Ang kwentong ito ay hango sa totoong buhay.
Laging nasa huli ang pagsisisi. Mahalin niyo ang mga magulang niyo bago pa sila mawala sa mundong ito. Dahil may mga bagay at pagkakamaling tumatatak sa isipan at malabong makalimutan.
***
vii. Lolo Rocky
By: Justin Paul Suarez a.k.a. ParengJaypee
Para kay RheiyJean.
***
Ako si Reyjean. Isa akong working student dahil ulila na akong lubos. Ang istoryang ito ay hindi sa akin pero gusto ko lamang ibahagi para sa mga anak na walang respeto sa kanilang mga magulang.
Isa ako sa mga saksi kung paano maltratuhin ni Merlynn ang kanyang ama na nakasanayan ko nang tawagin bilang Lolo Rocky. Madalas niya itong sigaw sigawan lalo na kapag nauubos ang pensyon nito nang hindi siya nabibigyan.
Madalas rin niyang pagsaraduhan ito nang pintuan kaya kailangan pang umakyat sa napakataas at makipot na hagdanan ng kanilang mataas na bahay para lamang marating ang kanyang munting silid na nakalagay pa sa rooftop. Alam kong labis ang pagpapahirap ni Merlynn sa kanya, katulong pa nito ang kanyang asawa at mga anak na pare-parehong walang respeto sa matanda.
Ako, bilang isang normal na tao na may puso, idagdag pang alam ko ang pakiramdam na mawalan ng magulang, nakakaramdam ako ng awa para kay Lolo Rocky.
"Bakit ho kasi kayo nagtitiis sa puder ng anak ninyo na wala namang pakialam sa inyo eh may mga kapatid naman kayo? Ni hindi nga kayo magawang ipatingin sa doktor gayong lumulubha na ang lagay ninyo, hindi niyo pa rin sila iniiwan." wika ko sa kanya nang minsang makasabay ko siya sa pagbili sa tindahan sa may kanto.
Uugod ugod siyang inaabot ang kanyang listahan sa tindera para umutang ng kape. Simpleng kape, hindi nila mailibre ang sarili nilang kadugo.
"Mahal naman ako ng anak ko. Kahit ganun siya." mahina at tila hirap sa paghingang sagot niya sa akin.
Hindi ko man maintindihan kung paano niya nasasabing pagmamahal ang ipinapakita ng kanyang anak, siguro nga'y balang araw pagsisisihan din nito ang ginawa niya sa kanyang mapagmahal na magulang.
"Tulungan niyo! Tulungan niyo si Mang Rocky!" ganoon ang eksenang naabutan ko isang gabing galing ako sa trabaho. Nakabulagta at walang malay si Lolo Rocky sa lupa. Ang kwento nang mga taga roon, ay bigla na lamang itong natumba habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay.
Pumatak ang luha ko dahil sa dami nang mga nagkakagulo, ay wala roon ang kanyang anak. Walang alinlangan akong pumunta sa bahay nila upang ibalita ang nangyari sa kanila.
"Aling Merlynn! Si Lolo Rocky ho, nahimatay!" humahangos pa ako nang maabutan kong nanunuod ng tv ang kanyang walang pusong anak.
"Ha? Ano ba iyan! Istorbo! Bakit hindi pa kasi namatay iyang matandang yan!" sa narinig ko'y nagpanting ang tenga ko at hindi ko na napigilan pang magsalita.
"Pagsisihan mo sana ang lahat ng ginawa mo sa magulang mo Aling Merlynn. Babalik rin sa'yo lahat ng pagpapahirap mo sa iyong ama."
Inunahan ko siyang maglakad patungo sa lugar kung saan ko huling nakitang nagkakagulo ang mga kapitbahay namin dahil kay Lolo Rocky.
Hindi ko na inalam kung natauhan ba siya sa mga sinabi ko dahil baka lalo lang mag-init ang ulo ko.
Isang araw lamang ang nakalipas ay nakita kong dumating ang van nila. Iniuwi din nila si Lolo Rocky kahit alam kong hindi na ito magtatagal.
BINABASA MO ANG
Creepy Encounters [Horror Stories]
HorrorMga pangyayari sa mundo na hindi mo alam kung totoo o imahinasyon lamang. Mga engkwentro ng kababalaghan. Ang sabi nila, sa sobrang dami ng nakakasalubong mo araw araw, ang iba sa kanila ay kaluluwang ligaw na nakikisalamuha pa rin sa tao. Ikaw. Na...