Napatingin ako sa kanan at nakitang kausap ng isang lalaki ang babaeng nakatingin sa altar. Iniwas ko ang paningin sa kanila at tinuon sa harapan kung saan nasa harapan na sina Dolse at isang matikas na lalaking kasama nitong nakikinig sa pari. Nang magharap ang dalawa ay halos nahugot ang hininga ko ng mapagtantong si sir Von iyon. He looks calm very opposite to Dolse's expression. Mukhang nahihiya at malungkot ito.
Pero papaanong nandito si Von? Paanong napadpad ito rito? Papaanong kilala nito si Dolse? Akala ko'y tagala Maynila sila? Maraming mga katanungan ang namumuo sa utak ko. Ginala ko ang paningin sa harapan. Hinahanap ang taong gusto kong makita. Hindi naman sa gusto ko talaga pero gusto ko lang makita kung kumusta na ba ito. Ngunit ilang segundo lang ay nanayo ang balahibo ko sa batok. Nang tingnan ko sa kanang bahagi ng upuan ay lumagpas ang paningin ko sa taong nakatayo sa gilid malapit sa nakatayong palamuting bulaklak. Nakahukipkip ito at matalas na nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang gagawin kaya inalis ko ang titig ko rito at tinuon ito sa harapan. Pinag-igi ko ang pakikinig sa ceremonya at kakausapin na lamang si Vincent mamaya. Inayos ko ang bag kong dala at iniharang sa tiyan ko.
"I, Von Vincent Laurel, take you, Doll Seana Santiago to be my lawful wife, my partner in life and my other half. I will cherish our relationship and love you today, tomorrow, and forever."
"I will trust you and honor you and I will laugh and cry with you. I will love you faithfully through the best and the worst, through the difficult and the easy. Whatever may come I will always be there. As I have given you my hand to hold so I give you my life to keep. I...I love you, my Seana."
I was in awe watching and hearing Von. Ramdam ko ang sensiridad sa mga katagang binitawan nito kay Dolse. Samantalang ang kapariha ay bakas sa mukha nito ang hindi pakapaniwala at pag-aalinlangan. Natapos ang seremonya at isa-isa nang tinawag ang mga dumalo. Typikal sa isang kasal ang pagkuha ng mga litrato. Nagpaalam ako kay nanay Rosa na aalis dahil may pupuntahan pa ako. Malungkot itong pumayag pero bumawi ito at sinabing kailangan kong dumalo mamaya sa reception ng kasal na doon sa malaking bahay nito inihanda.
"Opo. Dadaan po ako roon. Salamat po at congratulations."
Naglakad ako papalabas habang busy pa ang lahat sa pictorial. Mabuti nalang at kalating oras at tapos na. Itinaas ko ang kamay ko upang magtawag ng tricycle ngunit isang mainit na kamay ang sumakop sa kamay ko at binaba ito. Napapitlag ako at marahas na lumingon. Bumungad sa akin ang matikas na tindig ni Vincent at ang magka-salubong na mga kilay nito. Hindi ko mabasa ang ekpresyon ni Vincent bukod sa iritasyon at pinipigilang galit.
"Where do you think you're going?" Mariin ang pagkakabigkas nito na may halong iritasyon. Napalunok ako at nangapa ng sasabihin.
"M-May pupuntahan... lang ako," mahinang usal ko. Halos hindi ko ma pirmi ang mga mata kong pilit nitong hinahabol. Narinig ko ang marahas na buntong hininga nito bago nagsalita.
"Sasama ako."
"H-ha? Papano ang k-kasal ni sir Von?" Hindi pwedeng umalis ito basta-basta sa kasal ng sariling kapatid nito.
"Sasama ako, Xedusa."
Marahan akong tumango. Nanghihina ang mga tuhod ko sa klase ng tingin ni Vincent sa akin. Masiyado itong marahas. Parang kung makatitig ako kay para akong bula na puputok. Hawak nito ang kamay ko at marahan akong nagpatinaod nang binaybay namin ang parking lot ng simbahan. Pinagbuksan ako nito ng pinto at inalalayan papasok at sinuotan ng seatbelt. Kaya ko naman pero hinayaan ko na baga magalit ito ng tuluyan.
"Saan ka pupunta?" Kalmating tanong nito. Hindi ko alam pero ang bilis naman yatang magbago at kumalma ito.
"Sa Health Center."
BINABASA MO ANG
Art of Temptation Series: Touch You Deeper
Любовные романы"The operation will be free. I will also give you ten million pesos kapalit ng ipapagawa ko sayo, hija," saad ng Doktora sa 'kin. "T-Talaga po? ano po 'yon, ma'am?" puno ng pag-asang tanong ko. "Gawin mo ang lahat maging lalaki lang ang anak ko. Mak...