CE v. DUET (Original)

2.1K 93 20
                                    

Mahilig ka bang kumanta kapag nag-iisa ka? Eh paano kung sabayan ka niya?

Horror-Romance
Not so scary. CREEPY LANG.
___________________
v. DUET

By: Justine Paul Suarez a.k.a. ParengJaypee

Para kay Willyn Grace Gonzaga - LittleAceCream

***

"ACE!" nahinto ako sa paglalagay cutics na kulay itim sa kuko ko nang tawagin ako ni Ren, ang drummer ng banda na binuo namin simula pa nung 1st year college kami.

Ako si Willyn Grace Gonzaga o mas magkakasundo tayo kung tatawagin niyo na lang akong Ace. Ako ang vocalist ng BoysAndGIRL. Bata pa lang ako ay hilig ko na talaga ang pagkanta at talagang sumasabak na ako sa solo singing contest.

"Oh, bakit andito ka? Ang aga aga pa ah?" sabi ko bago i-angat kamay ko para tignan kung lampas ba ang cutics ko.

"Ipapaalala ko lang sa'yo yung tungkol sa gig natin mamaya. Baka kasi makalimutan mo nanaman." sagot niya sa'kin na may diin sa pagsabi ng nanaman. Kasi naman tatlong sunod sunod ko nang nakakalimutan ang gig namin.

"Oo na. Oo na. Eto na nga oh! Nag-cutics pa ako ng black para astig!" sabi ko habang pinapakita sa kanya ang mga kamay ko.

Umupo siya sa tabi ko, tatambay daw muna siya sandali dito para daw mawala ang kaba niya para mamaya. Ewan ko ba kung bakit ang bakla nito ni Ren. Parati na lang kinakabahan pag tutugtog kami.

"Ano bang nakakakaba eh tutugtog ka lang naman. Ako nga 'tong kakanta, chill lang eh." mayabang na sabi ko. Inismiran niya lang ako at inilabas ang cellphone niya para magpatugtog.

When your legs don't work like they used to before..
And I can't sweep you off of your feet.

Naalala ko tuloy yung issue na may sumabay DAW sa pagkanta ni Ed Sheeran nung nagplay yung Thinking Out Loud sa cellphone ni Ren.

"Alam mo, hindi ko talaga marinig yung sinasabi nilang boses daw ng babae na sumabay sa word na heart." sabi ko sa kanya kaya napasimangot siya. Isa kasi siya sa mga nagpipilit sa'kin na merong sumabay. Meron. Meron. Meron. -_-

"Meron sabi. Pakinggan mo kasing mabuti. Oh eto." tinodo niya yung volume bago niya inilapit sa tenga ko yung speaker ng phone.

Darlin' I will be lovin' you 'til we're seventy ~

"Ayan na. Ayan na." mas lalo ko pang inilapit sa tenga ko para marinig ko dahil feeling ko eh out cast ako pag pinaguusapan nila ito.

And baby my...

"ACE!" sabay pa kami ni Ren napalingon sa boses na iyon ni Jared, ang guitarist naman ng grupo. Pakshet. Di ko nanaman tuloy narinig eh.

"Ano??!" galit na sabi ko.

"Oh, inaano kita? Tss. Bibigay ko lang sa'yo 'tong minus one. Subukan mo na lang sabayan. Magpractice ka ng mabuti." Psh. Di ko naman kailangan magpractice dahil magaling na ako eh.

"Oh sige na. Sige na." tinulak ko na rin ang nagpipigil ng tawa na si Ren para magsama sila. "Lumayas kayo dito. Pag ako pumanget mamaya, sasapakin ko kayo!"

Pagkaalis na pagkaalis nila ay isinalang ko yung binigay sakin ni Jared na cd. Maya maya pa ay alam ko na kung paano ito sabayan.

Tinignan ko yung cellphone ko para i-check ang oras. May 2 hours pa bago ang gig namin kaya pinindot ko yung recording icon para i-record yung pagsabay ko sa minus one. Ipagyayabang ko mamaya kay Jared na hindi ko kailangan ng practice dahil kayang kaya ko kahit on the spot.

Pinlay ko yung cd at sinimulang sabayan ito. Feel na feel at bigay todo pa ako sa pagkanta. Aaminin ko na talagang mahilig ako mag-record ng mga kanta lalo na pag mag-isa lang ako. Mas feel ko kasi eh.

