Phylem (Phylema) Informations

245 1 0
                                    

(N/A - scroll down lang po kung may words kayong di maintindihan ^_^. Just search it sa Phylem Word List sa below. enjoy reading!! )

Ang mga taong Mnemos o tinatawag rin natin na 'Highly Intellectual Homo' ay ang mga taong nakatira sa pagitan ng ekwador at hilagang polo ng globo. Ang kanilang bansa ay tinatawag na Phylem o mas kilala sa South Kingdom at North Ford o Fordom.

Ang bansang Fordom ay may dalawang daan (200) na gusali ng matataas na paaralan. Ang mga estudyante sa Fordom ay nahahati sa tatlo.

Class Gene: (Elementary) Ito ay binubuo ng pitong antas. Ang pinakamababang lebel sa pag aaral. Ang mga Class Gene ay matitignan kung ikaw ay may C.Scarf. O tinatawag din nilang I.D gene.

Class Elites: (Highschool) Ito rin ay may pitong antas. Dito minsan kinukuha ang mga tao na karapat dapat sa Royal Line sapagkat maraming matatalino at marurunong na estudyante ang kabilang sa lebel na ito. Sila naman ay makikilala sa pamamagitan ng kanilang Bow Tie o tinatawag nilang Elite Bow.

Class High: (Training) Ang mga estudyante na nilalaban o niluluwas sa ibang bansa upang maging magandang halimbawa. Sila ay ang mga leader na pinapasok sa matataas na organisasyon sa ibang bansa upang magturo at magbigay ng magandang halimbawa. Ang mga Class High ay malalaman sa pamamagitan ng kanilang Neck tie o HTD.

Masasabi rin natin na ang mga Mnemos ay respetadong tao. Sa bawat kainan na iyong mapupuntahan sa Fordom ay mayroon silang Cell Bars o Tech Jail. Dito ay pansamantala nilang nilalagay ang kanilang cellphone at sila rin ang maglalagay ng password sa isang Cell Bar na kanilang nilagayan. Ayon kay Haring Roy, pangatlo sa henerasyon ng syntax era (Generation UY) ay walang paggalang ang pagdala ng cellphone sa hapag kainan.

Ang mga maiiksing kasootan ay labis na pinagbabawal sa bansang ito. Pinatupad ni Haring Elluk,ang pinakaunang hari sa henerasyon ng Erra (Generation Erra) ang batas na L.C4H.73 kung saan inilahad na ang maikling manggas na kasuotan ay labag sa batas. Kabilang rin dito ang L.C4H.77 na kapag ang iyong braso o hita ay nakitang walang saplot na tela ay ipapadala ka sa H2O Hotel o mas kilala sa pangalan HH.

Ang HH ay ang kanilang kulungan. Ito ay ipinatayo ni Mynth Jade Zolare (Search for Zolare Empire for more details) noong hindi pa namumuno ang mga hari noon. Ang HH ay tinaguriang pinakamagandang kulungan sa buong mundo. Ngunit wala sa kahit na sinong Mnemos ang gustong makapasok dito dahil sa ilang rason. Ang HH ay gawa sa malateknolohiyang materyales kayat ang mga dingding o kisame ay tila gawa sa tubig. Ang HH ay tubig na nakapormang hotel kaya't kahit saan ay makikita mo ang iyong repleksyon. Maraming scientist ang gustong pumasok sa HH upang malaman ang rason ng pagbabago ng mga bilanggo roon ngunit kahit isa ay walang nakapasok dito.

Ang Fordom ay bansang mahigpit ang seguridad. Upang ito'y mapatunayan, iyong subukan na hanapin ang bansang ito sa kahit anong mapa o internet site. Maraming naniniwala na ito ay nasa itaas ng ekwador at umuulan ng nyebe rito. Ang ibang detalye tungkol sa Fordom ay galing sa mga Mnemos na aming nainterview.

Ang mga Mnemos ay hindi ganoon katangkad ngunit hindi masyadong maliit. Matatangos ang mga ilong nito at may kulay tsokolateng buhok. Mapuputi ang balat at kulay asul ang mata. Napatunayan na ang 87% ng mga taong may asul ang mata ay may lahing Mnemos.

Pinaniniwalaan ding karamihan ng mga sikat na artista sa iba't ibang parte ng mundo ay sa Phylem galing. Ang mga telang tila may matitibay na anyo ay dito rin nakuha. Maraming tao ang naabala ng biglaang sumulpot ang bansang nagngangalang "Phylem" .

Maraming naniniwala sa "Phylema Theory of El Elluk" kung saan nagsimulang sumikat ang bansa dahil sa unang hari na namuno rito. Pinaniniwalaan din ng marami ang digmaang naganap sa Phylem na tinaguriang "War of HIH" kung saan tumigil ang pamumuno ni Elluk na tumagal ng apat na taon.

Ngunit walang nakapagsasabi kung ilan taon na si Elluk at kung buhay pa ba ito Walang impormasyon na mahahanap tungkol sa mga sumunod na hari. Tanging ang mga ginawa lamang nila para sa Phylem ang lumabas..

Phylem Word List

Highly Intellectual Homo - ang pamagat na ibinigay sa mga taong nakatira sa Phylem ^_^.

Mnemos - tawag sa mga taong nakatira sa Phylem, lahi sa Phylem (ex. kung may Japanese sa Japan. Koreans sa Korea, then Mnemos sa Phylem)

Mnemosyses - singular form for Mnemos (ex. ako kay isang Mnemosyses. Tayo ay Mnemos. ) Plural form po ang Mnemos

Phylema - tagalog ng Phylem

Fordom - isa pang tawag sa Phylem. Nakuha ito sa pinagsamang pangalan ng dalawang lungsod sa Phylem , ang north FORD at south kingDOM

Cync - lenggwahe na ginagamit ng Mnemos

Class Gene - un ung parang elementary nila. Ung sinabing pitong antas is like sa atin din na Grade one, grade two and so on. Pero ang pagkakaiba lang is pito ung sa kanila

Class Elite - parang ganun din, highschools. Pero kung tayo apat lang eh pito din sa kanila.

Class High - college with 4 stages!

Elluk Erra - unang hari na namuno sa Phylem. Walang nakakaalam ng totoo nyang edad at kung bakit bigla na lamang sya nawala.

HH - H20 hotel (sa mga hindi alam ang h20, ang h20 po ay isa pang tawag sa tubig , chemistry!!) Hindi po ito sikat na hotel sa Phylem kundi kulungan po sya na may tubig effects.

Cell Bars - kulungan ng mga cellphone pag nasa hapagkainan? XD

L.C4H.73 - isang batas sa Phylem

Kingdom Of PhylemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon