CHAPTER 13
HINO’S POV
Hindi parin ako makapaniwalang nililigawan na ako ni Sword. Halos mag-iisang buwan na rin ang panliligaw niya sa akin. Sabay kami kung pumasok sa school. Si Ayesha ganoon parin kung kumapit kay Sword ay parang tuko. Nakuuu!! Sarap bigwasan, mabuti na lang talaga at umiiwas na si Sword sa mga haliparot na babae. Kung dati ay ilag na ito sa mga babae mas ilag na ito ngayon dahil takot lang nito na mabasted ko.
Palakad-lakad lang ako ngayon sa school dahil walang planong magturo ang mga guro ngayon sa amin dahil busy sa paghahanda para sa accreditation ng school namin. Hinahanap ko nga si Sword dahil kaninang umaga ko pa hindi nakikita. Saan na naman kaya nagsusuot ang lalaking iyon? Habang busy ako sa paghahanap napatigil ako dahil may isang lalaki na nagbigay sa akin ng isang pulang rosas.
“Kanino galing ‘to?”-me
Psh...ni hindi man lang sinagot ang tanong ‘ko. Nginitian lang ako at umalis. Hay! Mabuti na lang at may card, mabasa nga. Ang nakasulat lang sa card ay ang letter “I”, ano ‘to initials ng nagbigay? Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko. Hindi nagtagal ay may nagbigay ulit sa akin ng bulaklak. Ang nakasulat naman ay “LOVE”. Katulad kanina hindi naman ako sinagot ng nagbigay sa akin ng bulaklak. Hindi pa nga ako nakakaalis sa kinatatayuan ko ay may nagbigay na naman ulit sa akin ng bulaklak. Ang nakasulat sa card ay “YOU”. “I LOVE YOU!” hindi ko alam bukod kay Sword may ibang lalaki pa palang nagkakagusto sa akin. Sino naman kaya ‘to? bakit nagpapakamysterious effect pa. Sigurado akong hindi si Sword yung nagbigay sa akin nito dahil kakatanggap ko lang sa kanya ng text. Hindi daw ito makakapasok ngayon dahil bigla daw itong nagkasakit. Pupunta na nga ako sa kanila eh.
Aalis na nga sana ako kaso may nagbigay naman sa akin ng isang teddy bear at may nakasalut sa card na “Want to know who I am? Go to the auditorium” Siyempre Curiousity kills kaya ayon tumakbo ako papunta sa auditorium ng school. Kaya pala iilan lang ang mga estudyante sa labas nandito pala sila lahat sa audi.
Wag ka, pati ang dalawa kong bestfriend eh nandun din. Kaya pagkakita nila sa akin ay agad nila akong nilapitan at hinila papasok at pinaupo sa upuan sa itaas ng stage. Kakahiya nga dahil lahat ng mga tao sa audi nakatutok sa akin. Makukutusan ko talaga ang mga kaibigan kong iyon dahil sa ginawa nilang ito sa akin. Makaalis na nga lang dahil mukhang pinagtripan lang ako ng mga guardian devil ko.
Tamang-tama pagkatayo ko ay agad namang tumunog ang awiting *Got To Be You* ng One Direction. Kaya naman natigilan ako ng marinig ko kung sino yung kumakanta. Fudge kinikilig ako, O//////////////O. Kyaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!! Kinakantahan ako ng mahal ko. Kung puwede lang talagang sumigaw at magtatalon sa tuwa ngayon, ginawa ko na. Kaso ang daming tao kakahiya.
*Girl I see it in your eyes you’re disappointed
‘Cause I’m the foolish one that you anointed
With your heart, I tore it apart
But girl what a mess I made upon your innocence
And no woman in the world deserve this
And here I am asking you for one more chance
Can we fall, one more time?
Stop the tape, and rewind.
Oh, and if you walk away I know I’ll fade
‘Cause there is nobody else
Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa kaba. Hawak-hawak ko parin yung mga bulaklak at teddy bear na binigay niya sa akin kanina. Kahit na nga unti-unti na siyang lumalapit sa akin buhat sa likod ng stage hindi ko parin alam kung ano ang gagawin ko. All along nakatingin lang talaga ako sa kaniya. Ngayong nasa harap ko na siya ay parang hihimatayin na ako sa kaba.