PHASE 71

22 4 0
                                    


"Alam kong malaki talaga ang pagkakasala ko sa inyo... at kulang ang kapatawaran ko. Pero gusto ko pa rin hong sabihin na patawad... patawad sa mga naging pagkakamali ko sa buhay..." pagpapatuloy ko pa.

Agad na nag-init ang gilid ng mata ko sa paninimula ko.

Habang matapang na pinagmamasdan sila ay para bang naging duwag naman silang salubungin ang tingin sa akin. Si Tatay ay nakatungo, si Nanay ay nakaiwas ang tingin sa akin habang may nakikita ako pangingilid na luha sa namumula na niyang mata. Maging si Kuya Premi ay nakatulala na at tila seryoso at may malalim na iniisip kahit na alam kong siya ay nakikinig din, si Chichi naman ay malungkot na ngumunguya.

"Alam kong hindi ako perpektong tao. Marami akong naging pagkakamali... pero kasi, itong nasa tabi ko... siya lang. Siya lang nagbigay ng saya sakin nung mga panahong nangungulila ako sa inyo. Siya lang ang tanging taong tumanggap ng buo sa akin, isa sa umintindi, ang taong isa sa mga nakasaksi sa mga pinagdaanan ko, ang tanging nagmahal sa akin ng husto sa kabila ng pagkatao ko. Nagawa niya pa rin akong tanggapin..." tukoy ko kay Heimlich, mapait akong ngumiti sa kanila habang sinasabi ito.

Kita ko naman ang dagling pagbalatay sa kanilang mata na para bang may naramdaman silang sensitibo at masakit mula sa akin.

"Phryne..." marahang bulong ni Heimlich sa akin.

"Marami akong gustong sabihin sa inyo. Pero hindi niyo ako nabigyan ng pagkakataon noon... kasalanan ko, naduwag din naman ako kalaunan. Pero dahil nandito na rin naman ako, gusto ko lang sana mapakinggan niyo 'ko bago niyo ako... sakaling tabuyin muli. Gusto ko lang pong... magsalita na sa inyong lahat. Ayoko ng maglihim pa..."

Bumuntonghininga ako ng malalim at sinalubong ko sila isa-isa ng tingin at sa huli, bumagsak pa rin ang tingin ko kila Tatay at Nanay... ang dalawang taong pinaka importante sa buhay ko na nagawan ko ng kasalanan na habang-buhay ko na yatang pagsisisihan dahil nabigo ko sila.

Mahina at pilit akong natawa sa una. "H-Hindi ko po alam kung paano sisimulan pero... inaamin ko po na nagkaroon po ako ng hinanakit sa inyo simula ng umalis ako," mapait 'kong sambit, nang salubungin nila ang tingin ko ay sya namang iwas ko para mapigilan ko ang aking pag-iyak kapag tinitingnan sila.

Sila, na isa sa mga pinaka-kahinaan ko. Silang mga pamilya ko...

"Alam niyo, ho? Nagdesisyon akong hindi umuwi kahit na gusto kong umuwi kasi... iniisip ko ho kayo. Mas iniisip ko ang kalagayan niyo kaysa sa sarili ko. Hindi ko rin alam... k-kung bakit ganun na rin napasok ko... kasi Nay.. wala akong ibang maisip kundi kumita agad ng pera..."

Mapait na lumingon sa akin si Nanay at kalaunan ay parang nanghina ng pagmasdan niya ako. "Kailangan natin ng pera pero hindi sa ganyang paraan. Hindi ko rin sinabing gawin mo ang bagay na hindi dapat... Hindi ko rin sinabing gawin mo ang mga bagay na hindi mo kaya, Prina..." marahang sambit niya na inaakala kong bubulyawin niya pa ako.

Lasa ko ang pait sa sinabi niya. Gustuhin ko mang intindihin, pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang nakaraan kung paano kami noon ay bumabalik pa rin talaga ang sakit sa akin. Mga sakit na pilit kong ininda at hindi pinakita sa kanila. At pakiramdam ko, sa puntong ito, hindi ko na yata makakayang kontrolin ang mga hinanakit na nararamdaman ko.

"Talaga ho ba, Nay? Nagtanong ba kayo sakin sa mga bagay na alin ang kaya at hindi ko kayang gawin? Sinubukan niyo man lang bang... alamin?"

"Prina..." si Nanay.

Saglit akong malalim na suminghap habang natutulala sa kawalan, dagling bumabalik sa akin ang nakaraan nung aking mga pinagdaanan. Yung buhay namin dito noon, hanggang sa lumipad sa malayong lugar at sa mga naranasaan ko noon doon nung ako'y nagsisimula pa lamang, kahit na... nag-iisa. Habang naiiwawaksi ko sa isipan ko ang dati, hindi ko na lang talaga maiwasang tawanan ang naging kawawang sarili.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon