Chapter 19

1 0 0
                                    


LEX’S POV
Ipinasya kong lumapit kay Beloved para kausapin ito tungkol sa mga nangyayari sa paligid niya.

“Hi”. Panimula ko bago umupo sa upuan na nasa gilid ng kama niya.

“Hanggang kailan ka mananatiling ganito Beloved?”-me

Hindi niya ako pinansin nang sabihin ko iyon, nanatili lang itong nakatingin sa kawalan. Para bang wala ako run at hindi ko siya kinakausap.

“F*ck naman Beloved” napatayo ako sa sobrang galit at hindi ko napigilan ang aking sarili na pagtaasan ng boses ito.
Napapitlag ito dahil sa ginawa kong ‘yon. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata ng tingnan niya ako. Nanlumo ako dahil dun, ang tanga ko talaga dapat kinontrol ko ang sarili kong emosyon. Muli akong napaupo sa inupuan ko kanina at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Bumalik naman ang paningin ni Beloved sa kawalan, blangko pa rin ang ekspresyon nito.

“I’m sorry, I didn’t mean to scare you. I just want you to stop all this nonsense and get on with your life. This is not you Beloved and you know that, many people gets affected with your situation. You are the source of their strength as well as you are their weakness. Kung nasasaktan ka dahil sa nangyari sa’yo. Masasabi kong mas nasasaktan sila dahil wala silang magawa para mawala ang sakit at hirap na nararamdaman mo ngayon. They promise to protect you but they fail to do so. Sa palagay mo, kung ikaw ang nasa kalagayan nila, what will you feel if you fail to protect the person’s who is very important to you?”-me

Biglang napatingin sa akin si Beloved nang sabihin ko ang mga salitang iyon. Sa wakas mukhang nakuha ko na rin ang atensyon niya. Sa haba ba naman ng speech kong ‘yun dapat lang na magising na ang natutulog niyang diwa.

“Ano? Titingnan mo na lang ba ako at wala kang gagawin? Alam ko naman na gwapo ako kaya hindi mo na kailangan pang ipamukha yun sa ‘kin dahil sa natulala ka na naman dahil sa kaguwapuhan ko.”-me

“Aray ko naman, ba’t ka nambabatok?” baliw na yata ako dahil kahit na binatukan na ako ni Beloved ay nakuha ko pa ring ngumiti.

“Tss…Ok na sana ang speech mo kaso nagyabang ka pa. Akala ko naman may sense ka nang kausapin”-Beloved

Whoah! I can’t believe this, bumalik na si Beloved.

“Wohoooo! Finally! I made it nagising na si sleeping beauty pero sayang di dahil sa kiss ko.”-me

Tumayo pa ako habang sinisigaw yun at tumalun-talon pa. Umupo ulit ako ng makaramdam ng pagod sa kakatalon. Tamang-tama naman ng makaupo na ako ay binatukan niya ulit ako.

“Aray! Namumuro ka na sa ‘kin Beloved ah. Hindi porke’t mahal kita sasaktan mo na ako. Pero kung ‘yan ang makakapagpasaya sa’yo, ok lang as long as it can make you smile”-me

“Letse ka, kung anu-ano na yang pumapasok sa isip mo. May pasleeping-sleeping beauty ka pang nalalaman diyan eh hindi naman ako tulog.”-Beloved

“Asows, kinilig ka naman sa mga pinagsasabi ko eh”-me

“Tss…hindi kaya”-Beloved

Umiiwas ito ng tingin sa akin. Mga babae talaga kahit na nahuli mo nang kinikilig ay ipinagkakaila pa rin nila. Halata naman sa pamumula ng pisngi niya kaya kahit iiwas niya man ang tingin niya sa akin ay nakita ko na ang pamumula ng pisngi niya.

“Oo na, hindi na kung hindi. But kidding aside what’s your plan about this?”-me

Naging seryoso na ang mukha nito pagkasabi ko nun.

“Lex sa tingin mo, am I a bad person?”-Beloved

“Hindi, ano ka ba, bakit mo naman nasabi ‘yan?”-me

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tough GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon