(A/N: sorry po kung ngayon lang po ang update...busy lang po kasi ako this past few weeks. Kakatapuz ko lang po kasi kumuha ng midterm ko. thanks po sa mga nagbabasa ng story ko...)
------------------------------------------------------------------------------------------
HINO'S POV
Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko lalabas na ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang kaba.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng bahay ay agad na nakatutok sa amin ang atensiyon ng lahat ng tao na nasa loob. Bigla naman akong nahiya dahil naging center of attraction kaming dalawa ni Sword.
Pero infairness dahil nasa likod ako ni Sword ay Malaya kong nakikita ang mga gwapong lalaki na sobrang yummy ^___^. Hai!...simula yata ng nakilala ko itong si Sword ay natuto na akong lumandi. Pero ang gagwapo talaga nila hindi lang makalaglag panty kundi pati panty liner mo siguradong tunaw.
^____^V
“Ehem...mas gwapo ako sa mga iyan”-sword
“E ano naman ngayon?”-me
“Ako na lang ang tingnan mo baka kasi matunaw ang mga iyan dahil halos di mo na inaalis ang tingin mo sa kanila”-sword
O////////////O kakahiya talaga nahuli pa ako nitong mokong na to na pinagnanasaan ang mga kaibigan nya. Don’t get me wrong ha.. Tao lang naman po kasi ako marunong umappreciate ng kagwapohan ng isang tao. Pero kahit ganun masasabi ko paring lamang lang ng isang paligo si Sword sa kanila ^___^ . Sa sobrang gwapo ng mga ito ay isang paligo lang talaga ang lamang sa kanila ni Sword. Wala ka talagang itulak at kabigin sa kanila.
“ Haha...you’re blushing, you’re so cute”-sword
“ Tigilan mo nga ako Sword nakita mo na ngang nahihiya na ako ditto, binobola mo pa ako. Di mo talaga mapigilan ang sarili mong mambola sa mga babae kaya pati ako ay binobola mo.”-me
“ Hindi bola yun ah. Totoo yun, pag sayo di ako marunong mambola. Tsaka din a kailangan pang bolahin pa kita dahil di mo naman kailangan yun”
“ Asus!..kausapin mo nanay mo. Anong akala mo sa pinagsasabi mo ngayon hindi ba yan bola?-me
“ Bahala ka na nga diyan kung ayaw mong maniwala sa akin”-me
Kita mo tong taong to basta na lang akong iiwan dito alam naman niyang wala akong kilala dito. Mahabol nga.
“ Hoy mokong ba’t nang-iiwan ka ha?-me
“ Ang gwapo ko naman para lang tawagin mong mokong”-sword
“ Ano bang nakain mo ngayon at mukhang napuno ng hangin yang utak mo?-me
Magsasalita pa sana ito ngunit may biglang lumapit sa aming gwapo.
“Oy! Pare long time no see ah.”
Nag man to man hug yung lalaki at si Sword.
“Busy lng sa school Tristan”-sword
“Whoah! Dinala mo siya ditto pare? So does it mean she’s the one?”-sabi nong Tristan habang nakatingin sa akin.
Grabe naman makareact ng lalaking ito. Bakit masama bang may isama si sword sa tambayan nila? Nagtaka tuloy ako sa inasal ng Tristan na iyon.
“Ahm, excuse me lang sa inyo ha. Bawal bang magdala ng bisita dito si Sword?”-me
“Hindi naman sa ganun miss hindi sana big deal yun sa amin ngunit babae ka, Light nga pala”
Sa sinabing iyun ng Light na ito ay mas lalo tuloy akong naguluhan.
“Ano naman kung babae ako? Bakit bawal bang pumunta ang babae dito?-me
“ Hindi rin, si Sword na lang ang magpapaliwanag sa iyo, ako nga pala si Psyche at iyon naman si Hades, ipapakilala ko na lang ang mga sarili namin dahil mukhang wala naming planong ipakilala ka sa amin ni Sword”
“Nice to meet you all ^___^. Ako nga pala si Hino Carisma, Hino na lang ang itawag niyo sa akin”-me
Napansin kong bigla kumunot na lang ang noo ni sword dahil pinalibutan ako ng mga kaibigan nito. Ang hindi lang sumali sa mga kumukulit sa akin ay si Hades. Ewan ko ba ngunit hindi ako komportable sa kanya. Hindi ko nga din maintindihan ang sarili ko. Siya kasi yung bad boy type, may konting pagkailang akong nararamdaman pagtinitingnan ko siya. Parang may maitim na aura na nakapalibot sa kanya. Hahaha..kung makaaura naman ako parang dragon balls lang.Ang kukulit nila kaya mas lalo ko tuloy silang nakilala ng lubusan.
“Alam mo Hino bagay sayo ang pangalan mong Hino Carisma kasi ang lakas ng karisma mo”-tristan
O//////////////////O-me
“You’re blushing. That’s make you even more beautiful hino”-tristan
“Stop it Tristan, off limit na si hicari at alam mo yun”-sword
Kung hindi ko lang talagang kilala itong si sword iisipin ko din na nagseselos siya. Pero malabong mangyari yun dahil kaibigan lang ang turing niya sa akin. Dahil kung hindi ay sana noon pa niya ako niligawan. Ang konting pag-asa na may gusto din sa akin si sword ay biglang naglaho dahil sa isiping iyon.
“Hicari ang tawag mo kay hino? Bakit hicari?”-tristan
“Hindi ako obligado na sagutin ang tanong mo Tristan”-sword
Sa akin naman bumaling ang nagtatanong na mukha ni Tristan kaya wala akong choice kundi sagutin ang tanong nito.
“Hicari stands for Hino Carisma. Pinagsama niya ang Hi sa una kong pangalan at Cari sa pangalawa kong pangalan kaya Hicari”-me
“Mas type kung tawagin kang Hicari puwede ba kitang tawaging Hicari ha hino”-tristan
“Hindi puwede”-sword
“Bakit ikaw ang sumasagot eh hindi naman ikaw si Hicari”-tristan
“ Stop calling her Hicari”-sword
Dahil dun tiningnan ako ni Sword na parang sinasabihan niya ako na huwag akong pumayag. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko kay Tristan.
“Ahm, ano kasi Tristan, si Sword lang kasi ang pinapayagan kong tawagin akong hicari”-me
“Unfair naman yun gusto rin kitang tawaging hicari”-tristan
*pout*
Natutuwa akong tingnan si Tristan dahil para itong batang nagmamaktol at nagpout pa ang loko kaya ang cute tuloy nitong tingnan. Samantalang ang lapad naman ng ngiti nitong mamang nasa tabi ko parang nanalo sa lotto. Sino pa ba sa palagay niyo edi si Sword, ewan ko ba sa lalaking ito pabago-bago ang mood. Talo pa nito ang babaing may dalaw sa pagbabago ng mood nito
“Light, where’s beloved?”-sword
Tama ba yung narinig ko beloved daw? Ouch lang ha ang sakit palang marinig na may tinatawag na beloved ang minamahal mo. Ibig bang sabihin nito may girlfriend na si sword?
“Don’t worry she’s in the usual place”-light
“ALONE?!...”-sword
Nagulat ako dahil ngayon ko lang narinig sumigaw si sword at nakitang galit na galit. Nababakas rin sa mukha niya ang pag-aalala. Bakit ganito ang nararamdaman ko nagseselos ako sa babaing dahilan kung bakit ganito si sword ngayon.