Chapter 5

24 1 0
                                    

With a sudden movement of my bow, I finally hit the target without having any sweat. Isang napakalakas na palakpak ang narinig ko nang sandaling iyon pero hindi ko nagawang ngumiti katulad ng ginagawa ko palagi.

I am not in the mood to celebrate knowing that some of my days at school will look like hell. Mas lalong magiging impyerno dahil alam kong lagi kaming magkakasama ni Lancelot.

Alexander cheered for me. Kinamayan lang ako ng kalaban ko ngunit kahit ganoon ay tanging hilaw na ngiti lang din ang ginawad ko sa kanya.

It's as if I am not happy with the amount of money I will be taking.

"Inom tayo mamaya, ano?" tanong ni Alexander habang walang gana akong umiling. Nililigpit ko ng mahina ang bag na dala, humahanda nang umalis at dumiretso ng eskwelahan.

At oo, magkikita na naman kami. Wala akong choice dahil mukhang dala ko pa ang pangalan ng eskwelahan. It's better to attend.

"Pass ako. Ikaw na lang muna. Pupuntahan ko pa si Lancelot sa school."

"Ha? Grabeng commitment naman 'yang pagiging feature writer mo! Aba, gusto mo suntukin ko 'yon?" Umiling na lang ako ulit dahil kahit ako man ang papatol sa lalaking iyon, wala akong mapapala.

"Huwag na. Kaya ko naman 'yon. Magpapadagdag lang ako ng learnings sa kanya," tugon ko pa na ikinanguso ng bibig nito.

Tsk. Isang gabi lang na hindi makapag-inom, akala mo parang habambuhay na.

"Masyado ka nang matalino para magpadagdag pa. Sinunggaban mo naman ang desisyon ng lalaking iyon? Ikaw ba 'yan, Ands?"

Tumayo ito saka tinapik-tapik ang pisngi ko. He even pinched it when he felt that I am not reacting. Nang hindi pa nakuntento ay mas kinurot niya lalo kaya napaaray na ako.

"Abuso ka na, ah? Oo, sinunggaban ko dahil nangangailangan ang tao. Mabait ako, 'di ba? 'Di ba mabait ako? Kaya syempre maaawa ako!" inis kong sabi. Mas lalong nalukot ang mukha nito.

"Sige, bukas na lang. Weekend naman kaya free ka naman siguro. Sige na, layas ka na. Ako na naman ang magpapalusot kay Mama mamaya. Tss."

Inayos ko ang pagkakabitbit sa mga dala saka tumango. Kahit na mabigat din sa loob kong hindi makagala mamaya ay dumiretso akong school.

Nakasuot pa rin naman ako ng uniporme saka dahil close naman iyong guard saka si Lancelot, madali akong nakapasok habang bitbit iyong pana ko.

Hindi naman ako mamamatay tao. Pero kung si Lance, bakit hindi? It will be my pleasure.

Tinext niya ako kaninang dumiretso na sa office nila dahil usually, ganitong time daw ang walang tao roon. Hindi na ako kumontra dahil hindi rin naman niya kinontra ang hindi ko pag-attend ng klase kanina.

Ako lang ang matalinong nagcu-cut ng class. Kahit magpustahan kami, sigurado akong ga-graduate akong with highest honors sa batch namin.

"Hoy, ano na?" Nilagay ko sa kabilang mesa niya ang dala saka naupo sa tapat. He's currently writing something which I am not giving care.

Ni hindi nga siya naistorbo ng ingay ng pagpasok ko. He's too focused. Akala mo naman nakikipag-compete ako.

He looks at me finally. Isinantabi nito ang ginagawa at sa gulat ko, nginitian ako nito ng pagkalapad-lapad.

Teka. Anong nangyayari kay Lancelot?

"Finally. A pleasant afternoon to you, Andy. How was your archery, hmm?"

His eyes are also smiling like I did something very good as of the moment. Nagiging masaya lang naman ito kapag nahuhuli akong hindi nag-attend ng class! Ano bang nangyari ngayon?

Summer of Eleventh of May (Juntarsiego Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon