CE vi. SALAMIN (Original)

2.1K 86 19
                                    

Inspired by my own creepy encounter sa bahay ng Lola ko sa Batangas.

________________
vi. SALAMIN

By: Justin Paul Suarez a.k.a. ParengJaypee

Para kina:
Mike Suazo - MikeSuazo
Eunice Kang - Eunicekang

***

"Badtrip!" sabi ko nang bigla na lang tumirik ang kotseng ipinahiram sa'kin ng Tito ko. Kasama ko ang mga kaibigan kong sina Eunice, Mark at Jenjen.

Ako si Mike at sa aming apat, ako ang pinakadehado sa gala naming ito. Habang mga tulog sila ay ako itong nagmamaneho.

"Hoy! Magsigising nga kayo! Nasiraan tayo!" sabi ko habang isa-isa silang niyuyugyog.

"Asan na tayo?" pupungas pungas pang sabi ni Eunice. Lumingon lingon ako sa paligid. Puro puno at may kadiliman palibhasa'y alas sais na ng hapon iyon.

"We're in the middle of nowhere. Tulog pa kayo ng tulog!" inis na sabi ko sa kanila.

"Chill bro. Subukan muna nating ayusin yung sasakyan." at yun na nga. Bumaba kami ni Mark para i-check. Na-flatan pala kami.

"Pano yan? Eh wala naman tayong pamalit! Magagabi na, oh my God! Baka may bad spirits dito o kaya aswang!" nagsimula nang magfreakout si Jenjen na ikinainis naman ni Eunice.

"Tumigil ka nga! Ang arte mo. Alam mo kapag pinaguusapan ang mga multo, lumalabas sila." wika ng huli. Alam kong tinatakot niya lang si Jenjen pero hindi na ako umawat sa kanila.

"Maghanap na lang muna tayo ng matutuluyan ngayong gabi." suhestiyon ni Mark. Sumang-ayon naman kami. Mahirap magbiyahe nang madilim at hindi namin alam kung nasan na kami.

Lumabas kami ng kotse bitbit ang mga gamit namin. Sinigurado ko munang nakalock ang kotse bago kami umalis. Wala naman sigurong magnanakaw dito sa lugar na ito eh. Parang wala ngang tao.

May 15 minutes din siguro kaming naglakad lakad pero ang pinagtataka namin ay parang paikot ikot lang kami.

"Teka nga! Bakit parang pabalik balik lang tayo?" si Mark iyon habang palinga linga sa paligid.

"Wait, look oh! May house dun. Tignan natin kung pwede tayo makituloy." sabi ni Eunice habang nakaturo sa isang bahay na medyo luma na at mukhang walang nakatira. Bigla tuloy akong napaisip.

Bakit parang wala naman ang bahay na iyon kanina? Ganun pa man ay hindi na ako umimik.

"Ayoko nga! Baka mamaya haunted yan eh! So scary!" psh. Nag-inarte pa.

"O sige. Maiwan ka dito. Tara guys!" this time ako na ang nagsalita. Ako na rin ang nauna maglakad papunta sa bahay na nakita namin.

"Tao po?" parang bigla akong kinilabutan ng makita kong nakaawang ang pintuan ng bahay. Madilim sa loob. Parang walang tao.

"Tao po. Yooohooo ~ May tao ba jan?" wala pa ring sumasagot.

"Eh wala naman atang tao eh! Pasok na kaya tayo? Hindi naman tayo magnanakaw eh. Makikituloy lang. Tara na!" sabi ni Eunice pero ng akmang bubuksan na namin ng tuluyan ang pinto ay biglang may sumulpot na matandang babae sa likuran ni Jenjen.

"Anong kailangan niyo?"

Sabay sabay pa kaming napasigaw sa gulat nang magsalita ito. Para kasing nanggagaling sa ilalim ng lupa ang tinig niya. NAKAKATAKOT. Yun lang ang isang salitang magagamit ko para ilarawan ang boses niya.

Creepy Encounters [Horror Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon