CHAPTER 11

13 1 0
                                    

(A/N: Maraming salamat mo sa patuloy na pagbabasa ng TG kahit na ang tagat ko na pong hindi nakapag update. akala ko po kasi hindi niyo magugustuhan ang istorya ni Hino. Comment and Like lng po ang hinihingi ko para ganahan po akong mag-update...hehe... babawi po ako ngayon. Enjoy Reading po!!!)

CHAPTER 11

HINO’S POV

“Nakuuu...kung hindi ka lang cute. Hindi ko nga inakala na mamahalin ko ang mokong na yun.”-me

“So mahal mo nga siya. Ang pangalan mo ba ay Hino Carisma Soriano?”

O.O-me

“Pano mo nalaman? Psychic ka ba?”-me

^_________^

“Kinukwento ka kasi sakin ni kent. Hindi rin ako psychic. By the way ako nga pala si beloved”

Ano raw? Siya si beloved! Kaya pala mahal na mahal siya ni sword. Hindi lang sa maganda siya kundi mabait din. Pero bakit ganito kahit na nalaman ko na siya pala yung karibal ko bakit wala akong galit na nararamdaman?

“Ahm...hello Cari are you still there?”-beloved

Kinawaykaway nito ang mga kamay sa harap ng aking mukha kaya medyo natauhan ako dun.

“Ahm yeah, may sinasabi ka ba?”-me

“Well ang sabi ko kanina ay patawarin mo na si kent kung ano man ang nagawa niyang kasalanan sa iyo”-beloved

“Wala naman siyang kasalanan sa akin, ako lang talaga itong may problema”-me

“Nagseselos ka ba sa akin?”-beloved

“Ha! Bakit naman ako magseselos sa’yo?”-me

“Kasi tinatawag niya akong beloved. Tsaka yun naman ang palaging isyu kapag nagkakagirlfriend sina Tristan, Light, at Psyche”-beloved

“Kilala mo yung mga barkada ni Sword?”-me

“Yup”-beloved

So hindi lang pala ako ang dinala ni Sword dun sa tambayan ng barkada nila pati din pala itong si beloved. Napakasinungaling talaga ng lalaking yun pati na ang mga barkada niya. Aish.. mga lalaki talaga pare-pareho lang.

“Hayyyy! Ang mabuti pa ikukuwento ko na lang sa iyo ang lahat-lahat tungkol sa amin ni Kent para hindi mo na siya minamasaker diyan sa isip mo”-beloved

BELOVED’S POV

Para mas madali yung pagkukwento ko ito na lang yung flashback.

*FLASHBACK*

Grabe talaga ang traffic dito sa Pilipinas ang lupet. Kakabalik lang pala namin ni Hades galing China. Hindi ko nga alam kung ano ang ginagawa ko dun sa temple ng isang monk. Ang sabi lang nung monk sa akin ay huwag ko na daw problemahin yun dahil sa tamang panahon malalaman ko rin ang mga kasagutan sa mga tanong na iyon. Depende na raw sa akin kung gugustuhin ko pang malaman dahil ako daw ang pumili kung ano ako ngayon. Hayyy!!! Ewan ko ba sa monk na yun ang gulo. Dun ko na rin nakilala si Hades sa China dahil niligtas niya ako sa mga gusto sanang kumidnap sa akin. Nag – apply din siyang bodyguard ko, hindi ko naman alam kung bakit dahil mukhang hindi niya naman kailangang ng trabaho. Mukhang mayaman pa, tinanggap ko na lang dahil magaan naman ang loob ko sa kanya pero hindi ko siya tinatrato bilang bodyguard kundi parang kaibigan. Hindi ko nga alam kung bakit may mga ala-alang hindi ko matandaan. Nagsimulang gumulo yung ala-ala ko sa pagkamatay ni daddy. Alam kong patay na si daddy at may pumatay dito pero hindi ko matandaan ang mukha nung killer at hindi ko rin mamukhaan yung bestfriend ko. Ay ewan! Mga piling tao lang talaga ang hindi ko maalala. Kaya susundin ko na lang yung sinabi nung monk kung ayaw magpaalala ang mga ala-alang yun eh di wag! Sinong tinakot nila ako? Hmph! Hindi ba nila alam na puwede akong gumawa ng mga panibagong ala-ala?

Tough GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon