Chapter 6

12 1 0
                                    

Speaking of having a relationship with Lancelot, I really do think that we are now being close to each other. Well, kahit noong last year pa naman ay close na kami. Ngayon lang talaga nagkakalapit ng medyo masinsinan.

Niyaya niya akong pumunta sa isang event ng school. Advantage siya kasi SSG President tapos may kotse. Eh ako, nag-commute lang papunta rito sa venue kanina tapos mukhang wala pang alam sa kung anong isusulat.

Anong ife-feature ko rito? Iyong pagsasama naming dalawa sa iisang bench?

"Matagal pa bang matapos 'to? Pinagpaalam mo ba ako sa teachers?" tanong ko sa kanya habang umiirap dahil sa kakapagod umupo.

We are attending a sports event. Basketball tapos isa sa mga participant ay iyong school nga namin. Pareho kaming walang pakialam sa isa't isa habang busy sa panonood ng laro.

"Medyo matagal pa. Mukhang nag-eenjoy ka ngang manood ng laro, eh," tugon niya sa akin habang nakakrus ang braso at seryosong tinititigan ang bawat players.

I rolled my eyes once again. Isa pa, ang tiyaga niya ring maghintay sa Vice President niyang si Chary. Tinext daw siya kanina pero hanggang ngayon ay hindi naman sumusulpot.

Basta talaga crush niya, susunod at susunod kahit saan magpunta.

Ugh. So much hate.

"Pupunta pa ba iyong si Chary? Siya na muna mag-sub sa akin dito! Total, close naman kayo, 'di ba?"

From watching the game seriously and observing anything, he diverted his eyes to me as if I said something that caught his sight.

Ang mas malala pa ay terno ang kulay ng damit naming dalawa na kanina ko lang napansin nang makarating kami. Parang boyfriend ko siya tuloy kahit na wala naman akong balak.

We're both wearing maroon colored shirt.

"Anong sabi mo?" His eyes were like speaking when it finally stared at my face. Ako tuloy iyong napagbuntunan niya ng atensyon.

Bumuga ako ng hangin.

"Si Chary kako. Hinihintay mo naman siya kaya baka pwedeng siya na rin ang mag-sub sa akin."

"Oo, kilala ko at crush niya ako—"

"Ay sana all pinagmamalaking crush siya!" bitter kong sabi. Huminga ito ng malalim saka napasapo sa noo.

Tangina, nakakairita na ba ako?

"We are friends. Pupunta siya rito at hindi ka aalis dahil isa 'to sa mga tungkulin mo bilang feature writer. Focus on the event first before thinking of going home," matigas niyang sabi saka binalik ang atensyon sa laro.

I mimicked what he said in a silent manner before I diverted my attention to the game. Paano kaya kung ilagay ko kung gaano kahina ang players ng school namin? Puro pogi points lang naman ang ginagawa tss.

Ilang sandali pa ay dumating na si Chary sa venue. Syempre binigyan ko siya kunwari ng tipid na ngiti bago nagpaka-busy sa ginagawa 'kuno' para naman ulirang chaperone ako ni Lancelot.

He gave Lancelot a slight kiss on the cheek which made me almost vomit on my seat. Kinawayan niya ako na tinanguan ko lang saka ito naupo sa tabi ni Lancelot.

She's wearing a dress that made her body figure more defined. Si Lancelot naman ay busy rin sa pagsasabi sa akin ng mga pwedeng ilagay sa isusulat na alam kong makakalimutan ko rin mamaya.

Hay naku! Ramdam ko ang awkwardness ni Chary sa tabi niya. I mean, everyone's staring at her like she's the goddess in here. Tapos binalewala lang ni Lancelot?!

Summer of Eleventh of May (Juntarsiego Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon