At dahil November, dapat may kwentong katatakutan. Lol.
This story is not mine. Kwinento lang sakin 'to ng kaibigan ko nung highschool. Sa isang exclusive school sa Australia kami nag-aral and since dalawa lang kaming Filipino, siya lang ang nakaclose ko.
Shinare niya ito nang minsang magkatuwaan kami na magkwentuhan ng creepy stories na nabasa o naexperience namin talaga. Siyempre hindi ako nagpapahuli sa ganito dahil mahilig talaga ako gumawa/makinig at magbasa ng mga kwentong kababalaghan.
Nabasa niya raw ito sa isang page. Hindi ko sure kung True Philippine Ghost Stories o basta. Eto na nga.
Mayroong magkakaibigan na pangalanan nalang nating Joel, Ryan, Junie, Louie at Eric. Sa kanilang lima, si Eric ang pinakamatalino ngunit hindi biniyayaan na magkaroon ng marangyang buhay. Mapalad lang na naging scholar siya sa paaralang pinapasukan nila samantalang mayayaman naman ang apat niya pang kasama.
Madalas silang tumambay sa starbucks at dahil nga sa mahirap lang ang binata, palaging ang mga kaibigan lang ang nanlilibre sa kanya.
Isang maalinsangang araw iyon. Malapit nanaman ang bakasyon kaya matagal tagal bago sila muling magkasama. Habang nagkukulitan silang magkakabarkada ay napagkatuwaan nilang asarin si Eric.
"Pare, lagi na lang kami ang nanlilibre sa'yo ng kape. Ikaw, kelan ka magiging taya?" Pabirong tanong ni Louie na sinundan naman ni Joel.
"Oo nga Pre! Pakape ka naman. Kahit 3-in-1 lang."
Nagtatawanan sila ngunit lihim na may dinaramdam si Eric ng mga sandaling iyon. Naninikip ang dibdib niya ngunit ayaw niyang ipahalata sa mga kasama.
"Wag kayong mag-alala. Next time, ako naman ang magpapa-kape. Malapit na."
***
Alas dose ng madaling araw nang maalimpungatan si Ryan ng maramdamang nagv'vibrate ang cellphone sa kanyang tabi. Pupungas pungas niyang tinignan kung sino ang tumatawag ng ganitong oras.
Pareng Eric calling...
Nagtataka man ay sinagot niya na rin ang telepeno.
[Hello, Pre...] Hindi niya matukoy ngunit pakiramdam niya ay may kakaiba sa boses ng kaibigan sa kabilang linya. Nakaramdam siya ng kilabot pero minabuti niya na lang na wag na itong pansinin.
"O, Ric. Anong oras na ah? Napatawag ka?" tanong niya.
[Wala naman. Gusto ko lang kayong imbitahan bukas sa bahay namin. Magpapakape ako.] wika nito. Lalong binalot ng pagtataka ang isipan ni Ryan. Ngayon lang naman kasi ito nagpapunta sa kanilang bahay. At dis-oras pa ng gabi kung mag-imbinta. May mali. Sa isip niya.
"Bukas talaga? O sige. Anong oras ba--- Hello? Hello Pre.."
Call ended. 12:02 AM.
Hindi na nakatulog muli ang binata pagkatapos ng pag-uusap nila ng kaibigan kaya tinext niya na lamang sina Junie, Louie at Joel para sabihin sa kanila ang tungkol sa napag-usapan nila ni Eric.
Ala-una ng tanghali ang napag-kasunduan nilang oras ng pagpunta sa bahay ng kanilang kaibigan. Tinetext nila ito, ngunit hindi naman ito nagrereply.
Nagkita-kita muna sila sa starbucks para sabay sabay na silang pumunta roon.
"Akalain mo? Sineryoso ni Pareng Eric yung biro natin na magpakape siya." si Junie iyon habang nagmamaneho.
Eksaktong alauna nang makarating sila sa eskinita papasok kung saan nakatira si Eric. Ang ipinagtaka nila ay kung bakit tila maraming tao dito ngayon. May mga lamesa kung san may naglalaro ng baraha at iba pa.
"Pare, birthday ba ni Eric?"
Dumiretso sila sa mismong bahay ng binata ngunit nangilabot sila sa nakasulat sa tarpauling sumalubong sa kanila.
In Loving Memory of Eric Perez
Kasunod nito ang ginang na namumugto pa ang mga mata na kapansin pansing kakatapos lang umiyak. Matamlay itong ngumiti sa kanila. Pare-parehas silang tulala, kinikilabutan at nalulungkot nang mga sandaling iyon.
"Kayo ba ang mga kaibigan ng anak ko? Tara sa loob. Magkape muna kayo."
Pare, Pakape Ka Naman!
END.
BINABASA MO ANG
Creepy Encounters [Horror Stories]
TerrorMga pangyayari sa mundo na hindi mo alam kung totoo o imahinasyon lamang. Mga engkwentro ng kababalaghan. Ang sabi nila, sa sobrang dami ng nakakasalubong mo araw araw, ang iba sa kanila ay kaluluwang ligaw na nakikisalamuha pa rin sa tao. Ikaw. Na...