Shared by: Queene Anne Geraldez Rojo @QueenOf_E***
Well, I experienced my creepy encounter(pinakamalala?) Last year...
Third year college ako nun, at sa mga panahong iyun palaging wala sa amin ang mga magulang ko. First dahil sa city nagwo-work ang tatay ko (kaya wala siya dahil nasa probinsya kami) and second palaging on call ang mama ko dahil sa work niya bilang secretary sa pinsan kong abogado.
Kami lang ang naiiwan sa bahay. Kami lang ng dalawa ko pang mga kapatid ang nagtataguyod sa aming mga sarili. At dahil ako ang ate, ako na ang umako sa responsibilidadbilang ama at ina nila. Everything seems fine until creepy things happened.
First, it was around 5 am already. Nagsasaing na ako ng bigas. Pumanhik ang ikalawang kapatid kong lalaki sa labas para umihi. Dahil kita ko lang ang posisyon niya, nagtaka ako nang hindi na siya gumagalaw. Makaraan ang ilang segundo nilapitan at tinapik ko siya sa balikat. Sa hindi malamang dahilan, para bang nagising siya mula sa kanyang kahibangan. Tinanong ko siya kung ano ang nangyari ang sabi niya lang wala daw.
Pero nong papasok na siya sa school niya, kinausap niya ako. Agad na tumayo ang mga balahibo ko sa sagot niya. Nung umiihi daw siya , may nakita siyang lalaki na nakaupo at nakatingin sa may itaas ng bubong sa banyo namin. Ang puti-puti daw nung lalaki as well as his clothing.
Nasundan pa ang pangyayaring iyon ng isang beses, katulad parin ng oras kung kailan unang nagpakita ang lalaking nakaputi sa kapatid ko.
Mas lumala ang kababalaghan sa mismong bahay na namin. Dumating na sa point na bigla-bigla nalang nawawala ang mga importanteng bagay (like comb, spoons, and sometimes our undies) makikita nalang namin ito sa parte ng bahay namin na hindi namin akalain na doon pala namin inilagay.
Next, mararamdaman talaga namin na meron talagang ibang mga tao na namamahay sa bahay namin. Maririnig talaga na pinipihit at may dumadaan sa mga pinto. Kapag nagpapahinga kami sa may sala, bigla nalang kaming makakaramdam na may taong nag-uusap, naglalaro sa mismong mga kwarto namin. Tapos kapag hindi namin namamlayan, bigla nalang maramdaman namin na may dumadaan sa likod namin.
And then, ang worst na nangyari is, nagkakaroon na kami ng doppelganger. At mas madalas na ginagaya ay ako. Hindi lang ang boses ko pati narin ang mukha at tindig ko. Ang unang nakaranas nun ay ang tatay ko. Pabalik na siya sa work niya nun, madaling araw. Pupunta na siya sa cr nun para maligo. Nagtaka ang mama ko na nagtitimpla ng kape nang bigla nalang huminto at hindi agad pumasok sa cr si tatay. Nilapitan niya ito at tinanong. Tapos sabi naman ng tatay ko, kaya hindi siya pumasok kasi andon daw ako, nasa may likoran niya daw ako at expect niya na magc-cr ako. Peru naguluhan ang mama ko dahil wala naman daw taong nakasunod sa kanya. At mas lalong wala ako dun kasi natutulog ako sa kwarto ko.
Maski mga kapit bahay namin nagsasabing may kakaiba talaga sa bahay namin. Kapag nag-a-outing kami at walang naiiwan sa bahay. Mapapansin talaga ng kapit bahay namin na may nag-iingay at gumagalaw sa loob ng bahay.
Well, so far kahit nagpaparamdam sila ay hindi naman dumating sa point na nananakit sila. At hindi ko alam kung bakit sa bahay namin sila nakikitira dahil hindi naman kalakihan ang bahay namin.
Sa ngayon medyo hindi na namin nararamdaman ang kanilang presensya. At mabuti nalang talaga dahil hindi na kami nasisindak.
***
Thanks for sharing your creepy encounter. :)
May nakakatakot ka bang karanasan? PM me on facebook or gmail.
BINABASA MO ANG
Creepy Encounters [Horror Stories]
HorrorMga pangyayari sa mundo na hindi mo alam kung totoo o imahinasyon lamang. Mga engkwentro ng kababalaghan. Ang sabi nila, sa sobrang dami ng nakakasalubong mo araw araw, ang iba sa kanila ay kaluluwang ligaw na nakikisalamuha pa rin sa tao. Ikaw. Na...