CHAPTER 18
SWORD'S POV
Nag-aalala ako kay Hicari dahil bigla niya na lang sinundan ang Lex na'yun kanina. Alam kong magaling siyang makipaglaban pero iba pa rin ang lakas ng isang lalaki sa babae. Susundan ko na sana siya kanina habang papalapit siya sa Lex na 'yun pero bigla naman akong hinarangan ng mga alagad ng lalaking 'yon kaya bigla na lang nawala sa paningin ko si Hicari. Marami-rami na rin ang mga nakalaban namin gayundin an gaming mga napatumba. Iilan na lang ang mga natira sa mga nakalaban namin kanina. Ang tigas ng bungo lang pero hindi matumba-tumba ang mga kalaban namin ngayon.
Ganun at ganun pa rin ang nangyayari nagpapalitan pa rin kami ng mga suntok at sipa sa mga kalaban namin. Balya dito balya, doon, giling dito, at giling doon. Nakakaubos lang ng lakas. Unang napabagsak ni Hades ang kalaban niya, sumunod si Tristan, napabagsak na rin ni Light, Liam at Psyche ang mga kalaban nila.
Samantalang sige parin ako sa pakikipagpambuno sa kalaban ko. Agad ko siyang binigyan ng isang upper cut. Akala ko lalaban pa siya pero pagkatapos ng atake kung yun ay agad siyang natumba at hindi na bumangon pa. nagsilapitan na sila sa akin pagkatapos nun.
"Ok lang kayo?"-me
Tumango lang sila sa akin bilang sagot sa katanungan ko.
"Nasaan na si Hino?"-Liam
"Sinundan si Lex, hindi ko alam kung saan pumunta"-me
"Baka nandun sila sa pahingahan ng mga trabahador dito"-Liam
"Alam mo kung nasaan 'yun?"-Hades
"Oo, tara sundan niyo lang ako"-Liam
Mabilis na tumakbo si Liam at tinunton ang isang pintuan. Nakasunod naman kami sa kanya. Ang pintuan pa lang iyon ay daanan papunta sa likod ng gusaling iyon. May isang makitid na daanan kaming nadaanan at sa hangganan nito ay mayroong malawak na ground. Hindi ko alam kung para saan ang ground na 'yon. Diniretso lang namin iyon ng takbo. Masasabi 'kong malawak pala talaga ang rice mill na pag-aari ng Lex na 'yon.
"Malayo pa ba tayo?"- hinihingal na tanong ni Light
"Malapit na lang"-Liam
Ang layo na ng tinakbo namin pero wala pa rin akong nakikita kahit na isang bahay kubo man lang.
HINO'S POV
Pagkarating namin sa isang maliit na bahay ay agad sinubukang buksan ni Lex ang pintuan pero nakalock ito. umatras siya ng konti at tumingin sa akin.
"Kailangan nating sipain yung pinto para mabuksan"-Lex
"Ok"-me
"In three, one...two...three"-Lex
Sabay naming sinipa ng malakas ang pintuan, sa una at pangalawang subok namin ay nabigo kaming buksan ang pinto. Mura na nga ng mura ang kasama ko, sinubukan namin ulit and this time sinigurado namin na uubusin na namin an gaming lakas sa sipang itong. Mabuti na lang at sa pangatlong subok ay nabuksan na namin yung pinto. Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko sa loob kaya bigla akong natigilan at napatulo ang aking luha. Nasapo ko ang aking bibig upang pigilan ang hagulhol na pilit kumakawala sa akin. Mabilis naming sinugod ni Lex si Rai na nakakubabaw kay Beloved. Kapwa hubad na sina Beloved at Rai. Isang malakas na suntok ang ibinigay ni Lex kay Rai na hindi pa rin umaalis sa ibabaw ni Beloved kahit na pumasok kami. Dahil sa suntok na iyon ay parang dun niya lang napansin na may ibang tao na pala siyang kasama. Napaalis siya sa puwesto niya sa suntok na iyon ni Lex. Nagpupuyos sa galit si Lex at sunud-sunod ang pagbitiw niya ng malalakas na suntok sa mukha ni Rai.
"Hino, si Beloved"-Lex
Pagkasabi nun ni Lex sa 'kin ay para bang bumalik ang lakas na nawala sa akin kanina ng makita ko ang tagpong iyon. Kung saan hinahalay ni Rai si Beloved. Mabilis akong pumunta sa kinaroruonan ni Beloved. Ganun pa rin ang posisyon nito, nakahiga at hindi gumagalaw ngunit patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha. Tulala rin ito ng lapitan ko, mabilis akong humanap ng ipapantakip ko sa hubad niyang katawan. Mabuti na lang at may nakita ako dun na isang malapad na balabal. Agad ko iyong kinuha at itinakip sa hubad na katawan ni Beloved. Mabilis ko rin siyang pinaupo at niyakap ng mahigpit.