The.. what?

41 1 0
                                        

Kingdom of Phylem every update (EU) Fact: Hindi lamang sa isang lenggwahe nakapokus ang mga Mnemos. Dahil kada subject at may assign na language. In sort, sa Math ay Hebrew ang salita nyo. Sa Science naman eh Italian, and so on..

Radius' point of view.

"Chaaa!!!!  Sa akin ka sasama diba!?" Grabe. Buti na lamang at hindi ako pinag aagawan.

"Chaldyan! Nagpromise ka sakin!!"

"Teka! Wag nyo kong hilahin! Aray! Aaaah!"

"Bitawan mo nga si Cha!"

"Ikaw ang bumitaw! Saakin sasama si Chaldyan! "

Hindi ko na lamang sila pinansin. Naghihilaan kasi sila sa magkabilang braso. Kawawa tuloy si Chaldean.

"Kuya Rade!! Tulong naman oh!!"

Nagkunwari akong tinignan ang oras at hindi sya narinig. Ayoko ng umawat. Natauhan na ko.

"hoy! TARA NA!!" sigaw ko sa labas ng kwarto ni Color. Kinatok katok ko pa ung pinto para siguradong marinig nya.

10 minutes late! Bwiset!

"Wait lang Rade!  5 more minutes!"  rinig kong sigaw ni Color.

Amf. Mga babae talaga.

"Radius?"

napalingon ako sa kung sino tumawag sakin. Si Ate Shade lang pala.

"Po?"

"Nakita mo ba si Pacific?"

"Kasama nya po si Enzo kanina."

Hindi na nagsalita si Ate Shade at umalis nalang bigla. Weird. Tss. Mga babae talaga hindi mo alam kung ano talaga ugali. Ang hirap basahin.

"Bitawan mo si Cha!"

"Teka lang naman!!! Aray!!!"

"Tss! Edi sayo na! Magsama kayo!"

Napasubsob nalang si Chaldean sa taong humihila sa kanang braso nya. Binitawan kasi sya ng humihila sa kaliwa at itinulak palayo.

"Lael naman! Wag ka nama--."

*dug. dug. dug.

Hindi ko na napansin ung nangyari sa tatlo dahil narinig ko nanaman ung mga kalambag. Palagi nalang ako nakakarinig ng ganon sa bahay ng mga Yuropeo.

"Sumama ka dun sa Yeobo mo!"

"Lael!"

Tinignan ko ang saradong pintuan. Siguro naman ay matagal pa si Color hindi ba?

*dug. dug. dug.

Sinubukan kong pumikit para mas makafocus sa tunog. Hindi sya ganun kalakas pero hindi naman sobrang hina. Kung mananahimik ka sa isang tabi ay siguradong maririnig mo ung mga kalambag. Paulit ulit na kumakalambag.

Sinubukan kong tumungo sa cr pero parang lalong humina ang kalambag kaya bumalik ako sa tapat ng kwarto. Sa kabilang direksyon ng cr ako pumunta ngunit walang nilakas o hinina. Tsk, san ba nanggagaling ang tunog na yun?

"AYOKONG  SUMAMA SA INYO! LAYUAN NYO KO! AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!?!?!!!!"


Dali dali akong tumakbo patungo sa kwarto ni Kuya Light. Ang panganay at nag iisang lalake ng mga Yuropeo. Sa kanyang sigaw un. Hindi ako nagkakamali.

Binilisan ko pa ang takbo. Takbo. Kaliwa. Kaliwa. Takbo. Kanan.

*boogsh.

Napaupo ako sa lapag ng may nabangga akong lalake na tumatakbo.

"Ugh, Aray." hinimas himas ko ang ulo ko dahil medyo nahilo ako sa banggaan namin.

Nang iangat ko ang ulo ko at may takot na takot na mukha si Kuya Light habang nakaupo at nakatingin sakin... i mean sa likod ko.

Nanginginig sya at pinagpapawisan ng todo. Nanlalaki ang mata at nakabuka ang bibig sa gulat.

Ano bang tinitignan nya sa likod?

Lumingon ako at isang matulis na kutsilyo ang sumalubong sa pisnge ko. Gumawa ito ng linyang pahiga na may mga likidong umagos at sumama sa tulis.

Inihinto nya ito sa tapat ng ilong ko. Umupo upang pantayan ang aking mata at ngumiti ng masama.

"Hi. Ikaw pala ung kapatid ng emperor in charge. How cute."

Kalma. Kalma Radius..

Walanjo, mamamatay ako sa nerbyos nito!

Sa sobrang takot ko ay napaantras ako para mailayo ang kutsilyong nakapatong sa ilong ko. Pero bago pa man ako makaantras ay naubusan agad ako ng hininga.

Hindi ako makahinga. Anong nangyayari!? Nahihilo na ako at pinapaligiran ng itim ang paningin ko. Feeling ko hinihila ako palapit sa isang bagay.

"AYOKONG SUMAMA!!! BITIWAN NYO KO!!!" rinig kong sigaw ni Kuya Light pero wala akong maigalaw sa katawan ko. Gusto ng pumikit ng mga mata ko pero nilalabanan ko.

Inaalala ko ang taong nagtutok ng kutsilyo sakin kanina. Dahan dahang hinawakan ang hiwa na ginawa nya sa pisnge ko.

May asul na buhok. May asul na mata. Naka necktie na puti at may nametag na nakasulat ay Royal Line.

▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓

"Ready na ba kayo?" tanong ni Radii bago bumaba ng eroplano.

"Tapusin na natin to."

Nice meeting you again, Phylem. Let's make this Kingdom back to normal.

-----

Next chap.

Setting: Kingdom of Phylem.

Pacific on the other side ->

Kingdom Of PhylemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon