(A/N: ANOTHER UPDATE NA NAMAN PO. MEDYO MALUWANG PO KASI SCHEDULE KO NGAYON KAYA UPDATE-UPDATE LANG PAG MAY TIME. HEHE.. ENJOY READING PO...)
CHAPTER 5
HINO’S POV
Nagtatalo kami ngayon kung sino ba talagang team ng basketball ang mananalo ang heat ba o ang spurs. Sa totoo lang di naman talaga ako fun ng basketball, nakahiligan ko na lang ang manood nito dahil sa dalawang ‘to. kampi ako sa Miami heat dahil nalaman kong pinoy pala yung coach nila. Makapilipino kaya ako, hehe.
“Hay naku! Kuya tanggapin niyo nang talo na yang spurs nandito na kaya ako para icheer yang Miami. Ako kaya ang laki charm niya”-me
“Pshh! Panu mananalo yan, tingnan mo nga at lamang yung spurs, kanina pa yang first quarter ano na ngayon last quarter na di parin nakakalamang yang heat mo.”-jiro
“Hintayin niyo lang, pagnawala na yang kamalasan ni lebron tapos na ang laban”-me
Hindi nga ako nagkamali, simula ng makashoot si lebron james ay sunud-sunod na ang pagdakdak nito ng bola. Pati yung mga kateam mate niya ay umaariba narin sa pagdunk at paglay-up ng bola.
“Hahahaha....anong sabi sa inyo, diba nakahabol kami, panu ba yan lamang na kami ng limang puntos. Ilang segundo na lang ang natitira oh”-me
“Huwag ka munang magpakasaya diyan, habang may oras may pag-asa”-kira
Halatang naaasar na ang mga ito dahil mukhang mananalo na nga yung team ko. Nagpustahan kasi kami kanina na kung sinong team ang mananalo itetreat ang dinner sa labas. Kaya kaylangang manalo yung Miami dahil ang daya ng mga kuya kong ‘to ang lalakas kaya nilang kumain, tsaka dalawa pa sila ubos yung allowance ko nito sa kanila.
“Sis ihanda mo na ang pera mo, isa na lang ang lamang ng heat sa spurs at sa spurs pa yung bola kaya sigurado na kami ang panalo”-kira
O_O-me
“Panu nangyari yun, ang daya naman oh di ko nakita, baka nandaya yung spurs”-me
“Anong nandaya? Di kaya nakatree points lang talaga at na foul yung isang player ng spurs kaya foul counted pa, sayang nga lang di napasok yung isang free throw kaya lamang parin yung heat ng isang puntos”-jiro
“Ano ba yan, ilang seconds na lang ba yung natitira?”-me
“Five seconds na lang yung natitira at sa spurs yung bola”-kira
Naku naman huwag sanang pumasok yung bola, kinakabahan na ko ayan binigay na nung referee yung bola sa isang player ng spurs. Pasensiya na di ko kilala mga player ng spurs basta yung player na nasa labas ng court dun binigay ng ref. Di na nag-isip pa yung binigyan ng ref basta na lang niya pinasa yung bola sa kateam mate na nasa loob ng court. Pagkakuha naman nung player ng spurs sabay shoot ng bola sa three point line.
Mas lalo pa kaming na suspense panu ba naman imbes na pumasok yung bola nagpaikot-ikot pa sa ring yung bola. Nagcross-finger ako sabay dasa, huwag kang pumasok please. Nang makitang kung parang papasok na ang bola ay agad kong hinatak yung damit ng mga kuya ko, nasa gitna kasi nila ako.
“HUWAG KANG PUMASOK, PAG PUMASOK KA DI NA KO MANONOOD NG BASKETBALL KAHIT KAILAN”-me
“Aray naman sis, yung damit namin mapupunit na”-kira