Happy Halloween! 👻👻 Enjoy.
xi. Snapchat
By ParengJaypeeFor @janamarizzz
***
"Ano ba yang ginagawa mo?" tanong ko kay Nicole na nakababatang kapatid ko habang kunot noong pinagmamasdan ko siya. Paano ba naman kasi, kanina pa siya arte ng arte sa harapan ng cellphone niya at para bang aliw na aliw siya sa sarili niyang mukha.
"Napaka-outdated mo talaga Ate Jana! Snapchat 'to." naiinis na sagot niya sakin. Snapchat? Curious na lumapit ako at tumingin din sa screen ng cellphone niya.
May lumitaw na tenga at ilong ng aso sa parte ng mukha ko. Napanganga ako at may lumabas naman na dila na siyang ikinatawa ng aking nakababatang kapatid.
"Hahahaha! Ang cute! Isa pa dali!" nagpacute ulit siya sa harapan ng camera niya kasama ako.
Maraming filters pa ang sinubukan naming magkapatid. May bulaklak, aso, pusa, alien. Kung anu-ano pa. Hindi ko namalayan ang oras dahil nag-enjoy ako. Ngayon, alam ko na kung bakit nauubos ang oras ng kapatid ko sa cellphone niya. Nahinto lamang kami sa pags'snapchat nang tawagin kami ni Mama para kumain ng tanghalian.
Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko para mag-aral at gumawa ng assignments. Sabado ngayon kaya tambak nanaman ang mga pinapagawa sa amin ng mga teachers. Ewan ko ba. Ang alam ko, ang weekends ay ginawa para makapagpahinga kami pagkatapos ng isang linggong struggle sa school eh.
Halo halo na sa utak ko ang mga pinagaaralan ko kaya naisipan kong magpahinga na muna.
Sumilip ako sa bintana. Madilim na rin pala. Mag-aalas siyete na ng gabi. Sumakit ang ulo ko sa dami ng ginawa ko at parang gusto kong libangin ang sarili ko kaya nagisip ako kung ano bang magandang gawin para malibang? Snapchat! Tama.
Wala namang masama kung paminsan minsan ay aalisin ko sa isip ang pag-aaral.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang playstore para i-download ang application.
1......... 100%
Installing..
Application installed! Yes!
"JANA! Kakain na!" halos mapatalon ako sa kama ng marinig ang sigaw ni mama. Ano ba yan. Kung kailan naman installed na.
"Andiyan na po!" iniwan ko ang cellphone ko sa kama ko at nagmamadaling bumaba. Takot ko lang mapagalitan at mabratatat nanaman ng nanay ko, ano! Babalikan ko na lang mamaya si Snapchat.
Mabilis ko ring tinapos ang pagkain ko at nagdahilang marami pa akong gagawin kaya kailangan kong bumalik agad sa kwarto ko. Naniwala naman agad sila dahil sanay naman talaga sila na puro pag-aaral ang inaatupag ko.
"Ate! May snapchat ka na pala? Naks naman! Na-follow na kita." nakangising sagot niya. Weird. Hindi ko maalala kung nag-create na ba ako ng account dahil parang.. Di bale na nga! Baka marami lang laman ang isip ko kaya di ko maalala ang ibang ginagawa ko.
Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko at hinagilap ang cellphone ko pero wala ito sa kama kung saan ko ito iniwan kanina.
Asan na iyon? Tsk. Nakapagtataka namang nagiging makakalimutin na ata ako. Kailangan ko na siguro talagang ipahinga muna ang isip ko.
Sinisinop ko ang mga gamit ko na nakakalat sa sahig baka sakaling maalala ko kung saan ko naipatong ang cellphone ko nang mapansin kong nasa ilalim lang pala ito ng kama ko. Ay sus.
Inisip ko nalang na nahulog ito sa pagmamadali ko kanina. Tinignan ko ito at agad na binuksan ang Snapchat.
Napangiti naman ako. Tinuro na sakin ni Nicole kung paano ito gamitin kaya naman hindi na ako masyadong nanibago. Hinold ko yung screen at laking tuwa ko nang mag-umpisang magload yung mga filters.
"Yehey!" parang batang itinapat ko ang camera sa mukha ko at nag-umpisang magpicture picture. Hindi ko na halos mabilang sa isip ko kung gaano karami ang pictures at videos ko dahil enjoy na enjoy ako.
BLAG!
Natigilan ako sa pagngiti ngiti sa camera at napatingin ako sa pintuan ko na biglang sumarado ng malakas. Hindi ko ba ito naisara kanina? Nagkibit balikat na lang ako at ibinalik ang tingin sa camera. Hinanap ko ang filter na may mga bulaklak at nagsimulang magselfie. Ang cute!
Tumayo ako at naglakad lakad sa loob ng kwarto ko para maghanap pa ng magandang pwesto at anggulo pero takang napahinto ako nang matapat ako sa bintana. May lumabas pa kasing isang bulaklak sa bandang gilid ng mukha ko.
Umikot ako at nawala ito. Ipinilig ko ang ulo ko at inisip na baka nagloloko lang ang application kaya ipinasya kong tigilan na ito at magpahinga na. May bukas pa naman.
Ipinatong ko ang cellphone ko sa gilid ng kama ko pagkatapos ay pinatay ko na ang mga ilaw at humiga na hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Hindi ako nakakatulog nang nakabukas ang ilaw kaya naman naalimpungatan ako nang maramdamang maliwanag sa loob ng aking silid. Anong oras na ba? Malamang ay may kinuha nanaman si Nicole sa mga gamit ko at nakalimutang patayin ang ilaw. Ayst!
Inis na hinagilap ko ang cellphone ko para tignan ang oras ngunit isang kakaibang malamig na bagay ang nahawakan ko kaya mabilis kong binawi ang kamay ko. Ano yun? Marahil ay inaantok pa ako kaya kung anu-anong naiisip ko.
Nakita kong nasa sahig ang cellphone ko kaya mabilis ko itong pinulot. Tsk. Lagi nalang itong nalalaglag.
2:57am. Maaga pa pala. Kunot-noong binasa ko ang mga notifications. Puro fb lang naman at isa mula sa snapchat.
Hindi na siguro ito nagloloko ngayon. Binuksan ko ito upang magselfie ulit na nilagyan ko pa ng caption na "JWU". Natawa ako sa istura ko kaya binura ko ito at naghanap ng mas magandang pwesto nang matapat ako muli sa may bintana. Lumabas nanaman ang isa pang filter kahit wala namang ibang mukha na nandoon!
Parang bigla akong nakaramdam ng kilabot. Naghanap ako ng ibang filter pero ganoon pa rin ang nangyari!
Bakit kaya?
Sinubukan kong i-touch ang capture at baka sakaling mawala iyon pero mas lalo lamang akong kinilabutan sa aking nakita!
Isang naaagnas na mukha ng babae ang nasa likuran ko sa larawan! Nabitawan ko ang cellphone ko at unti unting napaatras! Ni hindi ako makasigaw sapagkat nababalot ng takot ang sistema ko.
Mamaaaa! Gusto kong isigaw pero hindi walang lumalabas sa bibig ko!
Inipon ko ang lahat ng tapang ko. Dinampot ko ang cellphone ko sa sahig at mabilis na in-uninstall ang lintik na snapchat na iyan!
Nagtago ako sa ilalim ng kumot ko at pinikit ng mariin ang aking mga mata habang pinipilit na makatulog. Ngunit dahan dahan akong nagmulat ng mata nang marinig na may nag-pop up na notification.
Nanginginig ang kamay kong kinuha at tinignan ang cellphone ko.
Welcome to Snapchat!
"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!"
- END -
***
Para sa mga mahilig mag-snapchat jan.
BINABASA MO ANG
Creepy Encounters [Horror Stories]
HorrorMga pangyayari sa mundo na hindi mo alam kung totoo o imahinasyon lamang. Mga engkwentro ng kababalaghan. Ang sabi nila, sa sobrang dami ng nakakasalubong mo araw araw, ang iba sa kanila ay kaluluwang ligaw na nakikisalamuha pa rin sa tao. Ikaw. Na...