Pero ewan ko ba! Pakiramdam ko, kakaiba ang gabing ito. Para bang may kasabay akong kumakanta kaya mas nag-eenjoy ako.

Nang matapos yung kanta at nasave ko na yung record ay umakyat na ako sa kwarto ko para maligo at mag-ayos ng sarili. Nagmadali na rin ako para hindi ako malate at masermunan ng mga ka-banda ko.

"Naks! On time siya!" bati sa'kin ni Ren nang makarating ako sa venue. Pero hindi siya ang hinahanap ko.

"Si Jared?" tanong ko. Alam ko na aasarin niya nanaman ako dahil alam niya ang totoo. Oo gusto ko magyabang kay Jared dahil gusto kong magpapansin. Crush ko kasi siya.

"Yiiieeee. Hinahanap hanap mo nanaman.." nakangising sabi niya. Inirapan ko lang siya nang saktong dumating si Jared.

"Oh guys, ready? Mags'start na tayo in 15 minutes." puro yun talaga. Hindi manlang niya napansin na ang ganda ko ngayon? Tsk.

"Teka Jared! May ib'bluetooth ako sa'yo. Nirecord ko kanina." habol ko ng akmang babalik na siya sa loob.

"Ha? O sige." inilabas niya yung cellphone niya at ini-on ang bluetooth niya. Nang matapos ko i-send sa kanya ay pumasok na siya.

Haaay. Mapapansin mo rin ako. Mainlove ka sa boses ko! Hmp. I thought.

***

Natapos ang gig namin ng gabing iyon pero hindi manlang niya ako pinansin. Parang normal na magkabarkada lang. Medyo sumama ang loob ko. Matagal na kasi akong nagpapapansin sa kanya pero wala eh. Ayoko naman sabihin ng direct to the point dahil nakakabawas ng ganda yun eh.

Kinabukasan ay saktong alas dose na ng tanghali nang magising ako. Grabe ang bigat ng pakiramdam ko. Parang lalagnatin ako. Chineck ko ang cellphone ko at halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko 28 missed calls and 15 messages from Jared.

Nag-aalala na ako. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Tulog ka pa ba? - latest text niya.

Magtatype na sana ako ng reply ng tumawag siya ulit. Siyempre dahil kinilig ako, pinatagal ko muna ng konti bago ko sagutin.

"Finally!" bungad niya sa'kin.

"Ariel happened to me.." pabirong sabi ko. Kung alam lang ni Jared na kinikilig ako ng mga oras na iyon.

"Nakuha mo pa talagang magbiro. Kakagising mo lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Ah, oo eh. Napatawag ka? What's new?" kunyari walang pakeng sabi ko.

"Gusto ko lang sabihin na napakinggan ko na yung sinend mo sa'kin kagabi." Oh my gosh! Siguro nainlove na siya sa boses ko!

Kinikilig man ako ay kinalma ko ang sarili ko.

"A-aah.. Yun lang? So kamusta? Okay ba?" tanong ko sa kanya. Alam ko, nagandahan siya. Hindi naman siya tatawag para lang dun kung hindi eh.

"Oo naman! Okay na okay! Ang galing!" I know right. Pero ang sumunod niyang sinabi ay nakapagpatindig ng balahibo ko sa katawan. "Sino nga pala yung ka-duet mo? Baka gusto niyang sumali sa banda natin. Bagay kasi yung boses niyo eh."

Napanganga ako ng mga sandaling iyon dahil siguradong sigurado ako na mag-isa lang akong nagrerecord kagabi!

"N-nagbibiro ka ba?!" tanong ko sa kanya.

"Huh? Hindi ah. Seryoso ako! Ang ganda rin ng boses niya eh. Mas mataas ang boses niya kesa sa---" sa sobrang inis ko ay in-end ko ang call. Nantitrip ba siya?! Leche yun ah!

Hinanap ko ulit yung nirecord ko kagabi at ip'nlay ko iyon. At parang napako ako sa kinaroroonan ko sa narinig ko.

Isang boses ng babae ang kasabay kong kumakanta. Pero ang kakaiba sa malamyos niyang boses, ay 'tila nanggagaling ito sa ilalim ng lupa at nakakakilabot sa sobrang tinis. Tumatambol ang puso ko habang pinapakinggan ko ang boses na iyon lalo na sa sinabi niya pagkatapos ng kanta.

SUSUNOD KA NA!!! Kasunod noon ay isang mataginting na tawa.

END.

One-shot stories are made to be BITIN.

Creepy Encounters [Horror Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon