(A/N: MABILISAN LANG PO ANG PAGGAWA KO NITO PERO PINAG-ISIPAN KO PO YAN. FEELING KO NGA PO MALAPIT NA PONG MATAPOS ANG KUWENTONG ITO.)
CHAPTER 10
HINO’S POV
Ilang araw ko na ding iniiwasan si Sword dahil inis pa rin ako sa kanya. Napaka hmph! Ewan ko! Naiinis talaga ako pag naiisip ko yung halikan nila ni Ayesha. Akala ko ba may beloved na siya.
Teka, ano ang pinagkakaguluhan ng mga iyon sa unahan. Matingnan nga...hehe...hindi parin pala ako nagbabago mahilig parin pala ako sa gulo. Oh well, kailangang ko din ‘to ngayon. I will make this as my distraction. Para di ko na maisip pa si Sword.
Fudge naman wala talagang magawa ang mga gang-gang na ‘to pati ba naman babae pinapatulan. Aish...wala na talagang gentleman sa mundo.
“Ehem”-me
“Wow pare may chicks pa dito, mukha yatang gusto sumali”-pangit na bisugo
“Wala na ba talaga kayong magawa sa buhay niyo. Pambabastos na lang talaga sa mga babae dito sa school ang pinagkakaabalahan niyo. Sayang lang ang pinapaaral sa inyo ng mga magulang niyo.”-me
“Alam mo miss byutipol hindi namin kaylangan ang sermon mo kasi mga magulang nga namin walang pakialam sa’min ikaw pa kaya. Ang kailangang namin ngayon ay aliw”-mukhang kapre
Aba’t nagtawanan pa talaga ang mga pangit na’to.mabigyan nga ng leksiyon. Hinawakan ako ng isang bakulaw sa balikat. Agad ko naman itong pinilipit papunta sa likod nito. Saka tinulak papunta sa mga kaibigan nitong pangit katulad niya.
“Aba’t matapang, yan ang gusto namin palaban, diba boys?”
“whooooo”
Mukhang ang pinakapangit na ito ang leader ng grupo dahil nagsang-ayon lahat ang mga ito sa sinabi nito.
Hinawakan ako ng dalawa sa magkabilang kamay at yung leader naman ay lumapit sa akin. Hindi na ako nagdalawang-isip na tadyakan ito, tumilapon ito palayo sa akin. Gayundin ang ginawa ko sa dalawang taong humahawak sa mga kamay ko. Agad ko silang sinipa sabay suntok.
Mukhang galit na ang mga ito dahil mukhang hindi na sila nagdadalawang-isip na suntukin ako. That’s more like it. Gusto ko aksyon hindi sa kung ano pa man. Tatlong malalaking lalaki laban sa isang babae. Dehado ba sa tingin niyo? Nah ah....ilang minuto lang ang lumipas ay bagsak na lahat ang mga kalaban kong pangit.
Agad ko namang nilapitan yung babaing minomolestiya nila. Iyak parin kasi ng iyak. Ng tuluyan na akong makalapit sa kanya ay agad niya akong niyakap at nag-iiyak sa akin na parang bata.
“Shhhhhhh..... it’s okay you’re safe now. They’re gone, they will never harm you again. Don’t be afraid i’m just right here.”-me
“Waaaaaaaahhhhh, lagot ako nito, pag nalaman nilang may nangyaring ganito *sob* *sob* siguradong pagagalitan na naman nila ako. Dapat kasi di na lang ako tumakas sa kanila, dapat kasi nakinig ako. *huk* huk* *huk* muntik na tuloy akong mapahamak. Kung di ka dumating siguro may masama ng nangyari sa akin. Utang ko talaga sa iyo ang buhay ko. Waaaaaahhhh.”
“Hushhhh...tahan na. Ang mabuti pa sumama ka na lang sa bahay namin ng makapagpalit ka ng damit. Para di ka mapagalitan sa inyo pag umuwi ka”-me
Nang sinabi ko yun ay agad niyang inangat ang mga mukha nito at tumungin sa akin. Napangiti ako dahil kahit basa na ng luha ang mga mukha nito ay ang ganda-ganda parin niya. Pinunasan ko ang mga luha sa mukha niya.
“Oh wag ka ng umiyak dahil papangit ka niyan. Sayang naman ang ganda mo.”-me
“Talaga maganda ako?”