Chapter 7

15 1 0
                                    

Napaatras ng kaunti ang mukha ko sa kanya. Brushing his curly hair with a hint of frustration almost made me run for my dear life for I know that he's a bit mad.

Hindi na lang ako nagpahalata dahil sa talagang binugaw ko naman siya kay Chary. I don't need to admit it in front of him.

"At alam ni kuya na ayaw kong humantong sa mga ganoong klaseng bagay. Pinahamak mo naman ako, Andy!" he almost shouted at me but with a deep and sincerity on his voice. I saw how his square yet attractive jaw moved.

Grabe, sa ganoong bagay lang, lakas naman ng impact sa kanya? Hindi naman na bago kapag may girlfriend nga siya tapos si Chary iyon!

Nameywang ako sa kanya saka dinuro siya. I raised both my brows, acting like I am mad also.

"Hoy! Bakit ako na naman ang sinisi mo? Eh sa halata namang gusto ka talaga ni Chary! Ano pa bang inaarte mo dyan?! Ma-flatter ka nga sana, eh!" sigaw ko rito dahil para lang sa ganito, nagagawa na niya akong sisihin.

Ugh. So much hate for this guy. Ang gwapo tapos naninisi ng ibang tao. Jusko naman.

Iyong mukha niya ay biglang lumambot sa inasta ko. I tilted my head sideways just to intimidate him more. At habang ginagawa ko iyon, wala sa sariling kumagat ito sa labi at minasahe ang ilong.

His nose looks crooked when I am viewing his side profile. Pero kung nakaharap iyong mukha niya sa akin, masyadong perpekto ang ilong niya. Hindi rin nagkakalayo ang tangos sa akin.

"At bakit naman ako mafa-flatter? Hindi ko naman gusto si Chary, ah?"

I rolled my eyes. Pakipot masyado.

"Wala na akong magagawa dyan. Saka isa pa, akala lang naman iyon ng kuya mo, ah? Bakit ba mukhang stress ka na dyan?" hirit ko pa saka naupo na ulit. Glad that he did the same thing in a calmer way now.

Huminga ito ng malalim na tila kinakabahan. I looked at his face that is now problematic with the situation he is in. Napahilamos pa ito sa mukha saka bumuga ng hangin, naiinip sa sitwasyon na ngayon.

"Pasok na ako. Baka magreklamo ka na naman na hindi ako pumapasok. Sinasayang mo oras ko rito, eh," sabi ko pa bago tumayo na.

I hate waiting for something that is not worth it. Saka balak ko naman talagang pumasok sa ngayon. Gusto ko namang magmukhang uliran akong estudyante kahit papaano. And my plan is to not prove anything to anyone.

Bahala sila sa kung anong judgments nila. Ang sa akin lang, ginagawa ko kung anong gusto ko.

Nagmadali akong lumabas ng kanilang office. My pace is too fast that when I finally opened the door, Lancelot's voice interrupted me.

"Ano na naman ba?"

Nawalan na kaagad ako ng pasensya sa boses nito. Dinig ko pa ang mahinang pagreklamo nito na parang siya pa ang naistorbo.

"Sinabi ko kay kuya na ikaw ang girlfriend ko."

My hand is holding the doorknob. My body is still on its normal state but when I finally heard that cursed words from him, I felt like my knees wiggled instantly.

Natigil ang pagkurap ko na sana at iyong mga mata ko ay hindi napakali sa kagagalaw. Para akong nabingi ng tuluyan dahil sa katahimikang namutawi pagkatapos. I can hear those imaginary crickets on our background now.

Sa lahat ng taong pwedeng sabihin doon sa kuya niya, bakit ako? Sa lahat-lahat na pwedeng pagtripan, bakit ako? At sa lahat ng mga estudyanteng narito na 'di hamak na mas maganda sa akin, bakit ako?

Wait. I forgot that I am beautiful. Hindi nga lang deserve ni Lancelot.

"And I think that's the main problem here."

Summer of Eleventh of May (Juntarsiego Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon