PHASE 15

12 4 0
                                    


"Where's your parents, Ms. Malitaitai? Matatapos na ang highschool at susunod na ang senior high." paalala sa akin ng adviser namin.

Kanina ko pa tine-text si Nanay pero hindi pa siya nagre-reply.

"Mamaya padating na rin po 'yon, Ma'am." ani ko. Napilitan akong umangat ng tingin dahil tutok ang mata ko sa cellphone na baka biglang mag-ring ang phone ko.

"Okay. Kapag hindi sila makaabot... it's okay. Pwedeng ako na lang magsabit sayo, okay?"

Iiling-iling na tumatango ang aking ginawa. Hindi makasigurado.

"By the way, congratulations." bati niya sa akin at marahang ngumiti. Agad naman ako nagpasalamat sa kanya.

Kung hindi makakapunta talaga si Nanay, baka nga talaga adviser ko na lang. Si Tatay kasi, ang pagkakaalam niya ay si Nanay talaga ang pupunta kaya sinabi niyang mamamasada na lang siya ulit ngayon. Si Kuya naman, kahit na gusto niyang manood, hindi pwede. Hindi na raw ganun kadaling umabsent at baka may recitation daw sila ulit.

"Don't worry, may mga intermission pa naman mga mangyayari kaya I know na makakahabol pa ang magulang mo. But please, try to contact them para on time sila sa oras ng pagdating nila para sa tract natin." anito saka umalis sa harapan ko para itanong pa ang ilan kong kaklase na hindi pa dumadarating ang kanilang mga magulang.

Mga kasamahan ko na kaklase ay mayroon rin. Agad naman nila akong binati nang malaman nilang napasama rin ako. Nag-congratulate rin ako sa kanila.

Hindi ko maiwasang kabahan, at matuwa. Kasi pakiramdam ko hindi talaga ako belong rito. Kagabi ko pa nga iniisip na... deserve ko ba talaga ito? Ang plano ko lang naman ay makabawi pero hindi ko naman inaasahan na grabe pala ang bawi na maibibigay sa akin! Sobra-sobra pa at hindi ko ine-expect 'yon!

Kanina pa kami rito. Hindi pa naman agad nag-start ulit dahil nagkaroon pa ng intermission number. Mula kanina, nagpadasal rin at nag National Anthem. Ganito talaga sa tuwing nagkakaron ng aktibidad sa aming school bago mag start. May mga ilan pang mga prof and teachers na nagsasalita kaya mahaba-haba ang time para makapaghanda ang mga estudyante at ang ilan pang mga darating para manood.

May mga ilang highschool pa ang nauuna kaya kampante ako na makakaabot pa si Nanay dahil panghuli pa naman kami. Siguro kaya hindi pa nagre-reply si Nanay ay dahil hindi pa siya tapos maglabada? Eh kung ganon... pagod siya? I-text ko na lang kaya na okay lang kung hindi siya makapunta?

Labag sa loob kong naisip iyon. Pero sabi niya, pupunta raw siya. Sinabi niya yun kagabi kaya naman labis ang tuwa ko. Akala ko nga iiyak na naman ako bago matulog, eh. Ewan ko, pagdating talaga kay Nanay... napaka iyakin ko. Kaya mabuti na lang pumayag siya. Kaya inaasahan ko ring makakapunta talaga siya dahil ito ang unang beses na magkaroon ako ng karangalan. Unang beses ko ring mararanasan. At alam kong... ito ang gusto ni Nanay para sa akin mula noon pa. Alam kong hindi niya ito palalampasin. Alam kong darating siya...

Siguro busy pa 'yon paggagayak magpaganda kaya medyo natatagalan pa siya.

"Prina..." tawag sakin ni Tatay. "Sana ako na lang kinontak mo."

Mapait akong ngumiti at umiling sa kanya. "Nauunawaan ko, Tay. Sige na po, matutulog na ho ako, pagod ako." paalam ko agad kay Tatay na malungkot na nakatingin sa akin.

Tinanguan ko na lang siya at agad na nilampasan at dumiretso sa kwarto. Wala si Chichi sa kwarto ko dahil nasa kwarto siya nila Tatay. Basta ko na lang nilapag sa mesa ang aking mga natanggap na ribbon at isang medal kanina. Agad akong humiga sa kama, niyakap ang unan, natulala sa kisame. At bago pa may dumaloy sa aking mata ay agad na akong pumikit at tuluyang natulog na.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon