Radii Chaster Zolare Mossama's POV.
"Mahirap to. Hindi makakapagtanong si Pacific kung saan sya naguguluhan or whatsoever."
Nakapalibot kami kay Pacific at nakapamewang pa si Enzo habang nagrereklamo. Mukha talagang bakla to kahit kailan. (- -")
"Bakit alam mo ba ung nangyari two days ago?" Sabi sa kanya ni Mnemonics.
Natigilan naman sya at napaisip. "Teka ano nga bang nangyari?"
-__________________-
Babatuhin ko sana sya ng kahit anong gamit na madadampot ko pero inunahan kami ni Hemisphere. Sinapok nya si Enzo, "Naku kung hindi ka lang Chief Legion ni King Livi! Tignan ko lang mangyayari sayo!" Iritang sabi ni Hemisphere sa kanya. Si Second at Arctic naman tinatawanan lang sya.
"Pwede bang itali nalang din natin si Enzo tutal wala naman din syang alam two days ago eh?" Ideya yan ni Horizon.
Nagkatinginan kaming magkakapatid. Ngumiti kami ng nakakaloko at binaling ang tingin namin kay Enzo.
"Argh! Zolare empire! Naku isusumbong ko talaga kayo kay King Livi! Lalo na ikaw Horizon! Emperor ka pa man din ng Generation IVI tapos ginaganto mo lang ako! Pakawalan nyo ko mga hinayupak tong mga unggoy na to!"
"Parang may kulang Kuya." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Radius. Kulang? Eh halos maubos na nga ung lubid kay Enzo.
"Oo may kulang! Panyo! Ang ingay ni Kuya Lorenzo!" inis na sabi ni Second at naglabas ng panyo. Tinupi at tinali nya na mag isa sa bibig ni Enzo ng matahimik na.
"Ok! Game! So naririnig nyo naman kami diba?" Panimula ni Hemisphere.
Si Pacific ung tingin is parang Anong-nangyayari-ba-look. Habang si Enzo parang papatay sa sobrang sama ng tingin saming lahat .
"Wednesday ng pumasok ka Pacific. Pinagalitan ka ni Ma'am Vez at pinatawag ang magulang mo." Sabi ni Horizon.
Sinubukan naming basahin ung reaksyon ni Pacific. Mukha namang naaalala nya..
Teka.. Naaalala nya?
"Tapos naglunch kayo at tumambay sa library. Paalis na kayo doon pero nag usap tayo sa phone." -Horizon.
Hindi ko maintindihan... Bakit naaalala nya? Eh akala ko ba wala syang maaalala two days ago? Tinignan ko sina Horizon pero mukhang di nila nahalata ung reaksyon ni Pacific.
"Tapos hinarang ka ni Ran. Nag usap kayo nun sa ground ng biglang may sumabog." tuloy ni Horizon.
Nagulat ako ng parang umaray si Pacific. Pumiglas sya sa pagkakatali. Ung mata nya parang inaantok tapos hiningal sya bigla.
"Hemisphere, anong nangyayari sa kanya?" kinakabahan kong tanong kay Hemisphere pero tinuloy nya ung kwento.

BINABASA MO ANG
Kingdom Of Phylem
FantasyMinsan ba naiisip mo kung paano pag walang mga gobyernador sa mundo? Kung walang presidente't mga senador na kumokontrol sayo? Minsan ba nainisip mo kung paano pala pag hari't reyna ang namumuno sa bansang ito? Kadalasan umaangat. Minsan wala ring...