Chapter 29

134 7 1
                                    


NAGISING ako nang makaramdam ng kakaiba. I opened my eyes and the first thing that I saw is the ceiling. Nakatihaya ako sa kama. Nang binaba ko ang tingin ko ay nag-init ang pisngi ko. Hindi ko maiwasang mahiya kahit na comportable naman na ako kay Vincent.

"V-Vincent!" padaing kong tawag sa kanya na mas ikinahiya ko. Nag-angat ito ng tingin at nagtama ang mapupungay nitong mga mata sa 'kin. He's in between of my legs. Kissing me down there! He licked his lower lips and climbed up to level our chest. 

"Good morning," napapaos nitong sabi. 

"Bakit mo ginawa 'yon? Nakakahiya!" hindi ko kayang hindi iyon sabihin sa kanya at baliwalain lang iyon, but he just chuckled and kissed me on my forehead.

"I couldn't control myself seeing you this delicious, Xedusa. Damn, the way your soft cheeks blushes right now is a damn turn on already," he said as he buried his face on my neck. "But you must eat now. It's almost pass eight."

He kissed me again on my forehead down to my cheeks and throat before he gets up. Inilalayan ako nitong bumangon bago ito naghagilap ng susuotin ko. Kinuha nito ang sariling tshirt na pinasuot nito sa akin kagabi na maayos na nakatupi sa gilid. Kumuha rin ito sa kabinet ko ng panloob. Siguro'y habang tulog ako ay nilibot nito ang buong kabahayan at tiningnan bawat kasuloksulukan. He dressed up already at nakaligo na rin. He looked fresh and as always...good looking. 

"Gusto kong maligo," sabi ko at binaba ang mga paa sa sahig. Maayos naman ang pakiramdam ko kahit na medyo makirot ang gitna ko. Hindi ako nanlalagkit dahil alam kong maayos akong pinunasan ni Vincent pagkatapos niyang pagpahingahin ako ng madaling araw. Gusto ko lang maligo para mawala ang bigat ng katawan ko. Pero mabilis itong nakalapit sa akin na pinagtaka ko.

"You have to eat first. Mayroon ka pang vitamins at gatas na kailangan inumin sa tamang oras. Kanina pa kita gustong gisingin pero alam kong pagod ka kaya hinayaan muna kita," saad nito na parang may kahulugan. Bakas sa labi nito ang pinipigilang ngisi. Tinitigan ko ito na ikinatawa nito.

"Ginising mo naman talaga ako... sa kakaibang paraan ngalang," tumawa ito at hinalikan ako sa ulo. Hindi na namilipit pa na maligo at nagpasyang magbihis nalang. Inabot ko ang tshirt pero ito na mismo ang nagbihis sa akin. Kahit na ang pagsuot ng panty ko ay ito pa rin ang gumawa. Wala akong nagawa at hindi na umangal dahil seryoso ito sa ginagawa and I also find it sweet though. Nagulat ako nang hinalikan niya muna ang akin bago nito inangat ang panloob ko pataas. He barked a laughter nang hampasin ko ito. 

"I can't help it. Let's go," he said, the smirk is very evident on his red lips. Nagulat na naman ako nang pinangko ako nito at binuhat papalabas ng kwarto. 

"Hindi naman ako pilay, Vincent!"

"I know, but I've seen your... it's swollen and red," hindi na ako umimik pa dahil ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

Hinalikan niya ako sa pisngi nang ibaba ako nito sa upuan saka ito naupo sa sariling silya na nasa tabi ko lang, pero inusog pa nito sa gilid ko hanggang sa tuluyan nang nagdikit ang dalawang upuan. Susuwayin ko sana ito ng mamangha ako sa dami ng pagkain sa mesa. Meron ding isang basong gatas at ang vitamins ko na nakalagay sa saucer plate sa gilid lang ng pinggan ko. Halos maglaway ako sa mga pagkain lalo na sa lumpia. Napabaling din ako sa fried rice, bacon, hotdog, omelette, ham, at pancakes. Masaya akong kumuha ng dalawang pancakes bago kumuha sa lahat ng putahi na nakahain. Inilagay ko iyon sa taas ng pancake bago pinatungan ng isa pa. Nagmukha itong burger na nagpatakam sa akin bago ko iyon sinubo. I did at least three big bites bago naubos. 

Hindi ko napansin na pumunta pala ng lababo si Vincent at nagmumog. Nagpupunas na ito ng labi nang makatinginan kami. He looked shock then gave me a soft gaze and proceed on what his doing. Inulit ko pa ang ginawa ko bago ito nakapunta sa gilid ko at hinalikan ako sa labi. Nagulat ako pero pinagbigyan ko ito. I kissed him back at siya na rin ang kusang pumutol. He ran his thumb on my lower lip bago ulit pinatakan ng isang beses at naupo sa tabi ko.

"Mas sumarap ang niluto ko," saad nito. His teasing me pero kita sa mukha nito ang pagkamangha. Nginitian ko lang ito at hindi na siya pinansin. Halos mangalahati ko ang bawat putahi bago ako nabusog. Habang si Vincent naman ay kumain lang ng kaunti at pinagtuonan na ang kape. Maaliwalas ang mukha nito kahit na bakas pa rin ang kaseryosohan. Nang mainom ko na ang gatas at vitamins ko ay nagsalita ito.

"Nagtratrabaho ka sa palengke while also working in a tailoring shop?"

Nabigla ako sa tanong nito pero hindi na ako dapat na magulat. I know for sure that he hired someone at gusto lang yatang kumpirmahin ko iyon.

"Oo, pabor kasi sa akin ang schedule ng dalawa kong trabaho. Balak ko rin kasing mag-aral pagkatapos kong malaman na buntis ako... kahit online class lang.  Alam ko kasing mas malaki ang gagastusin 'pagnanganak na ako. Para sa kin kasi isa ang diploma para maraming uportunidad ang bukas para sa'yo. I'm not saying na hindi ka makakapagtrabaho kung wala kang diploma pero I want to be certain about the opportunities I will have in the future, not just for me para rin sa dinadala ko. Gusto kong mag-apply sa trabahong may malaking sahod."

"May balak ka bang sabihin sa akin na buntis?" his eyes are expressing an emotion I couldn't fathom. He's staring at me darkly.  

Medyo nangapa ako sa sasabihin. Hindi ko maalala kung may balak ba ako o wala. All I have been thinking the last few weeks was how to survive everyday at sa haba ng sinabi ko ay wala man lang siyang comment doon. Sasagot na sana ako nang may kumatok. Napatingin ako sa pintuan at nang lingunin ko si Vincent ay nasa akin pa rin ang titig nito. Bahagya akong kinabahan. Hindi ako handa sa binato niyang tanong kaya akmang tatayo na sana ako ng pigilan ako nito. He volunteered to open the door at bakas pa rin ang kaseryosohan at kaunting iritasyon. 

"We'll talk later," napatango naman ako agad sa sinabi nito. Habang papunta siya sa pintuan ay napagtanto kong wala dapat akong pangambahan. I didn't know I was pregnant when I came here. Hindi ko alam kong galit ba ito sa akin or sadyang nagtatampo lang.

"Magandang umaga, nandito ba si Xedusa?" kuryoso akong napatitig sa pintuan. I think I know that voice. Si Ramon. Tumayo ako at naglakad papunta sa front door. Lumabas si Vincent nang hindi man lang binuksan ng malakihan ang pintuan. Sa tindig, tangkad, at sa laki nito ay hindi ko man lang maintindihan paano niya pinagkasya ang sarili. Talagang pinagkasya nito ang sarili sa maliit na siwang na parang ayaw nito ipakita ang loob ng bahay. 

"Oo," malamig na sabi ni Vincent. Huminto ako sa harap ng pintuan at nakinig muna. Mukhang nagbago ang mood ni Vincent at kasalanan ko pa yata.

"Pwede ba siyang... uh... makausap?" hindi ko na hinintay pang sumagot si Vincent at agad nang binuksan ang pinto. 

"Bakit--" ang malapad na likod ni Vincent ang bumulaga sa akin. Gimilid pa ako para makita si Ramon. Nang makita ko ito ay may dala itong palumpon ng mga bulaklak. 

"Napadalaw ka?" takang tanong ko kay Ramon na gumilid din para maharap ako dahil mukhang walang balak na tumabi si Vincent.

"Kasi... may usap-usapang kumalat doon sa tiangge tungkol sa 'yo kahapon. Hindi ako naniniwala kaya pumunta ako rito para manligaw."

Marahas na humarap ang buong katawan ni Vincent sa amin. Tiningnan ko ito at bakas ang iritasyon sa gwapong mukha nito. Bahagya akong natuwa dahil nanuod lamang ito. He didn't intervene and he lets us talk. Pero hindi ko alam kong ano ang unang pupunahin sa sinabi ni Ramon. Parang nag-malfunction yata ang utak ko sa sinabi niya. Ang kontekstong sinabi niya ay hindi man lang konektado sa bawat pangungusap na sinabi niya.

"Anong tungkol sa 'kin?"

"May nakakita raw sa'yo na sumama sa isang matandang mayaman na lalaki sa labas ng simbahan. Uh... sugar daddy mo raw. Alam kong hindi mo 'yon magagawa kaya personal kitang pinuntahan dito." 

Halos masapo ko ang sariling noo sa narinig mula kay Ramon. Siguro'y kinonsedera niyang magkaibigan kami kaya ganito nalamang ito mag-react. Even though it's not my responsibility to clear things up for him para malinawan siya. Pero nahinto ako sa pagpapasalamat sa kanya. He also came here because of two purposes at isa na roon ang sinabi niyang manliligaw siya. I don't think he genuinely concerns or cares about me as a person.

"Ah, oo, tama naman sila. Sumama ako sa... sugar daddy ko," unti-unting napalis ang tuwa sa mukha ni Ramon. Tinuro ko si Vincent.

"Siya ang sugar daddy ko, Ramon."




Maveveyl 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Art of Temptation Series: Touch You DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon