PHASE 47

17 4 0
                                    


I don't remember exactly what happened next. Ang tanging malinaw lang sa akin ay ang pag-aargumento namin ni Ilyas habang kumakain ng dinner, ang dagling pagkaramdam ng hilo sa hindi malaman ang dahilan. At ang sumunod ay tanging naging blangko na lamang sa aking isipan.

Masakit ang matang iminulat ko ito. Agad na naramdaman ang pagkauhaw ngunit hindi ko maigalaw ng husto ang katawan ko dahil sa kaunting pangingirot ng sentido. Para bang may kumurot sa utak ko ng mga sandaling ito. Nagising ako ng nasa ibabaw ng napakalaking estrangherong kama. Marangya ang paligid, naninibago dahil ibang-ibang kay Heimlich na silid. Mas magarbo, mas nangingibabaw ang bawat antigo at gintong bagay na nakikita ko.

Kinusot ko ang aking mata at pinilit na umahon sa pagkakahiga.

Napasinghap ako ng matanto kong panlalamig ng pakiramdam sa katawan ko. Para bang naging bugbog sarado rin ang katawan ko.

Wala akong saplot.

Nababalot lang ako ng puting kumot.

Ginala ko ang aking mata habang nasa kama at nasilayang wala naman akong katabi. Wala akong katabi. Unti-unting nanginig ang aking sistema. May nangyari ba sa amin ulit ni Heimlich? Bakit wala akong matandaan? Kung ganon... bakit nagising ako na hindi ko siya katabi?

Pero bakit wala akong saplot? Ano ba ang nangyari? Bakit nandito ako? Kaninong kwarto ito? May tao ba dito? o ako lang? Paano naman ako nakapasok dito? Ni hindi ko nga matandaan na kusa akong pumasok rito! At imposible naman na dito ako kusang makakapasok dahil hindi ko alam ang silid na ito! Gaano man kalawak ng bahay nila, tanging silid lang ni Heimlich ang pinaka kabisado ko.

Masakit ang ulo, naguguluhan dahil hindi ko alam kung sino ang nagdala sakin rito, tapos wala pa akong saplot ay agad ko namang inasikaso ang sarili ko. Bitbit ang balot na kumot sa akin ay mabuti na lamang ay nasa sa tabi ko ang damit ko. Napapakunot na imbes na magulo ay nakatupi pa ito ng maayos. Para bang may nagdala talaga sa akin rito.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung bukod sa sakit ng ulo ko ay may iba pa bang masakit sa akin?

Si Ilyas...

"Oh shit... hindi kaya..."

Mahigpit akong napailing. Oh, my god! This is not happening.

This is not fucking happening, right!?

Bangungot ko lang ba ito? Na sa sobrang sama ng loob ko kay Ilyas ay nakasama ko siya sa bangungot ko? Please, sana totoong binabangungot lang ako. Dahil kung bangungot man ito... sana magising na lang talaga ako!

Please, somebody wake me up form this fucking bad dream!

"Putang ina... putang ina wag naman sana..."

I pinched myself hard and cried in realization. Halos sabunutan ko rin ang sarili ko. Ngunit kahit magkanda-lagas-lagas ang buhok ko sa pananabunot ay totoong gising nga talaga ako! Bakit ba kasi hubad ako!? Fuck! I remember, Ilyas was the last one with me... then I woke up in a bed, fucking naked.

Damn it!

Hindi naman siguro ako napaglaruan, 'diba? Hindi naman siguro ako napagsamantalahan, 'diba? Pero bakit nasa ganitong sitwasyon ako? Sino naglakas ng loob na nag-alis ng saplot ko ng hindi ko namamalayan? Halos mabaliw na ako kakaisip kung bakit ganito ang ayos ko. Ano kayang ginawa niya... sakin? Sinadya niya ba ito? Did he planned this? Sino ba ang gumawa nito?

Parang gusto ko tuloy pagsisihan na dumalo sa kanya sa hapagkainan. Hindi ko inaasahang ganito ang kahihinatnan ko sa pagmulat nang mata ko. Ayoko mang isipin ay baka talaga kaya siya nag-ayang makipagdalo ako, eh yun pala, may masama siyang motibo sakin! I knew it!

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon