Chapter 17

15 0 2
                                    

(AN: Enjoy reading!)


­­­­­­­­­­­­­­CHAPTER 17

BELOVED'S POV

Ilang minuto din angnagtagal ng katahimikang namayani sa amin ni Rai pagkaalis ni Lex. Agad nitong tinungo ang pintuan at ni lock ito, kumuha din siya ng isang upuan at inilagay ito sa harapan ko saka umupo. Akala ko pagkatapos nun ay magsasalita na si Rai pero tinitigan niya lang ako. Sa klase ng pagkatitig niya ay para bang isa akong ulam na nakalatag sa harap niya. Naiilang ako sa klase ng pagkakatitig ni Rai sa akin kaya naman napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Tumikhim pa muna ako para maalis ang pagkakabara sa aking lalamunan.

"Anong kailangan mo sa'kin? Bakit mo 'ko pinakidnap?"-me

Parang sirang plaka na baako kasi paulit-ulit lang yung tanong ko? Sorry naman kung ganun gusto ko lang kasi talagang malaman kung ano ba yung totoo. Ipinanganak akong tsismosa eh. Tsaka isa na 'yun sa mga paraan ko para mawala ang takot ko dito sa dibdib ko.

"May atraso lang naman sa'kin yang sina Hino at lalong-lalo na yang si Sword. Pinahiya nila ako first day of school pa lang kaya pasensiyahan na lang kung nadamay ka sa gulo ng mga kaibigan mo"-Rai

*smirk*-Rai

"Antagal na nun ah, di ka pa rin nakakaget over. Alam mo wala namang magandang naidudulot ang revenge-revenge na 'yan eh. Nadadagdagan lang ang sakit ng ulo mo. Ang mabuti pa forgive and forget na lang para mangibabaw na 'yung peace on earth."-me

"Ano sila siniswerte? Matanong ko lang pano kayo nagkakilala ni Sword?"-Rai

"Mahabang kwento kaya wag mo nang alamin dahil tinatamad akong magkuwento"-me

Napailing lang ito, pagkatapos ngumisi siya sa'kin na hindi ko nagustuhan. Pakiramdam ko kasi may binabalak siyang masama.

"Alam mo ang swerte talaga ni Sword kasi pinapalibutan siya ng mga magagandang babae. Pero malas niya dahil nakalaban niya 'ko"-Rai

Unti-unti itong lumapit sa'kin at bahagyang hinawakan ang baba ko para mapigilan ang tangka kong pag-iwas sa kaniya. Hinaplos ng likod ng palad niya ang aking pisngi kaya kinilabutan ako sa paglapat ng balat niya sa balat ko.

"You're beautiful and I like you"-Rai

O_O-me

"W-what! Can you please take your hands off me"-me

Mabilis kong tinabig ang kamay niya sa mukha ko. Tumawa lang ito sa ginawa 'kong 'yun. Bahagya pa akong umatras para kahit papano ay magkaroon ako ng distansiya sa kanya. Pero tinamaan ng makulit lumapit ba naman ulit. Atras ako ng atras at lapit nang lapit naman ito sa'kin.

PSYCHE'S POV

Nakita naming pinapasok na sa loob si Hino. Muntikan na kami kanina dahil di napigilan ni Tristan ang pagbahing niya. Narinig yata nung guard kaya pupunta sana siya sa kinaroroonan namin pero mabuti na lang talaga at lumabas si Hino. Ika nga sa boxing na save by the bell kami. Ilang minuto din ang hinintay namin bago namin napansin na bumukas ulit yung gate. Akala ko isa na naman sa mga tauhan ni Rai ang lalabas pero si Hino lang pala at sinenyasan na niya kami na pumasok na sa loob.

Pagkapasok namin sa loob ay agad na tumambad sa aming harapan ang mga nakabulagtang tauhan nina Rai. Mukhang pinatulog na ang mga ito ni Hino. Mukhang totoo nga yung mga sinabi ng mga sources ko na magaling makipaglaban itong si Hino.

"Wow! Hino, ikaw lang ang may gawa nito?"-Tristan

Ngiti lang ang sagot ni Hino dahil agad siyang niyakap ni Sword. Halata mo talaga na nag-aalala siya kay Hino.

Tough GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon