Chapter 1

117 3 0
                                    

"Ayun! Putangina, solid!" hindi ko mapigilang sumigaw nang tumama iyong pana sa gitna. Malayong-malayo ang agwat ko mula roon kung kaya't labis akong natuwa sa nakita.

I jumped at the realization that I won. Hindi lang nanalo rito, kundi pati sa pustahan. This might be a gamble for everyone but for me, this is just my way to enjoy things.

Naghiyawan iyong mga taong nasa side ko. Katulad ko, nagtatalon ang mga ito sa tuwa! They are all hugging each other like they performed all the actions! Kahit na ako naman ang gumawa, sobra-sobra pa ang tuwa nila sa akin.

"Galing talaga ni Fabria! Lakas pumana, eh!" I heard the loud compliment of the guy I am in with the school. Nginisihan ko ito saka tinaasan ng gitnang daliri habang maingat na hinawakan iyong pana.

Pumunta sa dako ko iyong babaeng nakalaban. She's wearing a black cap, reminding me how prepared she is at this bet. Samantalang ako ay hindi nakapaghanda ng maayos.

Okay lang. Ako naman ang nanalo.

"'Till next time, huh? You really are a good archer, Andy." Kinamayan ako ng maganda kong kalaban. I congratulated her also for the best performance she gave.

"Sure, no probs. Schedule ka ng next na laban natin, ha? Hehe." She just gave me a cute laugh before she finally went out in front of me.

Kinuha ko ang itim na cap saka isinuot. I gave a glance to my wrist watch. May trenta minutos pa para pumasok ako sa subject. Okay lang kasi nanunuod naman iyong president ng room namin dito. Walang pangamba. At least, dalawa kaming mapapahamak.

"Galing mo talaga! Paturo naman master!" Hinigit ako ni Alexander palapit sa kanya nang makatuntong na ito sa huling hakbang ng hagdanan. He pulled me for a hug which I immediately contradicted.

Kita mo 'to. Balak na naman akong durugin sa higpit no'n! Ano bang akala niya sa akin, girlfriend niya?

"Tapos na hoy! Balik na tayo sa eskwelahan nang matuto tayo sa fucking shit na class," saad ko saka umirap sa hangin.

Alexander and I are not classmates. Tumatakas din lagi sa section nila para makapanood ng mga trip ko sa buhay. Sometimes, he's faking an excuse letter or some proofs that he will be absent. Kaya gustong-gusto kong kasama 'to tuwing cutting class, eh. Hindi nga lang kami nasa iisang section.

Ngumisi ito pabalik sa akin na animo'y bagong salita ang narinig niya. He wiggled both of his brows as he bites his lips as if seducing me. Napangiwi ako nang napansin iyon.

He looks high on that! Hindi naman gumagamit ng droga ang taong 'to.

"Babalik ka? Serious na ba 'yan o baka naman—"

"Gagi, may quiz kami ngayon. Ayokong bumagsak dahil lang sa mga missed activities ko."

Nagdududang tingin ang iginawad nito sa akin. Umirap ako sa kawalang tiwala niya. Ano bang pakiramdam niya sa akin at bakit ganito ang reaksyon?

"Talaga ba? Hindi ka takot bumagsak, ah?"

"Oo, kapag sa lupa. Ibahin mo ang class na 'to. Gusto kong mag-college pa hoy," depensa ko rito saka hinila na ito tuloy.

He's now handing me the money that he collected from those people who lost for the bet. Wala, eh. Pustahan sila. Saka pumayag naman ako at kumpyansa naman na ako ang mananalo. Hindi naman ako natatalo rito.

"Sus, daming pera, oh!" Ipinaypay niya ang mga papel na pera sa harap ko. I sniffed the awful smell of it and so I gave it to him.

Hindi pa rin naaalis ang ngisi nito.

"Saan ba si Mr. President? Tumaya ba 'yon?" taka kong tanong.

Inilibot ko ang paningin sa bawat sulok ng lugar. I know that he followed me here. Imposibleng mawala 'yon eh sabi nga niya manonood siya! Nandadaya ba 'yon?

Summer of Eleventh of May (Juntarsiego Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon