"Alis na po 'ko, Sir," paalam ko kay Vincent nang matapos mag-ayos ng mga kagamitan habang nasa likod o kaya'y nasa gilid ko ito nakatayo na parang naka-bantay sa bawat galaw ko. Ika-limang araw ko na naman ang nagdaan dito. Ika-limang araw na nakakatakas ako sa bigat kong reyalidad.
Lumakad ako at pinihit ang hawakan ng pinto. Nilingon ko ito para kawayan ng bumungad sa 'kin ang malapad nitong dibdib. Inangat ko ang tingin at kita ko ang kawalan na naman ng ekspresyon ng gwapong mukha nito.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Ihahatid kita," mabilis akong umiling kahit na nagulat. Hindi pwede. Ayokong ma chismis ng kung anu-ano lalo na't boss ko pa ang maghahatid sa akin.
"Hindi na. Makikisuyo nalang ako kay Verron tutal madadaanan naman ang..." natitig ako kay Vincent. Hindi ko alam kung pwede niya bang malaman ang kalagayan ng pamilya ko. Nalilito ako. Hindi ko alam ang sasabihin lalo na't wala namang sinabing pwede kong ilahad ang personal kong buhay.
"...ang pupuntahan ko."
Binigyan ko pa ito ng isang ngiti bago umayos ng tayo. Nanuot sa buong kalamnan ko ang paninitig nito na parang hindi kumbinsido sa sinabi ko. Kaya itinaas ko ang isang kamay ko at inayos ang tumabing na buhok sa noo na malapit ng umabot sa mga mata nito. Sa nagdaang araw ay unti-unti kong nalalaman ang takbo ng ekspresyon nito.
Every time we gets intimate he maybe not notice it but when it came to expressing feelings, he was open and honest. Nakikita ko iyon na parang hindi siya ang Vincent na suplado at hindi man lang marunong ngumiti. Pero hindi ko alam kung sa akin niya lang ba nagagawa at ginagawa iyon o baka sa iba pang nagdaan sa buhay nito bago ako pumasok.
"Sige na at kailangan mo pang magpahinga," saad ko at marahan itong itinulak papasok. Sa ilang oras namin sa kama nito ay sunod-sunod namang dumating ang mga online meetings nito na hindi ko pinaringgan dahil wala rin naman akong maintindihan. He just want me there on his bed habang nasa couch siya nakaharap sa laptop habang ang mga mata ay nasa akin.
Napapa-iling nalamang ako kung may naiintindihan ba ito pero nang tanungin naman nito ang opinyon ni Vincent ay namamangha ko lamang itong tinititigan. Nasasagot nito ng maayos at nagbibigay pa ng ideya. Kung minsan pa'y na kweni-kwesyon nito ang kausap.
"Who's Verron?" kumunot ang noo nito at humilig sa hamba ng pintuan habang nakahalukip-kip.
"Employee rin dito. Nasa ibang floor nga lang siya pero sabay kami ng out," nakilala ko si Verron no'ng papauwi na 'ko at hindi ako agad naka sakay ng jeep. Pinasakay ako nito sa motor nito. Namangha pa ako dahil hindi pa ako nakakita ng ganoon sa personal. Tinanong ko pa ito kung anong klase ng motor ito. Isa daw iyong BMW K1300, na hinuhulugan lang niya. Mabait ito at masayang kasama.
"Ilang beses ka na niyang nahatid?" tanong nito. Napisil ko ang mga daliri ko nang may rahas nitong hinaplos ang buhok na nakatabing sa noo nito papunta sa likuran ng ulo ngunit bumalik rin ang malambot nitong suwail na buhok sa gilid ng noo nito.
"Isang beses lang naman," hindi ko alam at kung bakit ako kinakabahan pero iyon talaga ang nararamdaman ko. Seeing his expressionless face starting to get irritated.
"Okay."
Iyon lamang ay pumasok na ito papasok. Ni hindi man lang nito naisara ang pintuan. Sinundan ko ito ng tingin bago hinawakan ang hawakan ng pintuan. Hinakbang ko ang isang paa papasok ngunit nahinto rin. Out ko na at mas kailangan na ako ni Mama ngayon. Kaya nagpasyang isinara ko nalamang iyon at umalis na.
"Woi!" sigaw na alam ko na kung sino.
Nasa gilid ako ng kalsada kalapit lamang ang building. Panay tingin ko sa bandang harapan, sa kanan banda kaya hindi ko napansin si Verron na nasa kabilang gilid din ng kalsada tulad ko.
"Verron--"
"Get in," muntikan na akong matisud ng bumulaga sa akin ang isang lumang pick up. Luma man ay tinted naman ang salamin at nakababa ang isa sa sa banda ko kaya kita ko ang seryosong mukha ni Vincent.
"Uh...s-sandali, magpapaalam lang ako."
Sinipat ko Verron at hindi ito makatawid dahil sa sunod-sunod ang pagdaan ng malalaking truck. Kumaway nalang ako at sininyasang mauuna na. Kumunot ang noo nito pero ng makita ang pick up sa gilid ko ay tumango lamang ito.
Kinawayan ko naman ito uli bago tumalikod at umikot papasok sa sasakyan ni Vincent.
"Sa likuran ako o-"
"Dito sa tabi ko, Xedusa," saad nito at inabot ang pintuan at pinagbuksan ako.
"A-akala ko galit ka sa 'kin," panimula ko nang paandarin na nito ang makina at pinasibad.
"Sorry. I'm sorry, I'm not mad. Not even a bit, Xedusa. Kinuha ko lang ang susi ng lumang sasakyan dahil gusto kong ako naman ang maghatid sa 'yo," titig na titig ako sa perpektong side profile nito habang seryoso lamang itong nagpapaliwanag at nagdri-drive.
"Sorry," saad ko at pinaglaruan ang hintuturong daliri.
"No. It's me whose should feel sorry because I made you think I was mad at you," saad nito at kinuha ang kamay ko sa kandunga. Ang bigat sa dibdib ko ay agarang naglaho.
Nagpasya na lamang ako na magpahatid sa bahay para makuha na rin ang damit na pwedeng ipalit doon sa ospital.
Hinintay kong umalis si Vincent bago pumasok at maghanda sa kakailanganin. Halos mag-aalas sais na ng hapon ako nakarating sa ospital.
"Mama," bungad ko nang makapasok sa silid. Nilingon ako ni Mama at binigyan ng maliit na ngiti.
"Ma, kumain na po ba kayo?" umiling lamang ito at hinaplos ang tiyan.
"Mama, kailangan niyo pong kumain. Iinom pa po kayo ng gamot," saad ko at inilabas ang pinamiling mga prutas na kailangan ni Mama at ang mga damit.
Hinugasan ko ito at inilagay sa mangkok. Binigay ko ito kay mama at umiling lamang ito. Lumabi ako kaya kinuha nito ang prutas at kumain ng ilang piraso. Medyo na ninibago ako at hindi na gaanong palasalita si Mama pero alam kong malalampasan din namin 'to pagkatapos ng operasyon.
I have a big faith in this hospital, with Mrs. Laurier, and Him. I know we'll get through this!
BINABASA MO ANG
Art of Temptation Series: Touch You Deeper
Любовные романы"The operation will be free. I will also give you ten million pesos kapalit ng ipapagawa ko sayo, hija," saad ng Doktora sa 'kin. "T-Talaga po? ano po 'yon, ma'am?" puno ng pag-asang tanong ko. "Gawin mo ang lahat maging lalaki lang ang anak ko. Mak...