CE ii. 3:00am (Original)

3.1K 113 27
                                    


ii. 3:00am

By: Justin Paul Suarez a.k.a ParengJaypee

Para kay Pia Muntasil -- Lalalapiaaa.

***

"Ang sabi ng iba, kapag nagising ka raw ng alas tres ng madaling araw nang walang dahilan, may nakatingin sa'yo na hindi mo alam kung nasaan."

SUS. Kalokohan! Tinawanan ko lang ang mga kapatid kong sina Shiela, Jassen at Landilyn kasama pa ang iba naming mga pinsan. Kanina pa kasi sila parang mga tangang nagk'kwentuhan ng mga bagay na katatakutan pero nag-uunahan naman sila sa pag-tili.

Dahil summer na, siyempre uso na ang pagbabakasyon at reunion kaya naman nandito kami ngayon sa bahay ng lolo namin sa Antipolo. Luma na pero maayos pa naman at halatang hindi pinapabayaan.

Haay! Boring!

Tinignan ko ang cellphone ko. Alas onse na ng gabi pero wala atang balak matulog ang mga kasama ko.

"Ano? Magtatakutan na lang ba kayo jan magdamag?" nakapamewang pang tanong ko sa kanila.

"Ang KJ mo Pia. Kaya nga tayo nagreunion para makabonding ang mga pinsan natin eh." inirapan ko lang si Shiela sa sinabi niyang 'yon.

"Bonding ba yan? Eh naglolokohan lang naman kayo eh. Tsk." tumalikod na lang ako at dumiretso sa kwarto na nakalaan para sa'ming magkakapatid.

Itutulog ko na lang ang pagkabato ko.

Pagpasok ko sa silid na yun ay para bang bigla akong nakaramdam ng kilabot. Parang nangyari na kasi ang ganitong eksena-- ewan. Hindi ko na lang pinansin dahil parang hinihila ako ng antok.

"Ah, sarap sa pakiramdam pag nakarelax ang likod." sabi ko sa aking sarili nang lumapat ang katawan ko sa kama. Napatingin ako sa kisame at napansin ko ang isang maliit na butas.

Nyay!

Parang biglang nawala ang tapang ko. Kaya naman pumikit na lang ako at kinalimutan ang tungkol sa butas hanggang sa nakatulog ako.

•••

Napabalikwas ako sa kama sa hindi ko malamang dahilan. Sobrang dilim na sa loob ng silid. Sa pagkakaalam ko'y iniwan kong nakabukas ang ilaw dito bago ako matulog. Ngayon tanging liwanag na lang ng buwan na mula sa nakabukas na bintana ang pumapasok sa silid.

Luminga ako sa paligid. Wala pa rin ang mga kapatid ko. Siguro nagk'kwentuhan pa rin sila ng kalokohan.

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko na nakapatong sa table sa gilid ng kama at tinignan ang oras.

3:00am

Alas tres ng madaling araw?

Nangunot ang noo ko.

"Ang sabi ng iba, kapag nagising ka raw ng alas tres ng madaling araw nang walang dahilan, may nakatingin sa'yo na hindi mo alam kung nasaan."

Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Ano ba'tong naiisip ko! Pati ako ay nasisiraan ng tuktok eh.

Humiga ako ulit at pumikit pero pagkalipas ng limang sigundo ay kusang nagmulat ang mata ko.

Napalunok ako.

"Ang sabi ng iba, kapag nagising ka raw ng alas tres ng madaling araw nang walang dahilan, may nakatingin sa'yo na hindi mo alam kung nasaan."

Naalala ko ang butas sa kisame na nakita ko kanina. Kinakabahan man ay dahan dahan akong sumulyap doon. Pero wala naman akong nakitang kakaiba. Nanatili lang akong nakahiga at nakatingin sa butas na iyon.

"...may nakatingin sa'yo na hindi mo alam kung nasaan."

Biglang lumakas ang ihip ng hangin. May kakaiba itong lamig. Unti unti na akong binabalot ng takot.

Sumiksik ako sa sulok ng kama habang nagsisimula nang lumikot ang mga mata ko. Lahat na yata ng sulok ng kwarto ay natignan ko na ngunit wala naman akong nakita pero nararamdaman ko na may nakatingin talaga sa akin!

Dahan dahan kong hinila ang kumot at pikit mata akong nagtalukbong.

Hindi ko na maalala kung gaano katagal akong nakapikit sa ilalim ng kumot ko nang makarinig ako ng malalim na paghinga. Tila kinakapos ng hangin. Nagmumula ito sa loob ng kumot at tila napakalapit sa aking mukha.

Pero hindi ito nanggagaling sa'kin!

Unti unti akong nagmulat ng mata at parang naputol ang dila ko.

Isang nakakatakot na nilalang ang nasa ilalim ng kumot ko! Nakangisi siya at mahinang tumatawa habang nakatingin sa akin!

Ni hindi ako makasigaw o makatakbo at nanigas ang buong katawan ko. Masaganang dugo ang lumalabas mula sa kanyang bibig at ang mga mata niyang nanlilisik ay nakatingin sa'kin! Naagnas ang kanyang buong mukha!

Naramdaman ko na lamang ang kanyang malamig na kamay na humawak sa binti ko para lalo akong hindi makagalaw kaya doon na ako buong pwersang sumigaw!

"Aaaaaaaahhh!!!!! Aaaaaaaaaahhh!!!!! Tuloooooong!!!!!!"

***

"Pia! Pia! Gising!"

Tila hindi ako makahinga at parang nalulunod ako nang magmulat ako ng mata.

Nakita ko ang nag-aalalang mukha ng mga kapatid ko at ng mga pinsan ko. Tumingin lang ako sa kanila na parang nagtatanong kung "nananaginip lang ba ako?".

"Kanina ka pa namin ginigising. Nananaginip ka ata ng masama." ika ng kapatid kong si Landilyn.

"Anong oras na?" nahihintakutan pa ring tanong ko sa kanila. Butil butil ang aking pawis at mabilis ang aking paghinga.

"Alas tres na ng madaling araw." pagkasabi noon ni Shiela ay napatingin ako sa likod ng kapatid kong si Jassen at laking gulat ko nang makita siya sa ibabaw ng balikat nito!

"Aaaaaaaaaahh!!!!!"

END.

Creepy Encounters [Horror Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon