Chapter 28

15 1 0
                                    

Hollow, but still having guts to attend my classes though I am not feeling well. Sinong mag-aakala na dami-dami kong iniisip tapos ganito pa? Bigyan na sana nila ako ng award.

I guess, that's life. Walang perpekto kahit na hilingin mong sana ay ganoon na lang palagi. Wala kang magagawa. Or if ever you're too tired of living the life you're living now, then you can make actions in order to experience the betterment of it.

Depende kung masyado kang atat.

I met Bryce at the hallway but chose to ignore him. Sa buong subjects at mga klase ay hindi ko ito binigyan ng kahit na anong atensyon. Hindi naman niya deserve.

Tsismoso, eh.

Hindi pa rin nakakabalik si Lance. Sabi ng kuya niya, pinagpapahinga tapos doon lang daw muna sa bahay nila.

Na-appreciate ko iyong update na ganoon pero sa totoo lang, ayoko siyang makita na muna. Wala lang. I feel like I needed lots of time to make everything clear now. Basta, peace of mind gusto kong makuha na muna saka mga rason para maging productive lahat ng araw ko kahit pasuko na.

I need time. Kaya hindi na ako nagsayang ng panahon sa eskwelahan. Like what I am always telling myself, I will study to the university I am eyeing for. Para makatakas na rin sa mga taong narito, lalo na kay Bryce na walang ambag sa buhay ko.

Papasok ako ngayon, Andy. I'll fetch you later, okay? I needed to talk to you seriously.

Isang madaliang reply ang binigay ko roon sa naging text ni Lance. At alam ko na kung anong ibig niyang sabihin na pwedeng pag-usapan.

Hindi ko na kinwento sa kanya iyon. I want him to realize what he did. I want him to apologize because he need to do it, but because I deserve an apology.

Tangina, mukhang demanding pero ganoon talaga iyon. Hindi na nga ako nagalit at hindi na siya kinompronta pa, eh. At least, kahit apologize man lang ay magawa, 'di ba?

Ganoon ang ginagawa kapag may kasalanan ang isang tao. Para naman kahit papaano ay mabigyan ng kaunting rason para makaakyat sa langit.

Ugh. I still hate thinking about it.

"You're a writer. You've got potentials, Andana. I mean, your works are incredible!"

Nakatitig ako sa bulletin board nang marinig iyon. Hindi ko pinansin. Tanging ginawa ko lang ay titigan ng matalim ang pangalang nakasulat sa isang bondpaper, nangunguna sa ibang pangalang nakalista pa roon.

Pumasa ako sa isang contest. Last contest na sasalihan ko sa eskwelahang ito. It includes writing kaya sinubukan ko na ang kakayahan ko. Hindi ko naman aakalaing makakapasa ako.

I am at the first rank.

Pero hindi ako masaya. Siguro, kalahati sa akin ay oo, pero hindi iyong tunay na masaya. Peke. Mapagpanggap. Walang lugar sa katotohanan.

"I can be your supporter in the future if you'll be a successful writer. A-attend ako ng booksigning mo tapos bibili ako ng mga published mong books! Aside from that, I can also support you on your archery!" his loud voice echoed inside me.

Sa pagkakataong iyon, gumalaw na ako sa kinatatayuan. My eyes pierced at him, almost boring a hole that would kill him if ever. Tumingin ito sa akin na parang walang alam. He's acting like an innocent child!

Do I need a support while doing those things? Mukha bang natatalo ako kapag hindi nakakakuha ng support? Pagkakaalala ko, hindi pa naman nangyayari sa buhay ko iyon.

"My boyfriend can do that. Sorry."

"Oh? Talaga? Bakit hindi ko siya nakikita? Hmm?"

I gritted my teeth. Ang hilig talagang makialam. Naturingang matalino pero ang ugali, masyadong magaspang.

Summer of Eleventh of May (Juntarsiego Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon