PHASE 35

12 5 0
                                    


"Is it good?" tanong niya habang sumusubo ako.

Hindi ko matigilan dahil ang sarap habang tumatango-tango ako at napapaungol sa paglasap sa harapan niya. Matagal-tagal na rin nung huling ko matikman ito. At ngayong nakakain ko na ay parang hindi ko matigilan kahit pa ako'y mabulunan.

Sumubo lang ako ng sumubo na para bang ito na ang pinaka huling kain ko nito sa tanang ng buhay ko. I know I'm just overreacted but it's been a few years since I've eaten them, because every time I eat them, a lot of memories come into my mind. Sobra. Lalo na naaalala ko ang aking pamilya.

"Sobrang sarap!" sabay ngiti ko sa kanya. "Kasing sarap ng luto ng Mama ko. T'saka ako."

"You?" tila nalito ito.

"Masarap."

"Huh?"

"Magluto!"

"Ah," makahulugan pa itong ngumiti sa akin habang marahang tumatango na ikinairap at iling ko na lang.

"In fairness, galing ng chef niyo, ha. Kuhang-kuha ang lasa!"

Ngumiti siya sa akin na para bang maliit lang na bagay iyon. I'm surprised he's not eating even though he's just sitting, sipping coffee and watching me intently eating breakfast with a smirk on his lips.

Natutuwa ako kasi na-missed ko kumain ng mga filino foods. May sinangag akong nakita ng nakapukaw agad sa akin ng atensyon kaya yun agad ang aking nalantakan. At kung anu-ano pang mga prito. Hindi ko naman alam na magagawa nila ito dahil kakaibang pagkain ang hinahain nila rito sa tuwing papatak ang oras ng kainan, masyado kasing sosyal, at sa sobrang sosyal ay parang hindi na kayang lamunin ng sistema ko. Naninibago pa kasi bituka ko, pero ng minsang mabanggit ko ito sa kanya, kay Heimlich, hindi ko naman inaasahan na magagawa nilang magluto nito.

I secretly smirked. I simply glanced at him while his eyes were busy looking around and sipping coffee from his cup.

Isang napansin ko sa ugali ni Heimlich, kapag madaldal ka sa harapan niya at pakiramdam mo mukhang wala siyang pakialam at hindi nakikinig, hindi ibig sabihin non ay wala talaga siyang pakialam at hindi matatandaan ang sinabi mo. Minsan magugulat ka na lang na kapag binanggit mo sa kanya ang mga bagay na inaakala mong hindi niya pinakinggan, yun pala, alam pala niya. Sya pa magpapaalala, minsan gagawin pa at masosorpresa ka na lang.

Although often, there is a chance that he is a cold and grumpy person. Somehow, he was very thoughtful even in small things. Medyo nasasanay na ako sa kaugalian niya.

"Bakit hindi ka kumakain?" tanong ko sa kanya habang nagkakamay ako, sumubo ako muli ng isang kanin sabay kagat ng ulam.

Nagpaalam ako sa kanyang magkamay kung pwede, kasi 'diba, masarap magkamay habang kumakain lalo na't kapag ganitong karaming pagkain ang nakahain sayo? Tapos mga paborito ko pa!

Sabi niya ayos lang raw, hindi naman siguro masamang tingnan na nagkakamay ako sa kanyang gintong pinggan, diba?

Nakita kong napailing siya. "I might not be able to eat well when I'm watching you, mi adelaide..You... eating ... tasting foods." napabuntong-hininga siya at sumandal sa inuupuan. "I'm starting to get jealous of the foods you eat."

Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya dahil alam ko namang nagbibiro lang sa kanya.

"Ano ka ba!" tumingin ako sa paligid at nang matantong wala namang bantay at kami lang naririto ay maloko ko siyang nginisian, binulungan ko kahit na magkalayo ang aming inuupuan sa parihabang mesa. "Sawa na kasi ako sa lasa mo... pagbigyan mo na ako rito, okay?" sabi ko, sinabayan ang biro niya.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon