The Five Kingdom

36 1 0
                                    

Kingdom of Phylem every chapter fact:

Alam nyo ba na ang lupang tinatayuan ng Phylema ay tinatawag na 'Merlock Land.'

Pinaniniwalaang hindi lang ang Phylema ang palasyo dito. Maraming sabi sabi na lima ang palasyo sa Merlock Land. Ang Kingdom Of Phylem, Kingdom A'Parallel, Kingdom Zaahriehra, Kingdom Plane Tectonics, at Kingdom Cyanonic.
-------------------------------------

Someone's Pov.

"Intro-ga nah me." [Introduce yourself]

Limang hakbang pasulong upang mapunta ako sa gitna ng silid aralang ito sa bandang harapan. May mga mukhang interesado sa sasabihin ko, at mga hindi.

"I'm an Aerosyses. Third Prince in charge sa Kingdom Zaahriehra (za-ah-ri-ye-ra)."


Bulungan. Bulungan ang inaasahan kong marinig.

Pero katahimikan ang sumalubong sakin. Isang babaeng nakasalamin ang marahang nagtaas ng kamay at tumayo.

Maputi ang balat, halos matatakpan na ang kanyang mga mata dahil sa buhok nya sa harap. May mapupulang labi ngunit malamig na tingin.

"Tunay ka bang anak ni King Shintaro?"

"Hindi."


"Salamat sa pagsagot, Mr..?"


Isang ngiti ang nabuo sa aking labi.

"Silver. Ako si Silver Nitromacro. At ikaw si?"

"Leaf . Leaf Synthesis ng Kingdom Cyanonic. Isa akong Cyansyses."

Interesting. Tatlong Cyan na ang nakikita kong nag aaral dito sa Phylema.

"Maraming salamat sa pagpapakilala."

Umupo na ako sa bakanteng upuan. Malapit sya sa bintana at nasa unahan ng linya. Isang lalake ang pumunta sa gitna.

Nakakakilabot sya sa totoo lang. Nagtataasan ang balahibo ko sa ngiti nya. Kakaiba ang buhok nya at may asul syang mata. Sa tingin ko isa syang Mnemosyses.

Tinignan nya muna kaming lahat. May pilyong ngiti ang namuo sa labi nya. May nagniningning na mata at mukhang may masamang intensyon ang pagpunta nya rito.

"I'm Lucas Xanderia. Leansyses galing sa Kingdom A' Parallel."


Halos mahulog ako sa inuupuan ko. Gulat na reaksyon ang sinukli ng lahat. Ang babaeng nagngangalang Leaf ay napatayo bigla.

Sht. Isang Leansyses na nasa Phylema!? Isang Xanderia ang gumagala sa Kahariang ito!? Niloloko nyo ba ako!?
____________________________________

"Ano! Isang Leansyses ang nakapasok sa ating kaharian!?"

"Aye-kun."


"Ipatawag ang Zolare Empire. Kailangan ko ang tulong nila."

"Pero mahal na h--

"SUNDIN NYO ANG UTOS KO!"

"Aye-kun ga!"

Hindi mapakali ang hari sa kanyang trono, isang Leansyses. Isang Leansyses ay ngayong nakatayo sa Phylema. Hindi maaari. Malaking gulo ang mangyayari. Lalo na't isang Xanderia ang Leansyses na un.


Kailangan nya ang Zolare Empire. Kailangan nya ang tulong nito.

"Damn you Elluk Erra! Ikaw ang may kagagawan nito!

Kingdom Of PhylemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon