The Mnemos

105 2 0
                                    

Hemisphere Exo Zolare Mossama's POV

 

"Luhan! Oy!!" Binatukan ko si Enzo ng sinalubong nya ako sa tapat ng bahay pero hindi ko na nanaman pangalan ang ginagamit nyang pantawag sakin.

 

"Ano nanaman bang kailangan mo Enzo?" Inis kong tanong sa kanya. Nagpout naman ang loko. KADIRI! Jeez! Nagtaasan ang mga balahibo, minsan iniisip ko kung bakla ba tong si Enzo o may lihim na pagtingin sakin.

 

"Chanyeol naman! Ang bad bad mo sakin." For the nth time! Stop with the names!!!

 

 

"Hemisphere ang pangalan ko!" sigaw ko sa kanya pero tinawanan lang ako ng buang. Tinaas nya ung dalawang kamay nya na para bang nahuli sya ng pulis o ano.

"Chill! Kalma ka lang! Tsaka related naman ung pangalan mo sa mga tawag ko sayo diba? diba?"

 

"Sira ulo! Nakuha ang Exo na pangalan ko sa Exosphere! Hindi yon related sa kpop group na ini-istalk mo! Grr!" tumawa lang ng tumawa si Enzo at pinapasok ako sa bahay.

 

"Si pasipiko nga pala? Anong balita sa kanya?" Napabuntong hininga ako sa sinabi nya. Delikado kasi si Kuya Pacific ngayon.

 

Pinasok ko si Enzo sa kwarto ni Kuya Radii kung saan nakatali si Pacific sa upuan. Nakabantay si Radius at Second sa magkabilang gilid. Napaurong naman si Enzo sa nakita nya.

Kingdom Of PhylemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon