i. Ang Babae Sa Pasilyo
By: Justin Paul Suarez a.k.a. ParengJaypee
Sorry sa lahat ng error. I'm not a pro.
Para kay TokikoShimizu22
***
Way back 2011 nang mangyari ang insidenteng ito na nakapagpabago sa pananaw ko tungkol sa mga misteryo sa mundo. Ako si Tokiko. Hindi ako naniniwala sa multo. Hanggang sa makasalubong ko ang babae sa pasilyo.
***
"Tokiko, hindi ka pa ba sasabay sa'min?" tanong sakin ni Jena. Ginabi kami noon dahil sa paggawa ng thesis namin sa isang major subject.
Graduating na kami sa kursong BS Nursing kaya dumadalas na ang pag-uwi namin ng late.
"Sige lang una na kayo. Magreretouch pa ako eh." sagot ko naman sa kanya habang nag-aapply ako ng foundation.
"Bahala ka. Baka mamaya pag-alis namin may kasama ka na dito. Hala ka!" sabat naman ni Suzzy. I rolled my eyes. Ako pa talaga ang tinakot niya. Tss.
"As if naman naniniwala ako sa multo. Shut up Suzzy."
"Oo na Miss Skeptic. So pano? Ingat nalang pauwi. Bye."
Bineso beso pa nila ako bago sila tuluyang umalis. Naiwan ako mag-isa sa room namin. Nagretouch muna ako at nang matapos ako ay sinimulan ko namang ayusin ang mga gamit ko.
Nahinto ako nang biglang sumara yung bintana. Napatingin ako sa gawing yon pero wala naman akong naramdamang kakaibang kilabot o ano. Well, hindi naman kasi talaga ako matatakutin.
Tinapos ko yung pag-aayos ng gamit ko. Lumabas na rin ako ng room. Tinignan ko yung wrist watch ko. It was already quarter to 12.
Pag ganitong oras, usually guards at janitors nalang ang nandito. Bihira ang naiiwang estudyante kaya naman nagtaka ako nang makita ko ang isang babae.
Nakatalikod siya. Pero nakasuot siya ng uniform na katulad ng sakin. Iisa na lang ang ilaw sa pasilyo at medyo kumukurap kurap na kaya medyo may kadiliman ang paligid.
"Miss?" tawag ko sa kanya nang isang dipa nalang ang layo namin sa isa't isa. Kasi naman nakastay lang siya sa kinatatayuan niya. Hindi ko alam kung anong hinihintay niya roon.
Hindi siya lumingon. Maglalakad na sana ako para mauna sa kanya nang bigla siyang umiyak ng mahina.
Tila biglang tumigil sa lumamig ang pakiramdam ko nang sandaling 'yon dahil ang boses ay parang nanggagaling sa ilalim ng lupa. Malalim at umaalingawngaw. Pero nakikita ko ang pagtaas-baba ng kanyang balikat. Kaya alam kong siya ang umiiyak.
"Hey. What's wrong? May maitutulong ba ako?" tanong ko ulit. Hindi pa rin siya sumagot. Pero tumigil siya sa pag-iyak. Pakiramdam ko, lalo akong kinilabutan ng sandaling iyon.
Napatingin ako sa mga paa niya at laking gulat ko na nakaangat ito sa sahig! Napaatras ako ng bahagya. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa sa sobrang takot ko!
Lalo pa't unti unti itong umikot papaharap sa'kin! Napapikit na lang ako dahil ayokong makita ang kanyang mukha. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong takot sa buong buhay ko!
"Tulungan mo akooo...." mahina at tila paos ngunit malinaw na sabi niya.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at...
"Aaaaaaaaaaaahhh!!!!"
Napasigaw ako nang makitang sobrang lapit ng mukha ko sa naaagnas at duguan niyang mukha! Nanlalaki ang kanyang mga mata at maitim ang paligid nito. Umiiyak siya ngunit imbis na luha ay dugo ang tumutulo mula sa kanyang mata!
"Pakiusap... Tulungan mo akooo..."
Hindi ako makapagsalita at nanginginig na sa takot ang buong katawan ko.
"Ginahasa ako at pinatay sa loob ng cr sa gusaling ito... Sa drum.. Nandoon ang katawan ko... Tulungan mo akooo.."
Pagkasabi niya noon ay agad akong kumaripas ng takbo papalayo sa kanya. Ngunit hindi ako mapalagay dahil pakiramdam ko ay sinundan niya ako hanggang sa makauwi ako sa bahay!
***
Kinabukasan ay agad kong tinungo ang police station. Hindi ako sigurado kung totoo o guni guni ang nakita ko pero ayoko nang gambalain ng multong iyon.
Sinabi ko sa kanila ang nangyari kahit alam kong hindi sila naniniwala sakin. Ang sabi ko ay walang masama kung sisilipin nila ang lugar na sinasabi ko.
Sinamahan ko sila sa lugar na sinasabi ng babae sa pasilyo at ganun na lamang ang kilabot ko nang umalingasaw ang masangsang na amoy nang buksan nila ang asul na drum. Lagpas isang araw na raw ang bangkay nito ayon sa mga pulis.
Lalo pa akong nagulat nang makita ang itsura ng bangkay. Hindi ako maaring magkamali! Ang babaeng nakasalubong ko sa pasilyo kagabi!
Sa likod ng isang pulis ay nakita ko ulit siya. Pero this time ay nakangiti na siya at kumakaway sa akin na tila ba nagpapasalamat.
Kahit natatakot ako ay naging magaan ang pakiramdam ko.
Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang creepy encounter kong ito. Siguro kaya sa akin siya nagpakita ay para maniwala ako na totoong may ibang kaluluwa ang hindi pa matahimik.
***
This is my first story ever. Kaya wag kayong magtaka kung pangit pa. XD Maiimprove din to. Tiwala lang.
-JayPee
BINABASA MO ANG
Creepy Encounters [Horror Stories]
TerrorMga pangyayari sa mundo na hindi mo alam kung totoo o imahinasyon lamang. Mga engkwentro ng kababalaghan. Ang sabi nila, sa sobrang dami ng nakakasalubong mo araw araw, ang iba sa kanila ay kaluluwang ligaw na nakikisalamuha pa rin sa tao. Ikaw. Na...