PHASE 4

27 6 0
                                    


"Prina...."

Isang malamig na tawag, kasabay ng naramdaman kong haplos sa aking braso ay napakagat ako sa aking ibabang labi habang dinadama ang malambot na bagay sa aking pisngi.

"Prina..."

Para akong nasa alapaap, lumulutang at hindi alam kung saan papunta. Basta ang alam ko lang ay gustung-gusto ko pa. Gustung-gusto ko pa ang ginhawang sarap na nararamdaman ko ngayon.

Napabuntong-hininga ako habang nararamdaman kong may hanging nakapaypay sa mukha ko. At kasabay ng malakas na hanging iyon ay may mga dolyar na perang biglang sumasabog sa langit, para nagmistulang mga confetti.

Oo, para akong naligaw na demonya sa langit dahil nararamdaman ko ang malambot na bagay sa paa ko na parang umaapak ako sa isang ulap. Patay na yata ako.

Ngunit ang aking mata ay abala sa magandang natatanaw, napapamanghang ako'y napangiti at dahil sa sobrang kasabikan na makalapit agad para makasambot ng mga naglalaglagan na dolyar, nagulat ako na parang may humihigit sa likod ko upang mapaatras ako.

Napakunot ako, tumingin ako sa likod ngunit wala naman. At nang bumalik ang tingin ko sa dolyar ay malapit na ito sa kinapupwestuhan ko. Sa determinasyon upang makakuha ay pinuwersa ko ang aking katawan upang mapalapit, ngunit parang may pumipigil talaga sa akin. Hindi ko malaman kung sino. Parang itong nasa harapan ko ay nanunukso.

Nagsimula na akong makaramdam ng inis dahil sa biyayang abot-kamay ko na,ngunit hindi ko lang tuluyang makuha-kuha—

"Prinang antukin! Huy! Gising!" agad akong naalipungatan ng may bahagyang yumugyog sa aking balikat dahilan na mapatayo ako.

"So that's all for today. Class dismissed—"

"Present po, Ma'am!" agad na sigaw at mulat ko kasabay ng pagbaling sa akin ng Prof ko habang nakakunot ang noo at dismayadong umiiling.

Napuno naman agad ng bungisngisan ang aking paligid. Agad ko naman napagtanto na nasa eskwelahan pa pala ako, wala sa bahay. Nandirito ako mismo sa loob ng room, kasama ang mga kakalase at ang nakakunot na noo kong prof na mukhang kanina pa masamang-masama ang tingin sa akin.

Napalunok agad ako sa kaba at hiyang dagling naramdaman.

Ang paypay at ginhawa na naramdaman ko pala kanina ay dahil sa electric fan na kanina pa nakatutok sa kinauupuang pwesto ko dito sa may gilid, malapit at katabi lamang ng bintana. Ang malambot na nararamdaman ko pala kanina ay dahil sa aking bag na nakapatong sa aking arm chair... I sighed. Na ginawa kong unan.

Napakunot ako sa aking sarili nang sumagi sa isip ko ang panaginip na hindi ko nalimutan. Anong ibang sabihin ng paniginip na 'yon? And it's so weird. Langit at dolyar na parang... parang hinahabol ko. At ang mas nakapagpapa-weird pa ay yung dolyar ay parang may mistulang pakpak na parang isang anghel.

'Err? Shuta, ano yon magic? Akala ko nga patay na ako dahil ramdam ko pa ang lambot sa paa ko na parang nakaapak ako sa ulap.'

Agad ako napanguso nang matanto kong panaginip lang pala iyon at hindi totoo. Sa dinami-raming klaseng pera na mapapanaginipan ko, ay dolyar pa talaga. Bakit? Ano ba talagang ibig sabihin niyon? Ibig sabihin ba nito ay makakapangasawa ako ng isang foreigner? Oh, kaya yayaman ako at titira sa ibang bansa? Oh, baka naman nasa ibang bansa talaga ang kapalaran ko?

Napailing ako at muntik ko ng sampalin ang sariling pisngi sa ilusyunadang naiisip. Imposible.

Imposible mga kagagahang naiisip ko kaya mabuti na lang talaga ay nagising ako sa kahibangan ko.

"Oh, Ms. Malitaitai? Mabuti naman at nagising ka, kanina pa kita napapansin habang nagle-lecture ako hindi ka nakikinig. Swerte ka at hindi ako nagpa-quiz ngayon." napataas ito ng kilay sa akin ng maramdaman kong nabalik muli ako sa reyalidad.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon