First Royal Order

147 2 1
                                    

"Ang bansang Phylem ay hinati sa dalawa at tinatawag itong North Ford at South Kingdom"  malinaw na sabi ng guro sa loob ng classroom ng third year section Vivid. Maraming interesado sa topic at ang iba ay kunwaring nakikinig at tinititigan ang orasan.


"B-bakit? Anong.. anong problema?"

"Shade. Alam mo naman ang tungkol dito diba? Why can't you just listen!.. just forget about me, a-about us."


Sa isip ng isang babaeng estudyante na nasa pinakahulihan. Pinakamalapit sa bintana. Ito ang tumatakbo sa isipan nya. Thinking what happened between her ex and her. Hindi sya nakikinig sa guro kahit na pangarap nyang makapunta sa bansang topic nila ngayon.

para akong sadista na nakaupo sa di kalayuan. Nakikinig sa madramang show ng bestfriend ko. Unti unting namuo ang luha ng matalik kong kaibigan hanggang sa nagpaunahan itong bumaksak sa magagandang pisnge ni Shade.

"I-- i can't. Hindi un ganun kadali Nics! Hindi un gan--"

At ang katabing lalake naman niya ay ito rin ang iniisip, Akalain mo un? Hindi sila nag uusap pero nagkataong parehas sila ng iniisip. Tila nagfaflashback naman ang lalakeng ito sa pangyayaring sinaktan ng kapatid niya ang matalik nyang kaibigan.


"Shade listen! Please. Ayoko ng pahirapan ka pa. J-just erase my existance."

Humagulgol si Shade na parang batang inagawan ng lollipop. Haaay  kung pwede lang talagang umepal sa usapan nila, hinila ko na si Shade paalis .

Napabuntong hininga si Pacific at mabilis na sinillip ang katabing malalim ang iniisip, Bakit nga ba ang awkward nila ngayon? Hindi sya sanay sa atmosphere at malungkot na mukha ni Shade.


"You jerk! Coward! Nics. Fight for me. Please. Please." sinuntok suntok ni Shade ang dibdib nya habang nagpipilahan ang mga luhang lumalabas sa mata .

"Sorry. Sorry Shade. I'm so sorry."

"Jerk. Jerk! Please, Mnemonics. Fight  for us! Please."


"Kung lumaban lang sya, edi sana ok ang lahat" bulong ni Shade habang nakatitig sa bintana. Hindi nya alam na kanina pa nakatitig ang lalakeng katabi nya. Sobra syang nabobother sa tumatakbo sa isip nya. Ni sa sinasabi ng guro ay hindi nya na rin naririnig


Thats it! . Ngayon gusto ko ng umalis. Ayoko ng makitang sinasaktan ng kapatid ko ang bestfriend ko. Ang galing no? Ang manloloko lang ng kapatid ko? Kung pwede lang syang ilayo sa kapatid ko ginawa ko na. Ang tanga rin kasi ni Shade eh. Marami namang iba dyan. Ung di sya sasaktan.


"Mr. Pacific Catalyst Zolare Mossama!!" isang malakas na sigaw ang umalingasaw sa silid ng third year Vivid. Napatayo bigla si Pacific at nagtinginan ang mga kaklase nya sa kanya.

"yes ma'am!?"


"Hindi ka nanaman nakikinig?!" saway ng guro nila sabay palo ng hawak na baton sa mesa ni Pacific.

Kingdom Of PhylemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon