PHASE 7

18 4 0
                                    

"Phryne Gretha Malitaitai po."

"I already know. How should I call you?" putol niya sa paninimula ko.

"Uhm... Phryne na lang po." nahihiya kong tugon.

Dahan-dahan siyang tumango habang pasulyap-sulyap sa akin. Animo'y parang natatakot sa oras na magbitaw ang pamumukaw ng kanyang tingin. "Hmm...nice name. But..." lumingon ito sa akin. "I like to call you Gretha." sabay ngiti nito.

Nagparte naman ang aking labi sa nadinig.

"Pwede 'ba?" tanong niya pa.

Napakamot naman ako sa aking batok. Sa totoo lang, hindi ako sanay na second name ang tumatawag sa akin. Masyadong... hays. Pero para sa nagre-request na Mayor, sige na lang.

"Ahm, p-pwede naman po...hehe." nahihiya kong tugon.

"Good." narinig ko ang kaniyang buntong-hininga. "So Gretha, tell me more about yourself. Ilang taon ka na?" mahihimigan na interesante nitong tanong sa akin.

Agad akong naalarma at huminga muna ng malalim. "Eighteen years old na po ako, at... uh... tatlo po kaming magkakapatid at ako po yung pangalawa, dalawa kaming babae at panganay naman po ang lalaki. Nag-aaral pa lang po ako ng senior-high, Hotel and Restaurant Services po ang strand ko pero gusto ko pong mag HRM or tourism pag tuntong ko ng kolehiyo."

"Oh, you have two options, huh? Undecided?" aniya'y natatawang tumango ito habang nagsasalin muli ng wine sa kaniyang kopita, natitigilan na maging sa baso ko ay sinasalinan na niya rin.

"A-Ah Mayor, hindi po ako umiinom ng alak—"

Umangat bigla ang labi nito sa pagngiti ng siya ay bumaling sa akin.

"Well, that's good! But tourism? It's suits you very well, hindi rin halata sa edad mo dahil matangkad ka at sexy ang katawan mo,"

Nahihiya naman akong napatungo. Hindi alam ang aking iaasta sa kanina pang pagpapaulan ng papuring naririnig ko kay Mayor. "H-Hindi naman po, Mayor," sabay tawa ko upang matabunan ang awkward na nararamdaman.

"I'm serious. You are sexy, Gretha..."

Halos marinig ko naman ang bahagyang paglunok sa aking sariling laway sa pagbabara ng aking lalamunan. Para akong nakalunok ng buto dahil sa hindi ko alam ang aking sasabihin.

Napaiwas naman ako ng tingin ng maramdaman kong matagal ako tinititigan ni Mayor na mukhang lasing na yata dahil nakahalumbaba na ito sa mesa habang medyo namumungay na ang kaniyang mata.

"May pagka bolero ho pala kayo, M-Mayor! Hehe." sabay tawa ko ulit.

Kahit na maraming ng nakapagsasabi ng ganan sa akin ay hindi ko pa rin talaga maiwasang mahiya lalo na't iba ang epekto kapag si Mayor na ang nagsalita. Hindi ko alam... lalo kasi akong nahihiya.

Kanina pa kami nagkukwentuhan ni Mayor, at kahit na hindi naman ako madalas magtanong tungkol sa kanya, ay siya palagi ang maraming tanong sa akin kaya naman hindi ganoon katagal napuputol ang aming usap. Hindi rin naman siya boring kausap at palatawa ito. At dahil ako naman ay masunurin, sinasagot ko lang naman ang kanyang mga simpleng katanungan. Napapansin kong mukhang interesanteng alamin ang buhay ko ni Mayor.

Waring naiisip ko ay baka kaya siya nagtatanong ay para alam niya kung ano ang maaaring maitulong niya sa akin? Baka nga siguro ganon talaga. Alamin ang sitwasyon ko at baka maaaring matulungan niya ako.

Kanina pa kaming ganito. Busog na rin ako dahil sa pinahanda niyang masarap na pagkain sa mga katulong kanina.

Pakiramdam ko ang swerte ko sa araw na ito, para akong mayaman na pinagsisilbihan gayong mahirap lang naman talaga ako bilang bisita rito. Mukhang hindi ko yata makakalimutan ang araw na ito habang-buhay. Bukod sa masarap ang pagkain na nakain ko, inaasahan ko na may isa talaga akong hinihintay na pag-asa na magpapabago at magbibigay ng maayos sa buhay ko.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon