PHASE 25

29 5 0
                                    


Maya-maya ay gumalaw ito at may kinuha sa kanyang tabi na isang black envelope. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya habang binubuklat nito ang envelope at nilabas ang laman nito, saglit siyang napasulyap sa akin at tumikhim, saka itinuon muli ang tingin sa isang papel bago siya magsalita.

"Phryne Gretha Malitaitai...your nickname is either Prina, Phryne, minsan ay Gretha. .. 24 years old... mahilig mag-pageant noon... Nanirahan sa Pilipinas sa may Cebu kasama ang kanyang magulang at dalawang kapatid... Ikaw ang pangalawa sa inyong magkakapatid, dalawa kayong babae at isang panganay na lalaki... senior high lang ang tinapos... anim na taon ng hindi umuuwi sa Pilipinas... breadwinner...You are working as a pole dancer at 4Play Gentlemen's Club sa loob ng anim na taon... one of a good stripper at binansagang Burlesque Queen... Nagpapatake-home or escort minsan... n-no..." he cleared his throat, tumaas ang kilay ng saglit siyang sumulyap sa akin. "H-Hindi nagbo-blowjob pero sige handjob.. Oh," napakunot siya sa akin saglit. "HIV negative... and lastly... hindi na virgin. Okay. Interesting. Did I miss anything?" mapanuyang tanong niya.

"The fuck?" utas ko.

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Ibig ba sabihin niyan ay pinagsusundan niya ako sa mga itlog niyang utusan? Pina imbestiga niya ba ako!? Paano niya nalaman ang mga ito? Hindi ko maiwasang mag ngitngit ng palihim. Nakangisi ito sa akin, tumikhim muna ako bago sumagot.

Napaka private person ko pa naman tapos biglang malalaman na lang niya ang buhay ko. At talagang gumawa pa siya ng buod para basahin sa harapan ko! How dare him!

"Paano mo nalaman ang mga iyan? Stalker ba kita?"

"Hindi." kumunot siya at umiling. Ang sama ng tingin sa akin, gayong dapat ako yung mukhang magalit rito sa aming dalawa!

"Talaga? Hindi naman kasi halata." sarkastikong sagot ko. "Ano ba talaga ang gusto mo sakin, baby?"

He smirked. Napahinga ito ng malalim na tila nag-isip muna ito sa kawalan bago siya dumekwatro sa kanyang kinauupuan, sabay patong ng kanyang magkakrus na kamay sa kanyang tuhod habang matiim munang tumitig sa akin.

"Phryne, I have a business preposition for you..."

Ayan na naman tayo... ano ba kasi? At bakit kasi?

Lalong sumakit ang noo ko sa pagkakunot. "Business preposition of what?" sana lang talaga ay magustuhan ko itong paandar niya!

Sige, susubukan kong pakinggan siya!

He twitched his lip and licked his lower lip. "How much the entire day?"

"Ano?" I frowned in annoyance.

"Entire day... to be with you."

"You mean gusto mong... sayo akong magdamag? Ganun ba?" nalilitong tanong ko pa sa kanya. Napaayos naman ako ng upo. Baka nabibingi lang ako.

"Yea. What's wrong? Just answer me. How much for the entire day?" he licked his lower lip as he frowned. "You said, your minimum is a hundred per hour. So, if we calculate that in 24 hours, it means that I will pay two-thousand four hundred dollars. Apart from that, dun pa sa sinasabi mong may charge din kapag kakausapin pa kita." aniya'y napangiwi pa ito sa huli.

"Whoa. Are you serious?" nakakaloka naman itong lalaking 'to. Ang talino ring bumilang na pera. Lalo tuloy akong natu-turn on sa kanya! Mabango na, hot na, matalino pa!

"Nagiging clingy ka na, ah! Gusto mo ba talaga akong makasama pa, ha? Tapatin mo nga ako, crush mo ba ako, ha? Ang sweet mo sa part na yan, baby." asar ko sa kanya na ikinakunot at iling niya.

"I'm deadly serious." seryosong anito.

"Stay here? With you?" natawa ako ng bahagya at umiling sa kanya. "Nah. You couldn't afford it." saglit akong lumubog sa bathtub, napasinghap ako nang iangat ko ulit ang mukha ko sa saglit na paglubog at agad na inalis ang nakatabing na buhok sa aking mukha.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon