(AN: MAY UD PO AKO NGAYON PERO NAKALIMUTAN KONG I SCAN YUNG BAGONG COVER KAYA BAKA SA SUSUNOD NA UPDATE KO NA LANG PO. HEHE. ENJOY SA PAGBABASA. THYANK YOU PO SA MGA READERS NA WALANG SAWANG SUMUSUPORTA SA TG. REQUEST KO LANG PO SANA YUNG LIKE AND COMMENT NIYO PO PARA MAINSPIRE AT MALAMAN KO PO KUNG ANO PA ANG DAPAT KONG IIMPROVE SA STORY KO. THANKS PO ULIT. ^_____^)
CHAPTER 15
HINO’S POV
Giniya ako ni Sword paupo sa inihanda niyang dinner for two. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko ngayon. Sobrang mixed emotions hindi ko alam kung paano iexpress o ipakita. Minsan nga natitigigilan na lang ako o napapatulala dahil namamangha parin ako kung paano ‘to nagawa ni Sword in an instant. Masarap din yung mga pagkaing nakahanda. Totoo nga ‘yung sinasabi ng mga tao na kapag kasama mo ang taong mahal mo kahit na magtitigan lang kayo buong magdamag at magngitian ay buo na ang araw mo at nagkakaintindihan na kayo. Masaya naming pinagpatuloy ang pagkain namin.Napatigil lang kami sa pagkain ng biglang may dumating na hindi naming inaasahan.
“Sorry kung naistorbo ko kayo pero importante lang talaga ang sasabihin ko kaya hindi ko na ito maipagpapabukas pa.”
“Sobrang importante ba talaga niyan Liam?-me
“It’s a matter of life and death”-Liam
Base sa pagkakasabi niya nun mukhang seryoso talaga si Liam at mukhang importante nga kung ano man ang sasabihin niya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang binundol ng kaba ang aking dibdib. Ambilis ng tibok ng puso ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
“Ang mabuti pa dun na lang sa loob natin to pag-usapan.”-Sword
Inalalayan ako ni Sword habang papasok kami sa loob. Ramdam mo talaga yung care at pag-aalala niya. Sumunod naman sa amin si Liam, na parang wala sa sarili at ang lalim ng iniisip.
Pagdating naming sa loob ay sinalubong kami ng nagtatakang tingin nina Tristan, Light, Psyche at Hades. Natigil sina Tristan, Hades, Psyche at Light sa paglalaro ng baraha at napatigil din sa pagbabasa ng libro si Psyche. Umupo kaming tatlo sa upuan at ilang minute rin kaming binalot ng tahimik.
“Liam ano ba ‘yung sasabihin mo at biglaan ang pagsugod mo dito sa’min? Tsaka pano mo nga pala nalaman na nandito kami?”-me
“Tinanong ko sa mga kapatid mo kung nasaan ka. Nung una ayaw sana nilang sabihin sa akin dahil hindi naman nila ako kilala. Pero ng sabihin ko ang dahilan kung bakit kita hinahanap ay sinabi rin nila sa’kin.”-Liam
“Pwede ba sabihin mo na ang dapat mong sabihin.”-Sword
Biglang nagging balisa si Liam, tumayo pa ito at nagpalakad-lakad parang nagtatalo yung sarili niya kung sasabihin ba niya o hindi. Nang mukhang nakapagdesisyon na ito ay bigla itong huminto at humarap sa amin.
“Sword at Hinonaaalala niyo pa ba yung first day of school natin? Yung time na may nakasagupa kayong grupo?”-Liam (referred to chapter 1)
Tumango kaming dalawa bilang pagsang-ayon.
“Ako yung leader ng grupong ‘yun and unfortunately that time ay absent ako. Kaya kinabukasan ko na nalaman yung sagupaan niyo. At first nagalit ako at nagplano ng masama laban sa inyo. Pero nang makilala ko si Hino kahit na nga sabihin natin na konting panahon lang yun. Nalaman ko na mali ang impormasyong sinabi sa akin ni Rai. Yung taong nakalaban niyo mismo that time. Palihim ko kayong pinasundang dalawa at mas napatunayan ko na kung may labanan ngang nangyari sa inyo noon alam kong hindi kayo ay nag-umpisa nun.”-Liam
“Ano ang nais mong tumbukin ngayon Liam?-Sword
“Kumalas na ako sa grupo para hindi na matuloy yung plano namin at ng mabuwag na rin yung itinatag kong grupo. Akala ko magiging maayos na ang lahat pero lingid sa kaalaman ko binuo pala ulit ito ni Rai. Malaki kasi ang galit niya sa inyong dalawa dahil pinahiya niyo siya. At ngayon ko lang din nalaman na may pinaplano silang masama laban sa inyong dalawa.”-Liam