BABALA: Wag kang magmamaneho ng lasing. Dahil kadalasan, kapag nasa ilalim ka ng ispirito ng alak, saka sila nagpapakita.________________
iii. HitchhikerBy: Justin Paul Suarez a.k.a. ParengJaypee
Para kay Lance Adrian - LANCER27
***
"Ano bro? Kaya pa?" tanong sakin ng tropa kong si Paul habang tinatapik ang likod ko, patuloy naman ako sa pagsusuka. Birthday niya ngayon kaya naman parang naparami ang inom ko kasama ang iba pa naming kabarkada.
"Kaya pa bro. Ako pa? Sus! Di niyo ako mapapabagsak kaagad.. He-he-hik!" naliliyong sagot ko sa kanya.
"Nakuha mo pa talagang magyabang Lance." tatawa tawang sabi niya. "Sigurado ka bang kaya mo magmaneho? Makakauwi ka pa ba ng buhay? Pag namatay ka konsensya ko pa eh."
"OO naman. Konting kape lang katapat nito."
Inalalayan niya akong maglakad pabalik sa loob ng bahay niya at pinainom muna ng kape para mahimasmasan ng kaunti at nang masigurong nabawasan na ang pagkahilo ko ay nagpasya akong umuwi na.
I was waiting for a traffic light when I saw a girl wearing all black. She's raising her thumb while giving me a wistful look saying "pa-hitch".
Tinignan kong mabuti ang mukha niya. "Chicks", I thought. Aaminin ko, babaero ako at marami raming beses na akong nakaenkwentro ng ganito. I used to be a gentleman pero hindi pwede ngayon. Nakinom ako eh. Baka kung ano pang mangyari.
Nag-green na yung ilaw. Kaya iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanya bago pa ako makonsensya. I whizzed through the intersection. Ini-on ko yung yung music ng medyo malakas para kahit papaano ay hindi ako antukin habang nagmamaneho hanggang sa nakarating ako sa kasunod na traffic light.
As I slowed down to take my place in the traffic, nakita ko nanaman yung babae kanina! Shit. Nakatayo siya dun wearing the same wistful look while raising her thumb.
Nagpasya akong huminto para pasakayin siya. Ipinilig ko ang ulo ko. In a moment she was in. Sa likod siya umupo. Hindi naman siya nagsasalita at nakayuko lang siya.
Nag-ehem muna ako bago magsalita.
"Miss saan ka ba bababa? Hanggang sa East Avenue lang kasi ako eh." Hindi siya sumagot. Siguro ay ayos lang sa kanya kaya ganun kaya naman itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagmamaneho.
Pasimpleng sinusulyapan ko siya sa salamin at parang bigla akong kinabahan ng mapansin ko ang kakaibang awra niya. Nakayuko pa rin siya at natatakpan ng itim na sombrero ang mga mata niya. Napansin ko rin ang kakaibang marka sa leeg niya na parang.... Napalunok ako. Parang marka ng lubid..
Bigla akong napaisip. Paano siya naunang nakarating sa freeway kesa sa'kin? Samantalang dinaanan ko na lahat ng short cut na alam ko plus over speeding pa ako.
Nagpasya akong tanungin siya pero itinuon ko muna ang atensyon ko sa pagmamaneho. Hanggang sa makarating kami sa isang madilim na highway na kakaunti lamang ang dumadaang motorista at sasakyan.
Sinulyapan ko ulit yung babae sa salamin pero parang nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan ng makitang wala na ang repleksyon ng hitchhiker.
Napalingon ako at nakita kong nandun pa rin siya at nakayuko kaya ibinalik ko ang tingin sa salamin at nakita ulit siya. Lasing lang siguro ako.
"M-Miss hanggang saan ka ba?" Tanong ko sa kanya habang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. Pero imbis na sagot niya ang marinig ko, isang impit na pag-iyak at mahinang paghingal ang narinig ko na tila ba nanggagaling sa ilalim ng lupa! Napakalapit ng tunog sa tenga ko.
Tumingin ako sa salamin at halos lumuwa ang mata ko nang makitang wala ang kanyang repleksyon!
Kumakabog ang dibdib ko at napapabilis na ang pagpapatakbo ko ng kotse. Maingat akong lumingon para tignan siya pero..
Walang siya doon! Sa pagkabigla ko ay nakita ko siya sa tabi ng driver's seat! Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin! Ang kaninang maganda niyang mukha ay naging isang nakakatakot na anyo. Maputla at naaagnas ang ilang bahagi.
Napasigaw ako nang hawakan niya ang braso ko at ipihit ang manibela sa direksyon kung saan may bangin!
"Aaaaaaaaaaahhh!!!!"
***
Normal POV
"Grabe yung nangyari kay Lance. Parang kahapon lang, kasama pa natin siya nung birthday mo." wika ni Justin sa binatang si Paul. Sila ang huling kasama ni Lance bago nangyari ang aksidente.
"Kung alam ko lang, hindi ko na siya pinayagang umuwi nang gabing 'yon." malungkot na sabi nito.
Kasalukuyang nakaburol ang labi ng binata. Namatay siya nang mahulog sa bangin ang sasakyan niya pero walang nakakaalam sa tunay na nangyari.
--
2 years ago nang makilala ni Lance si Jean. Pauwi ang dalaga galing sa isang party. Mag-aalas dose na ng gabi kaya nahihirapan siyang sumakay nang sakto namang napadaan ang noo'y nakainom na binata. Itinaas niya ang kanyang hilalaki para maki-hitch. Ginamit niya ang kanyang karisma at nagtagumpay naman siya."Miss, saan ka bababa?" tanong nito kaya sinabi naman niya ang lugar.
Ang kanilang pagkikita ay nasundan pa ng nasundan. Hanggang sa nagkamabutihan ang dalawa.
"Lance buntis ako." Mangiyak ngiyak na wika ni Jean. "Tatlong buwan na akong hindi dinadatnan kaya nagpacheck up ako kanina. Lance hindi ka ba masaya?"
"Hindi sa'kin ang batang yan! Hindi ako ang tatay niyan!" tinalikuran ni Lance ang dalaga. Labis naman nitong dinamdam ang ginawa ng binata.
Hanggang sa isang araw ay natagpuan na lamang ito ng kanyang ina na wala nang buhay, hanging by a rope.
END
Note: Magulo? Sorry na. XD
BINABASA MO ANG
Creepy Encounters [Horror Stories]
HorrorMga pangyayari sa mundo na hindi mo alam kung totoo o imahinasyon lamang. Mga engkwentro ng kababalaghan. Ang sabi nila, sa sobrang dami ng nakakasalubong mo araw araw, ang iba sa kanila ay kaluluwang ligaw na nakikisalamuha pa rin sa tao. Ikaw. Na...