PHASE 60

6 3 0
                                    


My shoulder shook spontaneously, and I looked up when I heard the door close, a sign that he had really left. Ilang segundo akong natulala roon habang sapo ang dibdib, para bang tumigil ang pagtibok nito, pinapakiramdaman din ang sarili habang tinitingnan ang saradong pinto...

Hanggang sa hindi ko na naramdaman ang presensya niya.

I just felt that at this time, I was now alone. Dark again ... only the wall, ceiling, and my cat fast asleep next to my bed can I see now throughout my boring and dark bedroom. It was as if when he came out, my mood changed again. That feeling that came back to me again.

The loneliness.

Ngayon lang ako medyo nababalik sa reyalidad.

At ngayon... sumuko na siya.

Hindi na siya nagpumilit pa. Ayaw na niya. Talagang aalis na siya.

Hindi ko alam kung gaano katagal habang nakatingin ako sa saradong pinto, magbabakasakaling... sakaling bumalik siya. Na... hindi talaga niya ako matitiis! Na baka biglang bubukas ang pinto at bumalik siya, dadaluhan ako, babawiin ang sinabi, magmamakaawa na tanggapin muli siya at yayakapin ako ng mahigpit... tulad ng madalas niyang gawin sakin ng paulit-ulit.

Na ayos lang na maging madaya na naman siya para sa akin, na idadaan niya na naman muli ako sa mga taktika niya! Na magiging agresibo siya kapag gusto niya talaga makuha ang isang bagay! Na makukuha na naman niya ako na ganun lang kadali! Na ipipilit niya, katulad ng ginawa niya sakin noon! Na babawiin muli niya ang mga sinabi niya.

Ngunit mukhang malabo na talagang mangyari iyon. At alam kong... mali. Talagang wala na. Sya na talaga mismo tumapos at mukhang seryoso na siya sa naging desisyon niya doon.

Hindi ko alam kung ngayon lang ba ako naumpog, pero sa pagkakataong ito, bumalik sa mga alaala ko ang mga ginawa niya, nang magsimula siya muling magpakita para kausapin ako, mga pagtiya-tiyaga niya ng matagal para makausap lang ako, mga pagtitiis niya sa pag-iignora ko, ang pagbibigay ng respeto niya sa oras ng trabaho ko kahit alam kong nakakainip para sa kanya ang maghintay ng walang mapapala dahil na kilala ko siyang napaka-ikli ng pasensya, ang pagpipigil niya ng pasensya na kahit minsan... madalas minumura ko siya, pinagtatabuyan, napapahiya... ang pagmamagandang loob pa rin niya sa tuwing uuwi ako, at pagpapaalala niya na mag-ingat ako, lalo na kapag palihim niyang sinusunduan ang bawat pinupuntahan ko.

Ang kapal ng mukha niya. Sobra, na parang kung mas titimbangin ay mas malala ang naging kasalanan niya sa akin. Kaya hindi ako matablan ng maski awa sa kanya. Lahat ng 'yon kinainisan ko sa kanya... nung una. Pero dahil naiisip ko na naman ngayon... hindi ko alam kung bakit parang may kumalabit sa puso ko at may natanto.

Lalo na sa paggising ko... na binangungot ako, nandito agad siya sa harapan ko at inalo pa ako. Ngayon ko lang napansin kung gaano kahaba ang naging pasensya niya.

Parang ayaw ko. Ayaw ko na matigil iyon. Gusto ko na parang hindi. Ngunit mas nangingibabaw na gusto ko, dahil alam kong manghihinayang ako.

Oh, nasanay lang talaga ako, kaya ganito na lang ang nararamdaman ko?

Oh, ano, Phryne? Dapat masaya tayo, 'diba?

Hindi ba't matagal mo ng inaasam 'to? Ang pinakahinihintay mo? Heto na nga diba... nangyari na. Kusa na niyang ibinigay sayo.

Pero bakit ganun... bakit lalong ang sakit? Bakit lalong bumibigat ang kalooban ko? Yung tipong gusto ko na lang magwala dahil hindi ko matanggap. Hindi ko na maintindihan, gulung-gulo, at nagtatalo na rin ang aking puso't isipan. Paulit-ulit rumerehistro sa kaisipan ko ang mga sinabi niya kanina... sa paghingi niya ng isa pang pagkakataon, na paulit-ulit na niyang sinasabi sa akin sa tuwing kami ay maghaharap... at kanina, sa tuluyang pagpapaalam niya.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon