Chapter 3

22 1 0
                                    

Naging handa ako sa lahat ng bagay. I started my usual days by cutting classes again and again as if not scared of the future consequences I will face. Hindi umaabot kay Mama ang balitang iyon dahil syempre, maparaan ako.

I only cut classes if I don't like the subject, o 'di kaya ay bored lang talaga ako. Nanghihingi lang ng mga activities na pinapagawa sa group chat o kaya naman ay sa isang kaklase.

That's how wise I am. I don't need to study harder. I only need to study smarter.

Nga lang, minsan lang ako nags-study. Hindi naman mahirap intindihin ang senior high school. Hindi naman mga kaklase ko ang kailangan ko. In fact, sila ang nangangailangan sa akin.

I can survive this whole damn school year alone as long as I am still doing what I like. May pakialamero nga lang na nabuhay sa mundo.

Nakasandal ako sa pader ng SSG office habang hawak ang papel ng recruitment nila sa isang club. Naroon ang listahan ng mga sumali at kahit kailanman, hindi ko pinalista ang pangalan ko.

Pinost nila sa bulletin board ito at sa hindi ko inaasahan, napansin ko ang pangalan ko. I never tried joining this kind of shit. Sino naman ang nag-isip ng ganitong pakulo? Ni-recruit ko ba sarili ko?!

Magulang ko nga hindi ako pinili, eh.

I continued licking the lollipop as Lancelot finally steps on the pathway. Tuwid akong tumayo nang tumingin ito sa akin habang hawak iyong folders.

He stopped from walking and gave me an attention that I didn't ask for. Pinakita ko sa kanya iyong list ng mga sumali sa student publication ng eskwelahan. Winagayway ko habang nakatunganga sa kanya.

"Ikaw nagpasali sa akin dito, ano?" tanong ko ng dire-diretso. Dumiretso ang mata nito sa na-type na pangalan ko.

It's under the feature writer. May interview pa 'to at wala akong balak na gawin 'yon. Anong akala niya sa akin? Success na sa career na ito?

His eyes looks at it boredly. Bumuga ito ng hangin, pagod sa pagharap sa akin.

"Oh? May pruweba ka?" balik tanong niya na nagpatigas sa pagkagat ko ng lollipop.

I crumpled the paper and threw it in the nearest trash can. Pinandilatan ko siya saka inilabas mula sa bunganga ang lollipop. I licked it in front of him without thinking what will he think of me.

"Sa sobrang pagiging pakialamero mo sa akin, imposibleng hindi ikaw ang naglagay ng pangalan ko dyan. Ikaw lang din naman ang malapit sa akin na SSG officer, kaya sino sa tingin mo ang maiisipan kong salarin?"

"Tss. Ni hindi ka nga sigurado—"

"Sigurado ako, Lancelot! You are so fond of me to the point that you recruited me without my permission! Ano? Papahirapan mo ako? Ha?" hamon ko sa kanya.

Iyong kanyang mukha ay hindi nababahiran ng galit o inis man lang. He's just so normal. Alam ko naman na nasa loob lang ang galit nito pero parang nahihiyang ilabas pa.

Inayos nito ang pagkakabitbit sa mga folders saka hindi ako pinansin. Tumuloy ito sa loob ng SSG office na sinundan ko naman kaagad. He went straight to his table and still, I followed his footsteps.

"Hoy, Lancelot! Alisin mo ang pangalan ko do'n! Ayokong maging feature writer kaya kung pwede, alisin mo na dahil wala akong maiaambag dyan!" utos ko rito. He only sighed heavily and continued arranging the folders.

Uminit ang pisngi ko. I gritted my teeth, already preparing to eat him if I am a wild animal.

"Hoy, Lancelot!! Nakikinig ka ba sa akin?! Ang sabi ko, alisin mo ang pangalan ko dahil kung hindi—"

Summer of Eleventh of May (Juntarsiego Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon