Chapter 2

21 1 0
                                    

Ewan ko ba kung bakit paborito ng lahat itong si Lance. Mula grade 11 hanggang ngayon, siya ang president ng class pati ng SSG. Ang unfair minsan sa mga kumakalaban sa kanya dahil siya, maraming boto samantala ang kalaban ay hindi man lang nangalahati.

He's cruel. Malupit siya para sa akin dahil ultimong maliit na bagay ay pinapalaki. Masyadong bumabantay sa bawat kilos na nakita kong mali sa kanyang inaasta lagi.

Umupo ako sa silyang nakaharap sa guidance teacher. Nasa tapat ko ito saka prenteng nakaupo lang, walang pakialam sa kahahantungan ko.

Tss. Sanay na 'to. Ako lang yata ang hindi.

"Ms. Fabria cut classes. At sabi ng president nila, nakipagpustahan sa isang archery. Siguro naman ay hindi natin iyon palalampasin, ma'am?" saad ng guro ko sa guidance teacher na nakatingin na sa aming tatlo ngayon.

Tikom ang labi ko sa nagdaang minuto. Hindi ako kumontra at ang sarili ay nakuntento sa tahimik na galit na nasa loob.

"At ang mas malala, pumasok ng late sa subject ko! Ni hindi man lang bumati o ano! Take note. Sabi ni Lancelot, lagi raw itong suki ng guidance! This student must learn some lessons, ma'am. Papaano magbabago ang ugali nito sakali?!"

The guidance teacher only shook her head as she looks at me with disappointment. Sa pagiging suki ko ng lugar na 'to, hindi na niya nakalimutan ang pangalan ko.

She's now calling me by my nickname. Nasasanay na ito sa mukha kong laging nakabalandra rito.

Goods naman 'yon. At least, may aircon dito saka walang klase. Kaya mas gusto kong tumambay dito, eh.

"Naku, ma'am, kahit ilang leksyon yata ang ibigay mo sa batang ito, hindi magtitino. Pero kung gusto niyo, pwedeng kausapin na lang. Hindi ba't wala naman itong nakaaway dito sa school?"

"Wala naman, ma'am. Ang sabi sa akin ni Lancelot ay nakipagpustahan daw ito tapos nag-cutting classes sa klase niya kanina! Tapos dadating sa subject kong kumakain?!" halos sumigaw na ito sa loob.

Binigyan ko ng tingin si Lancelot na tahimik ring nakikinig sa pagpapalitan nila ng salita. I just shrugged my shoulder, silently praying that Alexander won't be part of this stupid shit.

Madamay na lahat basta huwag siya.

The guidance teacher gave me a first warning before. Binalewala ko lang kasi syempre, dalawang taon lang naman ako mag-aaral dito. Matalino naman ako kaya hindi ko na kailangan pang pumasok para matuto.

Tss. Who cares for studies if you're smart enough? Duh?

Lancelot clared his throat and crossed his shoulders, preparing for a long explanation and for making me the villain in this situation again. Bumubwelo para ako na naman ang mapagalitan dito.

"I watched her game. Pustahan po iyon—"

"At isa ka rin sa pumusta," pagputol ko sa kanya saka ito bumaling sa akin. I smirked and raised my brow, indicating that he lost there.

Ha! Akala mo ikaw lang ang may kakayahang tumira? Ano ka ngayon, Lancelot?

He stared at me without feeling surprised or tensed. Natural na natural lang ang lahat sa kanya. I don't know if he's feeling a bit angry or having this short patience. Basta kalmado lang ang mukha niya.

"Oo kasi pinagmamasdan kita. I am observing your performance, checking if your plan to cut class was worth it. Mukhang hindi naman," tugon nito. I heard both of our teachers sighing deeply upon hearing our continuous exchange of spicy words until here.

I licked my lips and smirked more, insulting him.

"Nanalo nga, eh. Kaya nawalan ka ng 500 pesos, hindi ba? Walang binatbat ang manok mo sa akin," saad ko. Sinaway ako ng guidance teacher kaya tumahimik lang.

Summer of Eleventh of May (Juntarsiego Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon