(A/N: Hindi ko mapigilang mag-upload , di ko kayo matiis eh. Sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa kahit na mukhang nagkakagulo ang ating mga bida. As usual po hindi uso sa'kin ang mag-edit ^___^V. Ciao!)
CHAPTER 16
BELOVED'S POV
Argh! Ang sakit ng ulo ko, grabe parang pinupokpok ng martilyo. Teka nasaan na ba ko? Ano baa ng nangyari? Sa pagkakatanda ko nasa resort ako kasama nina Sword. O_O Oh my gash!
*FLASH BACK*
Hindi ko alam may tinatago din palang sweet bones itong si Kenken. Grabeng effort talaga ang ginawa niya para maging espesyal ang araw na 'to para sa kanila ni Cari. Nekekeleg tuloy ako. Nakangiti ako habang tinitingnan si Cari habang nililibot ang paningin nito sa resort. Bago pa 'ko makagulo sa moment nung dalawa ang mabuti pa umexit na muna ako. Unti-unti akong umatras mula sa kinaroroonan ni Cari at napunta ako dun sa may garden na tinambayan kanina ni Cari. Uupo sana ako sa may duyan doon ngunit bigla na lang may tumakip sa ilong ko ng isang mabahon panyo kaya bigla akong nahilo at nawalan ng malay.
Kung ganun may dumukot pala sa 'kin. Pero sino? Aish, ang sakit parin ng ulo ko. Nasaan ba ko? Ba't ang ingay parang tunog ng isang makina. Tiningnan ko ang aking paligid at napansin kong parang ito'y isang bodega.
"Mabuti naman at nagising ka na"
Agad kong tiningnan kung sino man yung nagsalita. May nakita akong isang lalaki na nakaupo sa isang gilid at mataman akong tinitingnan.
"Sino ka? Anong kailangan mo sa 'kin?"-me
"I'm Lex at wala akong kailangan sa'yo"-Lex
"Huh? Eh ba't mo ko kinidnap?"-me
May saltik din yata ang utak ng lalaking 'to. Nangingidnap pero wala namang kailangan. Ano naman kaya yun? Trip-trip lang, walang magawa sa buhay na bored at napagdiskitahang kidnapin ako. Anlakas din ng tama ng isang 'to, hanep sa tripping.
"Ako walang kailangan sa'yo pero si Rai meron"-Lex
"Rai? Sino si Rai? Bakit niya ko pinakidnap? Ano kaba ni Rai?"-me
*laugh*-Lex
"Hindi ka nauubusan ng tanong no?"-Lex
"Ehh, sagutin mo na lang kasi para hindi naman ako mabored dito"-me
"Haha, yung iba nagpapanic na dahil nakidnap pero ikaw parang wala lang sa'yo. Ni hindi mo na nga tinangkang tumakas kahit hindi ka naman nakatali"-Lex
"Kasi naman, no use naman na kung magpapanic pa ko mauubos lang energy ko. Alam ko naman kasi na ililigtas din ako ng mga kaibigan ko. Tsaka if ever na magtry man akong tumakas papatakasin mo naman kaya ako?"-me
"No, I will not let you to escape."-Lex
"Yun naman pala, so sagutin mo na lang kaya yung tanong ko"-me
"Ano ba 'yung tanong mo?"-Lex
"Sino si Rai?Bakit niya ko pinakidnap? Ano ka ba ni Rai??"-me
"Si Rai ang nagpakidnap sa'yo at may atraso sa kanya sina Sword at Hino. Kaya ka kinidnap upang gawin kang pa-in"-Lex
Tumango-tango naman ako.
"Di mo pa sinasagot yung isa ko pang tanong. Kaanu-ano ka ng Rai na yun?"-me
"Kaibigan"-Lex
"Wala ba kayong pagkain dito? Nagugutom na kasi ako. Di pa kasi ako nakakapaghapunan."-me
Pakapalan na talaga ng mukha 'to. Eh sa nagugutom yung tao ay mali yung mga alaga ko pala sa tyan. Lumapit ito sa'kin tsaka ginulo yung buhok ko na parang bata bago ako binigyan ng pagkain na nasa styro.