Chapter 18

582 15 3
                                    

Napapikit ako at napasandal sa dingding sa loob ng kuwarto ni Mama. Agad akong nakarating ng ospital at niready na si Mama sa gagawing operasyon. Pero biglaang namoved daw? Papaano? Hindi ako sinabihan ni Mrs. Laurier. Kailangan na kailangan na ni mama na operahan. Hindi ba nila iyon nakikita? She looks lifeless. She can't even speak na sobrang nagpabigat ng puso ko.

Kusang lumandas ang masaganang luha sa mga mata ko. Wala akong kontak kay Mrs. Laurier. Mabilis akong tumayo at hinalikan si Mama sa noo bago lumabas. May nakita akong babaeng buntis na doktor. Tinawag ko ito at huminto naman.

"Excuse me, dok!"

"Yes?" tungon nito at hinarap ako. May bitbit itong chart at ballpen.

"'Yong Mama ko po kailangan ng operahan ngayon. Si Mrs. Laurier po mismo ang nagbigay ng schedule pero namove daw po? Papaano? Hindi ko maintindihan. Kailangan na kailangan na po niya ng tulong-"

"I'm sorry. I'm not her doctor. I couldn't do anything about-" napamaang ako sa sinabi nito. Mabilis akong tumalikod at bumalik sa kuwarto ni Mama. Hindi ko maintindihan. Bakit hindi pwedeng tulungan? Doktor siya at may kakahayan naman siguro siyang tulungan ako kahit na echeck lang ang kondisyon ng mama ko.

Ang utak ko ay nagsisimula ng mag-ulap. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Sinong lalapitan. Ang taong pinaglaayan ko ng tiwala ay wala rito. I don't have any ways to contact Mrs. Laurier and tell her everything just to operate Mama.

Para akong hangin na naglalakad papasok sa kuwarto ni Mama. Nang buksan ko iyon ay nakita kong akmang babangon ito kaya mabilis akong tumakbo at inalalayan ito.

"Mama?"

"B-Banyo." saad nito kaya inalalayan ko ito. Ako na mismo ang nagsuot ng tsenilas nito at nilakad namin ang banyo. Bawat yapak ay katumbas ng hindi matatawarang sakit na parang tinutusok-tusok ang dibdib ko ng mahabang karayom.

Gusto kong maglupasay nang iyak ngunit ang magagawa ko lamang ngayon ay magdasal at magpakatatag.

Sobrang ingat ang bawat galaw ko papasok at pagkatapos ni mama na magbanyo. Ako na mismo ang nagtaas ng damit nito at nag-ayos. Tanging sabi ko lang sa kanya ay hawakan ako.

Narating naman ang higaan ni Mama kahit na sobrang hina nang lakad namin. Kinumutan ko ito at  inayos ang pagkakahiga. Napa-titig ako sa kawalan. Labas na si Vincent sa ngayon lalo na't tapos na ang plano ko pero wala akong pagpipilian.

Tinanong ko ang receptionist ng ospital. Nagbabakasakali pero hindi sila nagbibigay ng private information kaya wala akong  pagpipilian kun'di puntahan si Vincent at magtanong. I have to take a risk. I will. Halos ilang oras ang ginugol ko sa byahe dahil magbubukang liwayway pa lamang. Nang marating ko ang hotel ay mabilis kong tinakbo ang elevator at tinungo ang tinitirhan ni Vincent. Ilang beses akong nag doorbell.

Nang wala pa rin ay katok naman ang ginawa ko. Salitan ko ang pag do-doorbell at katok bago napagod. Napahilamos ako at tumingala upang hindi tuluyang kumawala ang luhang pilit kong pinipigilan. Nakakaawa ka Xedusa.

Naka-locked ang pintuan kaya tinungo ko ang reception area para manghingi ng duplicate key dahil naiwan ko ang akin sa ospital. Buti nalang ay mayroon ngunit sa pag-pasok ko ay walang katao-tao ang loob. Sinuyod ko pa para makasigurado pero wala ni anino ni Vincent. Galit ba sa akin si Vincent kaya umalis ito?

Wala akong nagawa kun'di ang umalis nalang at sinubukang humingi ng number ni Mrs. Laurier sa reception area.

Kahit na tagaktak na ang pawis ko ay hindi ko maramdaman ang halong pagod, gutom at uhaw. Gusto kong magwala nang wala akong nakuha. Napayuko ako at nag-isip. Isa nalang ang pag-asa ko. Si Mrs. Madizon. Alam niyang si Mrs. Laurier mismo ang magpasok sa akin dito kaya baka pwede niya akomg bigyan ng private contact nito. I ask the receptionist tungkol kay Mrs. Madizon ngunit mamayang alas sais pa daw iyon papasok. Nang tingnan ko ang wall clock at mag aalas-singko pa lang.

Art of Temptation Series: Touch You DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon