The Leans

90 2 0
                                    

"Magandang umaga rin. Sya nga pala. Kailan mo balak ipakausap ang nakatatanda mong kapatid? Sabi mo ay busy sila? Linggo ngayon at baka may naka day off sa kanila?"


Halos manigas sa kinatatayuan nya si Pacific.


"Mr. Pacific Catalyst Zolare Mossama!!" isang malakas na sigaw ang umalingasaw sa silid ng third year Vivid. Napatayo bigla si Pacific at nagtinginan ang mga kaklase nya sa kanya.

This is nonsense!


'nangyari un sa parehas na araw."


"yes ma'am!?"

"Hindi ka nanaman nakikinig?!" saway ng guro nila sabay palo ng hawak na baton sa mesa ni Pacific.


'Kung nangyari yung sermon-an sa classroom.'

"Eh Ma'am, paulit ulit lang naman ung nilelesson nyo." rason ni Pacific at nagpeace sign pa.

Patagong tumawa si Shade sa rason ng bestfriend nya. Malakas na tawa naman ang ginawa ng buong klase.

"CLASS!" malakas at galit na sigaw ng guro nila kaya't napatahimik ang buong klase.

'Hindi imposibleng panaginip lang ang lahat.'


Napatingin si Pacific sa katabi at nag make faces. "Lagot ka kay Ma'am" bulong ni Shade at tumawa tawa pa. Si Pacific naman ay parang wala lang.

"Gusto kong makausap ang magulang mo , Mr. Mossama." matigas na sabi ng guro nila .

"oooooooow." - buong klase.

Nagtaasan ang mga balahibo ni Pacific. Isang araw. Ang kalahati ay totoo. At ang kalahati ay panaginip. Imposible?

Nagtaas ng kamay si Pacific at sinabing, "Eh Ma'am , nakakainsulto naman kayo eh. Hindi lang naman ikaw ang gusto sila makausap. Ako gusto ko rin silang makita, pero di pwede. Kayo pa kaya?" sarkastikong sabi ni Pacific at halatang nainis ito sa sinabi ng guro nya.

"Kung hindi pwede, kapatid mong nakatatanda na lamang." ma pride na sabi ng guro nila imbis na magsorry.

"Oops. Wrong move."

Agad na napalingon si Pacific sa boses ng taong alam nyang narinig nya na. Nanlaki ang mata ni Pacific. Dalawang beses na syang tinutukan ng baril pero mukhang this time, papatayin sya sa nerbyos sa sobrang bilis ng pintig ng puso nya.


"Bye."

Isa. Dalawa. Tatlo.


Tatlong putok ng baril ang narinig ni Pacific.

Pero tatlong segundo pa ang lumipas bago  nagsink in sa isip nyang hindi sya ang target nito.

Hindi sya pinatay ni Elluk.

"Ma'am!" sigaw ni Pacific ng makita ang mga dugong nagbaha sa paa nya. Nakaratay ng pahiga ang teacher nyang kanina nya lang kausap.

Pinagpawisan sya ng sobra. Lalapitan nya sana ito pero. "Stay in that position or die."

Tumigil ang oras ng marinig nyang sinabi ito ni Elluk sa kanya habang tinututok ang baril sa ulo nya.

Kingdom Of PhylemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon