehiyo at nagtrabaho upang may ipanggastos sa operasyon at sa pang-araw-araw na gastusin namin ni Mama. 

Scholar ako pero hindi kaya sa natatanggap ko para ibili sa mga gamot ni Mama araw-araw. Nanghinayang ang mga propesor ko pero mas prioridad kong makabili ng mga gamot ni Mama at magtrabaho kesa pumasok at lumilipad lang din ang isip ko sa responsibilidad ko.

"Hija! Ang mama mo daw dinala sa ospital!" natatarantang saad ni Ate Bubble habang nagsasampay ako sa mga damit nito.

Halo-halong emosyon ang biglang nararamdam ko kaya hindi ko napigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko habang mabilis na tumakbo papalabas ng bahay ni Ate Bubble. Habang naghihintay ng masasakyan ay hindi ko maiwasang  tuluyan nang umiyak at mag-alala.

Mama ko 'yon at hindi ako handa sa kung ano man ang mangyari sa kanya. Ako nalang ang makaramdam ng lahat ng sakit sa mundo 'wag lang si Mama.

"Manong! Para!" sigaw ni Ate Bubble na nagbalik sa'kin sa realidad.

Huminto ang tricycle at pinasakay agad ako ni Ate Bubble. Mas sumidhi ang emosyon ko at mas lalong umiyak ng ito na mismo ang nagbayad sa tricycle.

"Tahan na, hija. Hindi ako makakasama sa'yo ngayon dahil sa mga bata pero dadalawin ko kayo bukas, okay?" nag-aalalang saad nito.

Tumango ako at nagpasamat dito bago umandar ang tricycle. Ilang minuto lang ay nandito na kami sa public hospital. Bumaba ako agad at pag-pasok ko pa lamang ay may mga pasiyente nang nakahiga sa dikit-dikit na hospital beds.

Lumapit agad ako sa reception area at nagtanong kung anong room number o saan ang pasiyente nilang nag-ngangalang Thena Montalvo. Laking pagtataka ko nang umiling ito at sinabing walang na-confine na Thena Montalvo sa ospital nila na ikinahina ko. Umiiyak na lumabas ako ng ospital at hahanap uli ng sasakyan. Ngunit nakita kong nasagilid si kuya at kumaway ito nang makita ako. Tumakbo ako at sumakay uli.

"Kuya sa Laurier Hospital po,"saad ko at sumakay na. Kitang kita ko ang taranta ni kuya nang makita ako nitong lumuluha.

Hindi ko alam kung sa lahat ng Ospital ay sa Laurier Hospital pa dinala si Mama. Ayokong mag-isip na may malalala itong karamdaman. Siguro'y nataranta lamang ang kung sino man ang nagdala dito.

"Hija, nandito na tayo."saad nito. Tumingin ako sa labas at nasa harap na nga namin ang isang prestihiyoso ospital.

"Ito kuya, maraming pong salamat,"ani ko sabay abot sa kanya ng isang daan. Alam kong hindi ito sapat sa apatnapung minutong byahe. Nasa lungsod ang Ospital kumpara sa lugar namin na malayo.

"Naku! H'wag na, bayad kana hija. Hala sige, pumasok kana,"saad nito at nginitian ako bago pinaandar ang tricycle nito.

"Maraming salamat po!"Sigaw ko sa papalayong bulto nito.

Agad naman akong tumakbo papunta sa entrance ng Ospital. Tiningnan ako ng Guard na nagbabantay sa gilid bago ako pumasok sa babasagin nilang bumubukas pag mayroong lumalabas at pumapasok na tao.

Agad akong lumapit sa reception area na nasa gitna.

"Miss, may na confine po ba dito na nagngangalang Thena Montalva?"ani ko dito.

"Wait for a minute, Ma'am,"nakangiting saad ng babaeng receptionist.

Tumango ako at kinakabahan kung asan na ba si Mama. Pinunasan ko agad ang luhanv dumulas sa pinsgi ko. At tiningnan na lamang ang paligid. Gusto kong manliit, napakamaaliwalas na parang Hotel ang ospital nila. Alam kong private 'to kung kaya't kinakabahan ako kay mama at sa babayaran.

"Ma'am, Mrs. Montalvo's room number is 210 on the 3rd floor, left side."ani nito.

"Salamat po."

Agad akong naglakad. Nang makitang bumukas ang elevator ay bumilis ang lakad ko ngunit nang makitang mayroong iilang mga taong nakasakay at may hahabol pa ay nagpasyang mag hahagdan lamang ako.

Hindi ako sanay husgahan ng harap-harapan. Ayoko ring mapaalis sa Ospital na ito ng hindi nakikita si Mama dahil sa amoy o ano pang ikaka-komento nila sa'kin. 

Hindi ko naman ni lalahat ngunit may mga tao talagang ga'non lalo na't may pera ito at maarte. Dahil kong pera lang ang pag-uusapan, ay talo na ako.

"Mama!"tawag ko dito nang buksan ko ang pintuan at tumambad sa akin si Mama na pilit tinatanggal ang dextrose na nakakabit.

Napatingin ito sa'kin at ngumiti ng may pag-aalala.

"Anak, halika. Tulungan ko akong tanggalin 'to habang wala pa ang mga nurse,"saad nito.

Naglakad ako papalapit dito at yumakap. Ramdam kong natigilan si Mama bago ako nito niyakap pabalik.

"Mama naman, bakit naman natin yan tatanggalin? Baka mapano kapa, hintayin natin ang doktor,"saad ko dito at hinawakan sa kamay si Mama.

Umiling si Mama at hinawakan ang mukha ko.

"Hindi pwede, anak. Kailangan na nating umalis. Wala tayong pambayad sa Ospital na ito, kaya halika na. Hindi pa naman ako nag-iisang oras dito."saad nito.

Sumikip ang dibdib ko sa mga salitang binibitawan ni Mama.

"Ma! Ano kaba! Ang pambayad nakikita lang yan, nakukuha lang! Pero yung buhay niyo po, hindi basta-bastang nabibili o napagtratrabahuan lang,"ani ko habang lumuluha.

Yumuko ito at ngumiti.

"Anak, nakikita palang kitang pagod galing sa dami mong trabaho ay unti-unti na akong nanghihina. Responsibilidad kita pero ikaw na ang nagtratrabaho para sa'tin. Hindi ko na kayang makita kang pinag-aaksayan mo lang ang buhay mo para sa'kin."nakangiting saad nito na ikinainis ko.

Sa buong buhay ko, ngayon lamang ako nainis kay Mama.

"Ma! Ikaw po ang buhay ko. Hindi po ako magsasawang magtrabaho dahil ikaw ang buhay ko na gusto kong makasama habang humihinga pa po ako sa mundo Ma. Tandaan niyo po 'yan."inis kong saad dito habang lumuluha.

Sasagot pa sana si Mama nang bukas ang pintuan at pumasok ang isang babaeng nurse at isang ring babaeng doktora.

"Hello, Miss and Mrs. Montalvo. I'm Dra. Occeana and I have already seen the results of your test earlier, Mrs. Montalvo,"ani nito.

"Ano 'yon doc?"tanong ko. Inangat nito ang tingin sa'kin at pinasadahan ako nito nang tingin ang kabuohan ng mukha ko at ngumiti bago tiningnan ang hawak nito.

"You have a liver cancer, Mrs. Montalvo,"napamaang ako at tumingin kay mama na walang reaksyon.

"We've seen something in your ovaries at 'yon ay cyst. I suggest we have to perform the operation tungkol sa cyst bago natin simulan ang liver transplant."ani nito na nagpaguho ng mundo ko. Hindi! Hindi pwede!

Hindi ko naman hiniling na maging mayaman. Makasama lang si Mama at malusog ito ang tanging dasal ko lang naman. Mahirap yata 'yong tuparin.

"D-Doc..."

"I'd like to talk to you, Hija."saad nito sa'kin.

"P-po?"

"In private,"ani nito at bumaling ito kay mama," if it's alright with you Mrs. Montalvo,".

"Opo."

Nagpaalam ako kay Mama at hinalikan ito sa noo habang ang nurse naman ang umaalalay dito habang palalabas kami ng Doktora.

Nang makapasok kami sa opisina nito ay humarap ito sa'kin.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."

"Po?"takang tanong ko.

"The operation will be free. I will also give you ten million pesos kapalit ng ipapagawa ko sayo, hija,"saad ng Doktora sa'kin.

"T-Talaga po? ano po 'yon, ma'am?"punong pag-asang tanong ko.

"Gawin mo ang lahat maging lalaki lang ang anak ko. Make him a straight fine man. Gawin mo lahat. Seduce him or whatever that will make him change, in that way lahat nang napag-usapan na ibibigay ko ay matutupad. I'll give you a week to know if there's any progress and if there's none, I'm sorry." saad nito na parang nanghahamon.

Art of Temptation Series: Touch You DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon