(AN: GOMEN!!! NA WRITERS BLOCK KASI AKO KAYA DI NAKAPAG-UPDATE. TUMAGAL KASI AFTER KONG MAKARECOVER SA WRITERS BLOCK KO AY SOBRAAAAAAAAAAANG DAMING SCHOOL WORKS. DI NAMAN HALATA NA MARAMI AKONG GINAWA DIBA. I'LL STOP NOW PARA MA START KO NA ANG UPDATE KO. SANA MAGUSTUHAN NIYO PO ITO. SALAMAT SA MGA SILENT READERS NA NAGHIHINTAY SA UPDATE KO. LAV YAH GUIZ!)
HINO’S POV
Nandito kami ngayon sa Sta. Ana Resort dahil gusto daw icelebrate ni Beloved yung pagiging in a relationship na status namin ni Sword. Kahit kailan talaga di ko masakyan ang trip nitong si Beloved. Aminado naman akong may pagkabaliw ako minsan. Pero itong si Beloved, iba talaga ang level ng kabaliwan. Tulad ngayon, alam naman niyang bawal sa kanya ang kumain ng mga may peanut na pagkain dahil allergy siya dun pero ayon at sinige parin ang gusto. Kumain ba naman ng palihim ng kare-kare, kaya naman ang mga boys na kasama namin ay nahigh blood na naman at nagpapanic dahil biglang namula si Beloved at halos hindi na makahinga. Mabuti na nga lang at may clinic ang resort na ‘to kaya naagapan yung allergy niya. Papalapit sa akin ngayon si Sword, nanggaling siya sa clinic at sinigurado kung ok lang ba talaga si Beloved.
“Kumusta na si B Mako?”-me
“Sabi ng doctor ok na daw siya. Papahingahin lang daw ng konti at magiging mabuti na ang lagay niya.”- Sword
“Mabuti naman kung ganun. Napakakulit kasi ng babaing yun. Mas makulit pa sa mga bata na nakilala ko”-me
*laugh*-both
Napagpasyahan namin ni Sword na mamasyal na lang muna habang hinihintay na magising si Beloved. Nandito kami ngayon sa garden ng resort. Ang ganda kasi ang dami ng mga bulaklak. Iba’t ibang klase may orchids, rose, sunflower, at kung anu-ano pa. Hindi ko na nga kasi kilala yung iba. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga bulaklak. Iniwan ako sandal ni Sword dahik pupuntahan niya daw muna ulit si Beloved para kamustahin.
May nakita akong duyan kaya nagpasya akong mahiga muna dun at makinig ng music sa headphone ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.Nang magising ako ay madilim na kaya napakunot ang noo ko. Ibig sabihin ay hindi na talaga ako binalikan pa ni Sword dito. Nainis ako sa isiping kinalimutan niya na ako. Minsan parang gusto ko ng magselos kay beloved dahil pagdating sa kanya ang lahat ng mga kaibigan ni Sword at pati na ito ay iba kung magpahalaga dito. Para itong babasaging Kristal kung tratuhin na dapat ingatan. Aish! Ano ba ‘tong naiisip ko? Pati si beloved pinag-iinitan ko na. Asan na ba kasi ang lalaking yun? Sa paghahanap ko kay Sword ay may nakita akong anino na parang kumukubli sa mga halamanan. Kaya naman dahan-dahan kong nilapitan ito para hindi ito magulat at tumakas sa akin. Baka magnanakaw o akyat bahay ito at may masamang plano dito sa resort.
Nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya ay agad kong tinakpan ang kanyang mga bibig para hindi ito makasigaw. Nagpupumiglas ito sa pagkakahawak ko kaya agad ko siyang hinila sa parting maliwanag upang makilala ko kung sino ang masamang loob na ito.
O_O-me
“BELOVED?”-me
“Shhhh!”-beloved
Agad naman niyang tinakpan ang mga bibig ko habang nakatapat ang hintuturo nito sa mga labi nito. Unti-unti niyang kinuha ang mga kamay na nakatakip sa aking mga bibig.
“Anong ginagawa mo dito?”-me
Pabulong pa ang pagkakasabi ko niyon dahil mukhang may pinagtataguan na naman ang babaeng ito.
“Tara magpalit ka muna ng damit bago ko sabihin sa’yo”-beloved
“Huh?”-me
Hindi niya na ako sinagot dahil agad niya na akong hinawakan sa wrist ko at hinila. Pero patuloy parin kaming kumukubli sa mga halaman habang papunta sa kuwarto namin. Napansin kong parang may hinahanap na naman sina Tristan at Hades. Nang makapasok na kami sa kuwarto namin ay agad na pinuntahan ni Beloved ang closet naming dalawa at hinalungkat ang mga damit na dala namin.